Chapter 22

454 29 10
                                    

KEN'S POV




Tatlong araw na kami ni Rita dito sa Batangas. Alam kong nag-aalala din siya sa pamilya niya pero wala siyang magawa. Hindi pa kami pwedeng umuwi.







Nakausap ko na si daddy para mas halungkatin ang lahat ng detalye sa pamilya ni Rita. Gusto kong malaman kung meron pa ba sa kanila na may galit sa pamilya nila Tata.











"Rita.." banggit ko nung maabutan ko siyang nandito sa may tabing dagat.










Madalas siya dito tuwing hapon, mula nung makarating kami dito sa Batangas. Malapit lang kasi to sa Town house namin. At maganda ang tanawin dito kapag palubog na ang araw.










Tumabi ako sa kinauupuan niya at tumingin sa kaniya.











"Nag-aalala ka pa rin sa kanila?" tanong ko.









Tumango siya at tumingin sakin.









"Namimiss ko na sila." banggit niya at pinunasan ang mga luha niya.










"Pasensiya ka na rin kung pinipigilan kitang kausapin sila huh." banggit ko.











"Naiintindihan ko naman eh." banggit niya at tumingin uli sa dagat. "Sana matapos na to. Sana mahuli na ang may pakana nito." mabigat ang loob niyang sabi.










Hinawakan ko ang kamay niya.









"Wala ka na ba talagang kilala na kamag-anak mong nakaalitan ng daddy mo?? Yung pwedeng magkaroon ng motibo para gawan ka ng masama?"











Oo, alam na niya. Alam niyang kamag-anak niya ang may pakana ng lahat ng mga nangyayari sa kaniya.








Nagulat din siya nung malaman iyon. Nagtaka siya kung bakit at naiyak dahil sariling kadugo pa niya ang may gustong magpahamak sa kaniya.











"Wala talaga. Halos hindi ko naman kasi sila nakasama mula nung nagpunta ko ng America, kaya hindi ko alam kung sino sa kanila ang may galit pa sa daddy ko." banggit niya.








"Kaya wala pa rin tayong magagawa kundi ang maghintay sa sasabihin ni daddy satin. Ginagawa na nila ang lahat para malaman kung sino pa sa mga kamag-anak niyo ang may galit sa inyo." aniko.









Tumingin siya sakin at ngumiti.









"Salamat huh. Pati daddy mo tuloy nadamay na sa problema ko." banggit niya.










Ngumiti ako.








Dahil hindi rin niya mapapatawad ang dumukot at nagpahirap sakin noon, Tata








"Halika na? Pagabi na oh." banggit ko at tumayo na.










Tumayo na rin siya at sumama na sakin.








Pagdating namin sa bahay ay nakapaghanda na si Nanang ng pagkain namin.









Sabay-sabay kaming kumain nila Mang Celso at nakipagkwentuhan sa kanila. Alam din nila na may gustong kumidnap kay Tata kaya sinabi kong kapag may kahina-hinalang  tao sa labas ay sabihin nila samin.






Lost In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon