Chapter 27

473 30 13
                                    


KEN'S POV

"Rita!" banggit ko at agad siyang niyakap at dinala sa mas ligtas na lugar matapos umalingawngaw ang putok ng baril na yun na mas nasundan pa ng mas maraming putukan.




Bumulagta pababa ang tita niya dahil sa putok ng baril na yun. Tinamaan siya sa dibdib.





Nagpasukan ang mga pulis at nakipagpalitan ng mga putok sa mga bata ni Marco.





"Si Rayven!!" alalang banggit ni Rita.





Kinuha ko ang baril sa kaniya.



"Ako nang bahala sa anak natin." banggit ko.






"Anak ko lang Ken." mariing banggit niya.




Alam kong galit na galit pa rin siya sakin pero may karapatan din ako sa anak namin.




"Anak natin, Rita! Anak ko rin siya!" mariin ko ring banggit sa kaniya at tumakbo papunta sa tinakbuhan nila Marco.




Pinunasan ko na ang luha at dugong tumutulo sa ulo ko dala nang pagkakabugbog sakin kanina.







Hindi ako makakapayag na makawala pa ang hayop na yun! Hawak niya ang anak ko at hindi ko siya mapapatawad kung may mangyari sa kaniya!! Demonyo siya!!




Pinaputukan ako nung bata niya nung makitang sumusunod ako sa kanila. Buti at nakapagtago agad ako dito sa pader at mabilis din siyang pinaputukan dahilan para bumulagta siya.





Tumakbo ako uli para maabutan sila Marco. Nagtago ako nung paputukan niya ko.








Hindi ko siya mapaputukan dahil baka madamay ang anak ko.




Pinaputukan ko yung isa pa nilang kasama dahilan para mag-isa na lang siyang hinahabol ko ngayon.







Nasa isang malawak na espasyo na kami nung humarap siya sakin at tinutukan ng baril sa ulo ang anak ko.








Bigla akong natakot para kay Rayven.






"Kuya Ken!!!" umiiyak niyang banggit habang nagpupumiglas kay Marco.






"Huwag kang malikot kung ayaw mong patayin kitang bata ka!!" gigil niyang sabi.








"Marco, huwag mong idamay dito ang anak ko." banggit ko at dahan-dahang lumapit sa kanila.






"Huwag kang lumapit samin kung ayaw mong paputukan ko ang ulo nitong batang to!!" galit na galit niyang sabi at tumingin sakin habang yakap pa rin ang anak ko.






Tumigil ako dahil natakot akong totohanin niya yung banta niya.












"Ihagis mo papunta dito yung baril mo!!" utos niya dahilan para sundin ko siya.









"Bitawan mo na ang anak ko.. Huwag mo siyang idamay dito!!" banggit ko at nakataas ang kamay na lumapit-lapit sa kaniya.




"Dyan ka lang!!" sigaw niya at tinutok sakin yung baril. "Sinabing huwag kang lalapit samin eh!!" banggit niya at binaril ako. Buti at nakaiwas ako at napaupo.







Itinaas ko ang kamay ko at napansing malapit na uli sakin ang baril ko.







"Kuya Ken!!" umiiyak na banggit ni Rayven.





Lost In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon