RITA'S POV
Nakakatuwang pagmasdan sila Ken at Rayven. Masayang-masaya ang anak kong kasama siya. Kung maglaro sila akala mo matagal na silang magkakilala at palagay na palagay na ang loob nila sa isa't-isa.
Napatingin ako sa teddy bear na hawak ko ngayon. Aaminin ko, kinilig talaga ko nung bigla niya tong iabot sakin. Hindi ko akalaing bibigyan din niya ko nito.
Parang sa mga oras na to.. nawala yung pangamba ko na layuan niya ko kapag nalaman niya ang totoo tungkol kay Rayven.
Sa nakikita ko sa kanila, parang kaya niyang tanggapin ang anak ko kahit bunga siya nang nangyari sakin noon. Parang kaya niyang ituring ding anak ang anak ko.
Kaya nga kaya niya?? Kaya niya kayang tanggapin yung nakaraan ko??
Napatingin ako sa kanila at magkasama silang nanonood nung mga nagsasayaw sa gilid. Agad akong lumapit na at iniabot sa kanila yung inumin na binili ko.
Ngumiti siya at tinanggap yung inumin. Buhat-buhat niya pa rin ang anak ko.
"Thank you." nakangiti niyang sabi at umupo sa nabakanteng upuan. "Lika, upo ka rin dito oh." banggit niya at umusod para magka-space para sakin.
Tumabi ako sa kaniya. Nilagay niya si Rayven sa lap niya at binuksan ang inumin na binigay ko kanina.
Binigay niya iyon kay Rayven para makainom na agad ang anak ko kaya napangiti ako lalo.
Kinuha ko ang inuming hawak ni Rayven kanina at binuksan iyon bago ibigay sa kaniya.
Napatitig siya saglit sakin bago mas napangiti.
"Salamat uli." ngiting-ngiti niyang banggit na animo kinikilig sa ginawa ko.
Mas napangiti din ako bago binuksan ang inumin ko at uminom na rin.
"Madalas kayo ni Rayven dito sa Mall?" tanong niya matapos makainom.
Umiling ako.
"Ngayon nga lang kami nakalabas nang magkasama. Ngayon lang kami nakapunta dito sa Mall. Madalas kasi si tita ang kasama niya eh." banggit ko. "Saka alam mo namang hindi rin ako pwedeng lumabas-labas di ba?" alanganin kong sabi.
Alam naman niyang nanganganib pa rin ang buhay ko.
"Paano mo napapayag ang daddy mo na lumabas ka?" tanong niya.
"Hindi nila alam. Tumakas lang kami. Sakto kasing wala sila ni tita eh." banggit ko na medyo natatawa dahil malamang na lagot kami nito mamaya.
Natawa din naman siya.
"So sakto din pala yung timing nang pagpunta ko dito sa Mall. Nakasama ko kayo." nakangiti niyang sabi.
"Thank you huh. Thank you sa pagpapasaya mo kay Rayven."
"Wala yun. Ang bait nga nitong batang to eh. Ang saya kasama." banggit niya at hinalikan ang ulo ng anak ko.
BINABASA MO ANG
Lost In Your Eyes
RomancePaano kung yung taong minahal mo ay may itinatagong madilim na nakaraan?? Isang nakaraang kahit ilang beses niyang kalimutan ay hindi niya magawa.. Nakaraang kahit ibaon sa limot ay tila multong bumabalik sa kaniyang alaala?.. Matatanggap mo ba iyon...