Chapter 11

385 30 10
                                    

KEN'S POV





"Tama na, please.. Ayoko na.. Maawa ka sakin.. Tama na.." mahihinang pagmamakaawa niya pero tila bingi na ko sa mga pagmamakaawa niyang yun. Patuloy ako sa ginagawa kong pag-angkin sa kaniya.




Hinalikan ko siya para matigil na siya sa pagsasalita.







Pag-angat ko ng mukha ko ay si Rita na ang nakita ko. Yung Rita na pilit kong pinoprotektahan sa ibang tao. Umiiyak siya habang patuloy na nagmamakaawa sakin..






Parang biglang nanuyo ang lalamunan ko. Para iniuumpog ang ulo ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko kasabay ng mabibigat na paghinga ko.






Para kong nahihirapang huminga.. Parang hindi ako makahugot ng hangin.. Nararamdaman ko ang panginginig ng buong katawan ko. Para kong nanghihina habang nakatingin sa mga mata niya.





"KEN!! KEN!! KEN!!"






Bigla akong napamulat sa malakas na yugyog na yun ni daddy.







Napaupo ako at napaatras sa gilid ng kama ko. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko.. maging ang pamumuo ng mga luha sa mata ko.







Si Rita... siya yung babaeng yun..









Parang tinutusok ang puso ko nung biglang bumalik sa alaala ko yung pag-uusap namin sa rooftop noon..








"S-sabi ko... Maswerte siya. Maswerte siya kasi.. kita naman na sobrang halaga niya sayo eh.. Na kahit ilang taon na yung lumipas hindi mo pa rin siya nakakalimutan.. na gusto mo pa rin siyang makita para maprotektahan siya.. kaya maswerte siya sayo, Ken."









Maswerte?? Hindi... Hindi totoo yon. Hindi ka maswerte sakin.. Ako ang gumawa nun sayo.. Ako ang gumawa nung kahayupang yun sayo..









"Ken.. Anak.." banggit ni daddy at muling niyugyog ang balikat ko dahilan para tignan ko siya.








"Daddy.." naging maingay ang pag-iyak ko.









Hindi ko matanggap.. Hindi ko akalaing makakaramdam ako uli ng ganito.. Hindi ko inakala na yung babaeng gusto kong protektahan.. ay yung babaeng nagawan ko nang malaking kasalanan.









Parang dinudurog ang puso ko sa mga alaala ko sa kaniya. Kung paano siya matakot sa tuwing may gustong kumuha sa kaniya.. Kung paano siya magpasalamat sa tuwing naililigtas ko siya..  Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko magawang maging masaya.. Parang kinukurot ang puso ko sa katotohanang siya yung babaeng matagal ko nang hinahanap..









Paano pa ko makakaharap sa kaniya? Paano ko pa matatagalan na makita ang takot sa mga mata niya? Ang trauma na inabot niya dahil sa mga ginawa ko noon? Paano?? Paano pa??









Naramdaman ko ang pagyakap niya sakin.








"Hon, anong nangyari??"










Napatingin kami ni daddy sa pinto nung pumasok doon si mommy.









"Kennie.. bakit?" tanong ni mommy at nilapitan ako.











Mas naiyak ako dahil sa nakita kong pag-aalala sa mommy ko.










"Binangungot siya hon. At mukhang mas matinding bangungot ang napanaginipan niya ngayon." banggit ni daddy.









Lost In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon