Chapter 8

389 27 18
                                    

KEN'S POV



Tatlong araw na ang lumipas nung makilala ko si Tata. Madalas kaming nagkikita tuwing hapon, at nalaman kong sa kabilang school pala siya nag-aaral.







Paalis na sana ko nung mapansin kong naglalakad si Rita di kalayuan sa kinaroroonan ko.








Napangiti ako at lalapitan ko sana siya pero biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag na si Tata. Malamang na naghihintay na yun.








Napatingin ako uli kay Rita. Gusto ko sana siyang puntahan kaso mukhang kailangan na ko ni Tata.









Agad na kong nagsuot ng helmet ko at sumakay sa motor ko para mapuntahan si Tata.








Medyo malayo na ko sa school nung may dumaan sa gilid ko na itim na van. Normal naman saking nakakakita ng ganun pero hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko si Rita.









Pinilit kong alisin yun sa isip ko dahil okay na naman siya.. Mas mahigpit na ang security ngayon sa school.. Wala nang mangyayari pa sa kaniya..









Mas lumalayo na ko sa school nung bigla akong tumigil. Hindi ko talaga alam kung bakit ako biglang kinabahan para kay Rita kaya bigla kong ibinalik ang motor ko at binagtas ang daan pabalik sa school.








Napahinto ako at mabilis na bumaba ng motor ko nung makita kong hinarang sila nung itim na van na yun. Agad akong tumawag sa mga pulis.









Pumunta ko sa kinaroroonan nila Rita na ngayon ay bakas na naman ng takot sa pwedeng mangyari sa kaniya.









"Rita!" katok ko sa pinto ng kotse nila.








Tumingin siya sakin at mas nakita ko ang takot sa mukha niya.








"Ken.. tulungan mo kami." pagmamakaawa niya.










Binuksan ko ang pinto ng kotse nila at kinuha siya. Itinago ko siya sa likod ko.







Lumabas yung tatlong lalaki sa van.









"Sino kayo? Anong kailangan niyo?" tanong ko.




Lumapit samin yung dalawang lalaki kaya agad ko silang sinipa pero may mga lumabas pang limang lalaki.








"Rita, bumalik ka sa loob! Maglock kayo ng pinto!!" utos ko nung sumugod din yung iba pang kasama nila.









Sinuntok ko yung lumapit na lalaki at sinipa din yung isa pa. Nagpatuloy ang paglalaban namin. Ilang tama na rin ang natanggap ko, hanggang sa may maglabas na ng baril! Sa wakas! Agad kong sinipa ang kamay niya at mabilis na kinuha ang baril niya at kinasa iyon bago pinaputukan isa-isa ang mga binti nila.







Naitaas ko ang baril ko nung may lalaking lumabas pa doon.








Nararamdaman ko na ang sakit ng panga ko dahil sa pagkakatama doon, at pagbilis ng paghinga ko dahil sa sobrang pagod, pero hindi ko dapat indahin yun ngayon. Kailangan kong masigurong magiging ligtas si Rita mula sa kanila.











"Wooah.. Galing.." banggit niya at pumalakpak pa.








Naging mas mabigat ang paghinga ko dahil sa hingal na nararamdaman ko.










Lost In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon