EPILOGUE

1K 49 31
                                    


RITA'S POV

Nakatayo ako ngayon habang nakatingin sa kaniya. Ilang taon na rin ang lumipas mula nang mangyari ang lahat.

Umupo ako at hinawakan ang lapida niya.


"Hindi naging madali ang mga pinagdaanan ko noon sayo tita. Ilang beses nagpaulit-ulit sa utak ko ang mga bagay na ginawa ninyo sakin. Maging ang anak ko ay nagkaroon din ng takot sa ibang tao..." banggit ko at pinunasan ang mga luha na pumatak mula sa mga mata ko. "Pero sa lahat ng mga nagawa mong mali sa akin noon... madalas ko ring maalala kung paano mo kami inalagaan nila daddy. Kung paano mo minahal ng totoo ang anak ko. Kung paano mo ko patahanin noon kapag umiiyak ako.. Alam kong parte lang yun ng pagpapanggap mo sa harap ko, pero maganda ang naging epekto sakin non. Hindi ko magawang tuluyang mamuhi sayo dahil sa mga alaalang yun." kwento ko at muling nagpunas ng luha nung tumulo ang mga yun sa pisngi ko.

Kinuha ko ang panyo kung nung nagtuloy-tuloy pa ang luha sa mga mata ko.

"Matagal na rin nung nagkaayos kami uli ni tito. Dinadalaw namin sila ni lola para makasama naman niya ang mga apo niya sa tuhod." nakangiting banggit ko. "Okay na okay na kami tita kaya gusto ko na ring maging okay na tayo.. Pinatatawad na kita." umiiyak ko uling banggit. "Pinapatawad na kita sa lahat ng mga masamang ginawa mo sakin noon, at kung nagkasala man ako sayo.. patawarin mo na ko, tita. Hindi ko rin ginustong magkaganito tayo.." sambit ko at nagpunas muli ng luha. "Gusto kong matahimik ka na rin ng tuluyan sa kung nasaan ka man naroroon.."



"Mommy.."


Napatingin ako sa gilid at nakita ang anak ko.

Lumapit siya sakin kaya tumayo ako at niyakap siya.


"Sabi ko na nga po nandito ka eh." banggit niya at tinignan ako at pinunasan ang luha ko bago tumingin sa lapida ni tita.



"Mama, malaki na po ako. Kaya ko na pong protektahan si mommy katulad ng binanggit ko sa inyo noon." banggit niya dahilan para mas maiyak ako. "Malapit na po kong mag moving up ng Senior High School. Sayang lang po at hindi niyo po ko masasamahan umakyat sa stage para tumanggap ng awards, pero alam ko pong masaya po kayo para sakin." banggit niya at nagsisimula na ring umiyak kaya  hinagod ko ang likod niya. "Salamat po sa pag-aalaga niyo sakin noon. Naaalala ko pa po hanggang ngayon yung madalas niyong pagtabi sakin sa pagtulog ko. Lagi niyo pong sinasabi noon na mahal na mahal niyo ko." umiiyak niyang banggit kaya hinawakan ko ang balikat niya at inilapit sakin. "Alam ko na po ngayon ang dahilan kung bakit niyo ginawan ng masama si mommy dati, pero hindi ko pa rin po yun naiintindihan ng maigi, Mama.. Alam ko pong napatawad na po kayo ni Mommy sa mga nagawa niyo noon kaya pinapatawad ko na rin po kayo. Mahal kita Mama, mahal ko po kayo."

Yumakap siya sakin at umiyak ng umiyak. Niyakap ko rin ang anak ko habang patuloy din sa pag-iyak. Minahal siya ng totoo ni tita. Parang anak talaga ang turing niya sa kaniya noon kaya alam kong mahal din siya ng anak ko.

Tinignan namin siya uli nung magbitaw kami ng yakap ni Rayven.

"Marami kang nagawang maganda para samin tita kaya maging panatag ka na. Pinapatawad ka na namin." nakangiting banggit ko at nagpunas na ng luha. "Salamat din kasi kung hindi dahil sa kagagawan mo, hindi ako magkakaroon ng ganito kagwapong anak." banggit ko at tinignan si Rayven.

"Mommy naman." nahihiyang banggit ng anak ko na nagpunas din ng luha.



Tinignan ko uli ang lapida niya at nakaramdam ako ng luwag sa pakiramdam. Ngayon ang ika-sampung taon ng pagkamatay niya.. Sampung taon na ang lumipas at alam kong sapat na ang taon na yun para mapatawad ko siya sa pagpatay kay mommy... sa pagpapakidnap sakin ng ilang beses... sa pagpapagahasa sakin noon... at sa tangkang pagpatay sakin..

Lost In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon