Chapter 14

386 31 9
                                    

RITA'S POV









"Rita!!" banggit ni tita Eloisa nung makabalik ako dito sa bahay.













Nagulat ako na nadito sila. Bakit??












"Nalaman namin yung nangyaring muntik nang pagbangga sayo.. Okay ka na ba huh?" tanong niya na ikinatango ko.










"Tata.."











Napatingin ako sa nagsalitang yun.









"Kuya Julius?" banggit ko.










Lumapit siya sakin at niyakap ako.










"Okay ka lang ba?" alalang tanong niya at tinignan ako.










Tumango ako at lumayo sa kaniya.











"Ate Tata!!" banggit nila Shane at niyakap ako.










Ngumiti ako at niyakap din sila.









"Bakit halos kumpleto po kayo dito?" tanong ko sa kanila.










"Pinatawag kami ng daddy mo para makausap kami tungkol sayo." banggit ni... tito Bryx.












"Humingi sila ng tulong ni Rhian para mas malaman natin kung sino ang gumagawa sayo nito iha. Gagamitin namin ang mga impluwensiya namin para masigurong magiging ligtas ka na." banggit ni tito Nikolai.














"At pagbabayarin natin kung sino ang gumawa nito sayo Tata. Pangako, hindi tayo titigil hangga't hindi natin siya nahuhuli." banggit ni kuya Julius na nakatingin sakin.












"Salamat." banggit ko na lang at pumunta na sa taas para makapagpalit ako ng damit.











Paglabas ko ay nakita ko agad si tita.











"Tita.." banggit ko at lumapit sa kaniya.








"O bakit iha?" tanong niya.











"Tita, akala ko po ba ayaw ni daddy na lumapit ako sa kamag-anak natin? Bakit pinapunta niya po sila dito??" kabado kong tanong.










"Tata, kailangan natin sila para mas lumawak yung koneksyon natin.. Para mas mapabilis tayo sa paghahanap kung sino man ang gustong kumidnap sayo." paliwanang niya. "Huwag kang mag-alala. Pag-aaralan din namin ng daddy mo ang mga kilos nila para rin makita namin kung isa ba sa kanila ang may pakana ng mga nangyayari sayo." banggit niya. "Pasensiya ka na huh.. Kailangan lang talaga natin sila para matigil na tong mga nangyayari sayo." banggit niya at niyakap ako. "Huwag kang mag-alala na huh. Kami nang bahala ng daddy mo. Hindi ka namin pababayaan."











Tumango ako at nakahinga na rin ng maluwag dahil sa sinabi niya.











------------------------------



KEN'S POV





"Daddy.." banggit ko nung makapasok ako sa library dito sa bahay namin. Nakabukas na ang tv namin doon at mukhang magsisimula na sila.












Lost In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon