Chapter 5

420 31 5
                                    


RITA'S POV


Paglabas ko sa clinic nung doctor ay nakita ko siyang nakaupo sa labas.









"Halika na. Ihahatid na kita sa inyo." banggit niya at tumayo na rin nung makita ako.









"Ha?" kabado kong tanong.









"Iniimbestigahan na nung school yung nangyari sayo. Nagpadagdag na sila ng security doon."










"P-paano nila nalaman?" tanong ko.










"Tinawagan ko si daddy at sinabi yung nangyari. Siya ang tumawag sa school. Chineck nila yung cctv footage kanina at nalaman nila kung ano yung muntik nang mangyari sayo." banggit niya.










Grabe.. Ginawa niya yun??












"Halika na." maayos niyang yaya sakin at naglakad na uli.








Pagkarating namin sa motor niya ay isinuot niya sakin uli ang helmet niya.








"Paano ka?" tanong ko dahil wala siyang helmet.










"Okay lang ako. Mas kailangan mo yan." banggit niya.










"Pero baka mahuli ka." banggit ko at tinanggal ang helmet niya.







Sobra-sobra na yung mga ginawa niya sakin. Ayokong mapahamak pa siya dahil sakin.. Baka mahuli siya bigla kapag nagdrive siya ng walang helmet.








Kinuha niya ang cellphone niya at may tinawagan.








"Oo, pakibilisan lang huh." banggit niya at pinatay na ang call na yun.









"Papunta na yung driver namin. Hintayin na lang natin siya dito." banggit niya at sumandal dun sa motor. "Okay ka na ba talaga?" tanong niya.










Tumango ako.









"Maraming salamat uli." banggit ko at tumungo. "Pangalawang beses mo na kong nailigtas. Salamat talaga." nahihiyang banggit ko.










"Wala yun. Buti na lang talaga sinundan kita kanina." banggit niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya.











"Sinundan mo ko?" tanong ko.








Tumango siya.







"Bigla ka na lang kasing umalis eh. Mukha kang balisa kaya sinundan kita." banggit niya at tumingin sa baba. "Buti na lang talaga umabot ako sa oras, at hindi ka nila nakuha." mariin niyang sabi at kinuyom ang kamao niya. "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sa pangalawang pagkakataon, may hindi na naman ako naprotektahan." banggit niya na tila kausap ang sarili niya.








Parang biglang dumilim ang aura niya. Parang meron siyang naaalalang nangyari sa kaniya noon.








Napatingin siya sakin at tinitigan akong maigi bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada at parang bigla siyang may iniisip na malalalim.











"May naiisip ka bang pwedeng gumawa nito sayo?" tanong niya nung muling tumingin sakin, dahilan para mangunot ang noo ko.











Lost In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon