Chapter 31

527 33 5
                                    


KEN'S POV

Nagulat ako nung sabihin ni Thalia na nasa labas siya ng bahay namin kaya agad akong lumabas para makausap siya.

Pinapasok ko siya. Seryoso ang mukha niya at aaminin kong kinabahan na naman ako sa balitang babanggitin niya.


"Napadalaw ka?" tanong ko nung makaupo kami dito sa garden.


May inilapag siyang maliit na envelope. Kinuha ko iyon at binuksan. Nakita ko ang pictures ng isang itim na sasakyan.


"Last week, pumunta ako dito para sana mangamusta.. pero napansin ko ang kotse na yan malapit sa bahay nila Tata. Nung una hindi ko na lang pinansin dahil baka nakipark lang.. Pero nung bumalik ako dito kagabi... nakita ko uli ang kotseng yan malapit sa bahay nila." banggit niya na ikinakaba ko.



Napatingin ako uli sa kotse sa litrato.






"Mukhang may ibang nagmamanman sa bahay nila Rita." dagdag niya.


"Ibig sabihin, meron pang gustong magpahamak kila Tata?" may takot kong tanong sa kaniya.


Sh*t! Akala ko dahil patay na si tita Rhian tapos na tong gulong to! Ano na naman to?? Kelan ba nila kami tatantanan??




"Hindi natin alam kung anong plano niya at bakit siya nagmamanman pero maging mas alerto kayo. Kailangan niyong mas pag-ingatan sila Tata. Sabihin mo sa kaniya na huwag siyang magpakampante sa paligid niya." banggit niya.



"Hindi siya pwedeng ma-stress ngayon Thalia.. Hindi niya pwedeng malaman na posibleng manganib pa rin ang buhay niya." banggit ko.




"Sabagay.. baka matrauma na naman siya." banggit niya at tumungo.



"Hindi lang yun ang dahilan... Hindi siya pwedeng ma-stress dahil... buntis siya." banggit ko na ikinatingin niya uli sakin.


Kita ko ang gulat sa mga mata niya.




"Hindi siya dapat mag-isip ng kung anu-ano dahil baka makasama yun sa anak namin." seryoso kong banggit at napansin na papunta sila dito't kasama niya si Rayven. "Paparating sila dito Thalia!" bulong ko.





Parang biglang akong na-tensed nang makita ko siya. Kinabahan akong may nagmamasid sa kaniya sa labas. Kasama pa naman niya si Rayven.




"Magrelax ka lang. Tumawa tayo para hindi siya maghinala sa pinag-uusapan natin." banggit niya at tumawa na.




Tensed akong tumawa rin para hindi mahalata ni Tata na may seryoso kaming pinag-uusapan. Pero mukhang napasobra yata. Napansin ko ang inis sa mukha niya nung pasimple ko siyang tinignan nung magpaalam na si Thalia na aalis na siya.










"Wala yun.. Dalaw ka lang kapag gusto mo ng kausap." nakangiting banggit ko kay Thalia.








Alam kong alam na niya ang ibig kong sabihin dun.. Alam niya na gusto kong humingi ng update kapag may nalaman pa siya dun sa taong nagmamanman kila Tata.






Pero mas nainis ko ata si Tata dahil sa sinabi ko kay Thalia.. Kaya nung tumalikod na siya para umalis ay pinigilan ko siya.



Mas mapapanatag ako kung hindi muna siya uuwi. Hindi muna siya dapat mawala sa paningin ko ngayon habang hindi pa nakikita kung sino ang nagmamanman sa bahay nila.



Lost In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon