KEN'S POVPagdating sa bahay ay agad niyakap ni Tata si Rayven. Nag-iiyakan yung dalawa at parang ayaw niyang malayo ni isang saglit ang anak namin sa kaniya.
Pero bigla niyang naibaba si Rayven at napahawak sa puson niya.
"Ahh..." daing niya dahilan para puntahan ko siya.
"Rita, bakit?" tanong ko.
"Nananakit ang puson ko Ken.." daing niya.
"Oh my God! Dinudugo siya anak!" banggit ni mommy kaya napatingin ako sa likod ni Tata. May dugo nga sa short niya.
Agad ko siyang binuhat at kakaibang kaba na naman ang naramdaman ko. Agad ding naalarma sila tito at sabay-sabay kaming lumabas ng bahay.
"Ken.. yung baby natin.." umiiyak niyang banggit habang patuloy pa rin sa pagdaing.
Agad ko siyang ipinasok sa kotse at hinawakan ang kamay niya habang mabilis na pinaandar ni tito ang sasakyan.
"Huwag ka ng mag-isip ng kung anu-ano huh. Makakaligtas ang baby natin." banggit ko at hinalikan ang kamay niya.
Niyakap ko siya at tahimik na nanalangin na sana makaligtas ang munting anghel namin.
Pagkarating sa hospital ay agad siyang inasikaso ng mga doctor.
"Daddy.." banggit ni Rayven at pumunta sakin mula sa pagkakabuhat ni mommy.
Binuhat ko siya at niyakap ng mahigpit. Kinakabahan ako. Hindi ko mapigil ang luha sa mga mata ko dahil sa sobrang takot.
"Daddy.. si mommy? Kelan siya lalabas??" umiiyak na tanong niya.
"Lalabas din siya agad, anak. Lalabas din sila." banggit ko na parang maging sarili ko ay kinukumbinsi ko.
Hinagod ko ang likod niya at mas niyakap pa siya.
Nakahinga lang ako ng maayos nung sinabi ng doctor na nagkaroon lang siya ng contraction at ligtas ang bata sa sinapupunan niya. Naiyak ako kay mommy sa sobrang tuwa. Parang lahat ng pangamba ko ay naglaho ng parang bula sa balitang yun. Ligtas sila ng baby namin.. Ligtas sila..
Pagkalipat sa kaniya sa isang private room ay agad namin siyang pinuntahan. Nakatulog na sa sobrang pagod si Rayven habang buhat-buhat siya ni tito kaya sinabi kong umuwi na lang din muna sila at ako na ang magbabantay kay Rita. Alam kong pagod na rin sila.
Tumango sila at sinabing babalik na lang bukas. Tumango din ako at hinalikan ang ulo ni Rayven bago sila tuluyang makalabas. Ang kawawang anak namin... kailangan uli namin siyang ipatingin sa doctor bukas. Naaawa ako sa kaniya dahil sa murang edad niya ay nasaksihan niya ang mga masasamang pangyayari sa mommy niya.
---------------------------
Biglang nagising si Rita ilang minuto pagkaalis nila tito. Mukhang nanaginip siya ng masama dahil agad siyang umupo sa hospital bed niya.
BINABASA MO ANG
Lost In Your Eyes
RomancePaano kung yung taong minahal mo ay may itinatagong madilim na nakaraan?? Isang nakaraang kahit ilang beses niyang kalimutan ay hindi niya magawa.. Nakaraang kahit ibaon sa limot ay tila multong bumabalik sa kaniyang alaala?.. Matatanggap mo ba iyon...