RITA'S POV
Pagbaba ko ay napansin kong kausap ni daddy si Tito Bryx. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila dahil mababakas ang pagkairita sa mukha niya.
"Ilang beses ko nang sinabi sayong hindi na nga pwede yun di ba?" banggit ni daddy.
"Kuya, kung ikukumpara sa yaman mo, barya lang naman yung hinihiram ko sayo. Kailangan ko lang talaga yun para sa next project ng company." banggit ni tito.
"Bryx, alam mo ba kung gaano kalaking halaga ang 10 Million? Hindi lang yun parang nanghiram ka ng limang piso sa kakilala mo." seryosong banggit ni daddy.
"Ganun kuya? Magagawa mo na kong tiisin ngayon?"
"Kung inaayos mo lang ang paghawak mo ng pera mo Bryx, wala tayong magiging problema diyan."
"So lumabas din ang totoo. Hindi ka tiwala sakin kaya ayaw mo kong pahiramin." galit na sambit niya.
"Bakit Bryx, ilang beses mo na nga bang sinira ang pangako mo sakin huh?! Akala mo ba hindi ko alam na hanggang ngayon patuloy ka pa rin sa pagca-casino mo?!" mataas na rin ang boses ni daddy.
"Hon.. Bryx.. Tama na yan. Pwede niyo namang pag-usapan ng mahinahon yan eh." banggit ni tita na kagagaling lang sa kusina.
"Tandaan mo to kuya! Mauubos din ang kayamanan mo.." inis na banggit ni tito Bryx at napatingin sakin bago umalis.
"Hon, okay ka lang? Kalma na huh." banggit ni tita.
Tumango si daddy at ngumiti sa kaniya.
Napangiti din ako. Kayang-kaya niya talagang pagaanin ang loob ni daddy kahit sa ganung paraan lang.. Maswerte talaga kami kay tita.
---------------------------------------
Pagdating namin sa school ay nagkataon na napadaan kami sa garden kung saan ako niligtas nung lalaki..
Ano nga uli ang pangalan niya? Ang alam ko binanggit yun nung isang lalaki kahapon eh.
"Ken." banggit ko.
Oo yun nga!! Ken nga!
"Ha? Bakit? Anong meron kay Ken??" tanong bigla ni Melay.
"Ha?? Ahh..."
"Kilala mo na siya? Siya yung nakabunggo sayo kahapon dun sa corridor." nakangiting banggit niya.
"Kilala mo rin siya?" tanong ko dahil bigla akong na-curious sa pagkatao niya.
"Oo naman noh. Jack-of-all-trades yun noh. Academics... Sports.. name it, kaya niyang gawin ang mga yun.. Kung sakali mang may hindi siya kayang gawin, ilang practice lang, magugulat ka.. Kaya na niya yung ipagagawa mo." nakangiti niyang sabi. "Pero mas nakilala siya dito dahil sa galing niya sa paghawak ng baril."
"Baril??" bigla naman akong natakot sa sinabi niya.
"Oo, lumalaban yun sa mga competition here and abroad. Kaya nga maraming estudyante dito na takot sa kaniya. Pero mabait yun.. tahimik nga lang yun minsan eh. Saka laging nag-iisa." dagdag niya.
BINABASA MO ANG
Lost In Your Eyes
RomancePaano kung yung taong minahal mo ay may itinatagong madilim na nakaraan?? Isang nakaraang kahit ilang beses niyang kalimutan ay hindi niya magawa.. Nakaraang kahit ibaon sa limot ay tila multong bumabalik sa kaniyang alaala?.. Matatanggap mo ba iyon...