KEN'S POVTinawagan ko si Thalia para makipagkita sa kaniya. Dinala ko siya sa isang tahimik na lugar para magawa ko ang plano ko. Umupo kami sa damuhan habang nakatingin sa kumukulay kahel na langit dahil papalubog na ang araw.
"Ken.. ang ganda dito." malambing na banggit niya at umulo sa balikat ko.
"Nagustuhan mo?" tanong ko na ikinatango niya.
"Sobrang tahimik. Masarap magmuni-muni." banggit niya.
"Di ba nakapangako ako sayo noon na dadalhin kita sa lugar na to?" banggit ko at dahan-dahang kinuha ang baril sa bulsa ng pantalon ko. "Sabi ko noon na kapag nakatakas tayo sa lugar na yun, dadalhin kita dito. Naaalala mo pa ba?" tanong ko at tinignan siya.
"Oo naman. Siyempre naaalala ko yun." nakangiting banggit niya at tinignan ako.
"Talaga?" tanong ko at ngumiti rin sa kaniya.
Umayos siya ng upo at ngumiting tumango.
Tumayo ako at lumayo ng ilang hakbang sa kaniya bago muling humarap at mabilis na kinasa ang baril ko't itinutok iyon sa kaniya.
Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya.
Sinungaling!! Hindi ko nabanggit ang mga katagang yun kay Tata noon!!
"Ken.." takot niyang sabi at napatayo na rin.
"Sino ang nag-utos sayo?" seryoso kong tanong habang nakatutok ang baril sa kaniya.
"Ha?? Ken.. Ano bang.." aniya at lalapitan sana ako nung paputukan ko ang pagitan ng mga paa niya para mapigilan siyang lumapit sakin.
Napaatras naman siya dahil don.
"Sino ang nag-utos sayong magpanggap bilang si Tata?? Sino ang nag-utos sayong lokohin ako?!!" galit kong tanong sa kaniya.
"Paano mo-"
"SINO ANG NAG-UTOS SAYO?!!" tanong ko at muling ikinasa ang baril ko't itinutok sa kaniya.
"H-hindi ko siya kilala." banggit niya dahilan para paputukan ko uli pagitan ng paa niya. "Hindi ko talaga kilala!!" tili niya at napatakip ng tenga. "Ang alam ko lang, kamag-anak siya ni Rita." banggit niya na ikinagulat ko ng husto.
Kamag-anak ni Rita?? Kamag-anak niya ang may gawa ng lahat nang nangyayari??
"Niloloko mo na naman ba ko?!!" galit kong tanong at kinasa muli ang baril ko't lumapit sa kaniya.
"Hindi!" takot niyang sabi. "Totoo yun. Yun ang alam ko. Kamag-anak niya yung gustong magpakidnap sa kaniya ngayon.. Siya rin yung taong nagpakidnap sa inyo noon." banggit niya.
"S-sino?? Sino sa kanila ang taong yon??" tanong ko.
Mas bigla akong natakot. Ibig sabihin.. hindi ligtas si Rita maging sa mga kamag-anak niya!
BINABASA MO ANG
Lost In Your Eyes
RomancePaano kung yung taong minahal mo ay may itinatagong madilim na nakaraan?? Isang nakaraang kahit ilang beses niyang kalimutan ay hindi niya magawa.. Nakaraang kahit ibaon sa limot ay tila multong bumabalik sa kaniyang alaala?.. Matatanggap mo ba iyon...