Chapter 6

405 28 6
                                    

KEN'S POV




Mamayang hapon pa ang klase ko kaya sinamahan ko muna si mommy sa pamimili dito sa Supermarket. Marami daw siyang bibilhin kaya nagrequest siya na samahan ko siya ngayon.




Habang namimili si mommy ng mga karne ay nagpaalam muna ako na titingin lang ako snacks. Pumayag naman siya kaya dumiretso na ko doon. Paliko na sana ako nung biglang may batang makabunggo sakin.










Agad ko siyang tinulungang makatayo.









"Okay ka lang?" tanong ko at pinagpagan ang damit niya.










"Okay lang po. Sorry po kuya." nakangiting banggit niya at pumunta sa mga candies.







Hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako dahil bibo siya.







Nakatitig siya dun sa mga candies na animo pinipili niya kung ano ang gusto niyang bilhin.








Mas napangiti ako nung pinipilit na niyang abutin yung nagustuhan niya kahit ang liit lang niya. Tumingkayad pa siya pero hindi niya maabot, haha.








Ang cute-cute niya. Ang sarap niyang gawing keychain, haha.








Nilapitan ko siya at binuhat kaya nakuha niya yung gusto niyang candy.







Tumingin siya sakin at ngumiti.








"Thank you po." nakangiting banggit niya.







Ang cute-cute talaga niya. Parang ang sarap halikan nung cheeks niya dahil mamula-mula yun.








"You're welcome. Anong pangalan mo?" nakangiting tanong ko.










"Rayven Clark po." sagot niya at pinakita sakin yung hawak niya. "Gusto niyo po?" tanong niya kaya mas napangiti ako.










Umiling ako at ibinaba na siya.







"Nasaan ang kasama mo? Bakit mag-isa ka dito?" tanong ko.








"Nandun po sa kabila si Mama." sambit niya. "Sige po ah. Thank you po uli. Babalik na po ako kay Mama." paalam niya at kumaway pa.













Ngumiti ako at kumaway din sa kaniya.









Nakakatuwa siyang pagmasdan kaya pasimple ko pa rin siyang sinundan hanggang sa makabalik siya sa Mama niya.









Nagulat ako nung makita kung sino ang kasama niya.








"Tita?" banggit ko dahilan para tignan niya ko.








Saglit siyang nagulat pero ngumiti rin.








"O iho, ikaw pala. Kamusta?" nakangiting tanong niya.











"Okay naman po." sagot ko at tinignan yung bata.











"Hi kuya!" masiglang bati niya habang kumakaway.









Napangiti ako uli dahil ang cute niya talaga. Ngayon ko mas napansin ang malaking pagkakahawig niya kay Rita.









Lost In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon