Chapter 3

456 31 10
                                    

RITA'S POV




Tatlo lang ang subject ko ngayon kaya maaga ako makakauwi. Tinawagan ko na si Mang Nestor... driver namin, para tanungin kung nasaan na siya? On the way na daw kaya umupo na lang muna ako dito sa garden ng school.








Halos wala namang tao dito kaya okay lang.









Kinuha ko ang libro ko para sana magbasa nung may mapansin akong tatlong lalaki sa gilid ko.










"Hi miss beautiful." nakangiting bati nila.










Agad kong kinuha ang bag ko at nayakap iyon.








Anong kailangan nila sakin? Bigla akong kinabahan na nandito sila malapit sakin.










"O miss, huwag kang mag-alala, magpapakilala lang naman kami eh." nakangiting banggit nung isa.









"Di ba ikaw yung transferee ng Business Ad?" banggit nung isa pumunta dun sa kabilang gilid ko dahilan para mahirap na sakin ang makaalis doon.











"Anong kailangan niyo sakin?" tanong ko sa kanila at pakiramdam ko ay gusto ko nang maiyak dahil wala akong takas sa kanila.












"Anong ginagawa niyo sa kaniya?" tanong ng isang boses sa likod nung isang lalaki.













Napatingin kami sa kaniya.








Lumapit siya samin at hinawi yung lalaking nasa unahan niya at kinuha ako para makaalis ako sa pagkakakulong nila.









Nilagay niya ko sa likod niya at siya ang humarap sa mga lalaking iyon.









"Ken, wala naman kaming ginagawa sa kaniya. Gusto lang naming magpakilala." banggit nung isang lalaki.









"Gustong magpakilala, pero halos kornerin niyo siya?" banggit niya at ibinaba ang bag niya.











"Uy, wala naman kaming binabalak na masama noh. Magpapakilala lang talaga." may takot nilang sabi sa kaniya.











"Talaga??" hindi kumbinsidong tanong niya at humakbang papunta sa kanila.










"Oo totoo. Gusto lang talaga naming magpakilala." may takot na sabi nung isa pa.












"Tara na mga tol. Next time na lang natin kausapin si Ms. Beautiful." banggit din nung isa at umalis na sila.











Humarap siya sakin. Yung lalaki kanina.. yung nakabangga ko sa hallway.











"S-salamat." mahinang banggit ko.










"Welcome." sambit niya at kinuha na ang bag niya. "Umupo ka na uli, nandun lang ako sa kabilang table in case na may lumapit uli sayo." casual niyang sabi at umupo dun sa kabilang table malapit sa kinauupuan ko kanina.










Kumuha siya ng libro at nagbasa na.










Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina at tinignan siya bago kinuha ang librong babasahin ko rin.







Lost In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon