Chapter 7

385 26 13
                                    

RITA'S POV

Mahigit isang linggo na mula nung makabalik ako sa school pero parang feeling ko ay merong mga matang laging nakamasid sakin. Alam kong dapat ay kabahan ako pero hindi ko maintindihan kung bakit imbis na matakot ay parang mas gumaan ang pakiramdam ko sa school na yun dahil don. Feeling ko ay merong nagbabantay sakin.


Napatingala ako sa taas para tignan ang langit nung mapansin ko si Ken doon.




Napangiti ako nung maisip kong... baka siya ang taong yun. Siya yung taong nakamasid sakin lagi.




Nasa roof top siya at nakatingin sakin. Hindi ko alam kung nakangiti nga ba siya katulad nang naaaninag ko, o akala ko lang? Dahil nasisilaw na ko sa liwanag ng langit kaya naisipan ko na lang na pumunta sa kinaroroonan niya.



Sa lahat ng mga tinulong niya sakin, unti-unting napanatag ang kalooban ko sa kaniya. Na kahit lalaki siya ay hindi ko na magawang matakot sa kaniya. Alam kong mapagkakatiwalaan ko siya at hindi niya ko ipapahamak.



Pagdating ko sa roof top ay wala na siya sa kinaroroonan niya kanina. Pumunta ko doon at napangiti sa nakikita kong tanawin. Kitang-kita ang field dito, maging ang halos 3/4 ng kabuuan ng school namin.



"Maganda di ba?"




Napatingin ako sa likod ko at nakita ko siyang nakaupo na habang nakasandal sa pader.



Lumapit ako sa kaniya at nakiupo di kalayuan sa kaniya.






"Madalas ka dito?" tanong ko at tinignan siya.



Nakatingin siya sa langit habang tipid na nakangiti.




"Kapag gusto kong makapag-isip-isip." banggit niya. "Kapag ipinapanalangin kong sana makita ko na yung babaeng hinahanap ko." dagdag niya.



"May babae kang hinahanap?" tanong ko.



Tinignan niya ko at ngumiti.




"Isang babae sa nakaraan na gusto kong mahanap. Gusto kong maprotektahan." banggit niya at tumingin sa ibong dumapo sa sahig nitong rooftop. "Ilang taon ko na siyang hinahanap, pero hindi ko siya makita.. hindi ko talaga siya mahanap."




Mukhang naghahanap ng pagkain ang ibong iyon dahil tinutuka-tuka niya ang semento ng kinatatayuan niya.






Napatingin ako uli kay Ken nung bumuntong-hininga siya.







"Nag-aral akong humawak ng baril at makipaglaban para sa kaniya.. Para kapag nagkita kami uli, kayang-kaya ko na siyang protektahan. Na kapag may nagtangka uli sa buhay niya.. magagawa ko siyang maipaglaban." malungkot ang boses niyang sabi.





Grabe.. feeling ko sobrang halaga sa kaniya nung babaeng yun. Kitang-kita sa mga mata niya yung kagustuhang makita na yung babaeng tinutukoy niya..







At kung sino man siya.. napaka swerte niya.




"Maswerte siya.." biglang banggit ko dahilan para mapatingin siya sakin.





Napaiwas din ako ng tingin dahil hindi ko naman sinasadyang mabanggit yun.





"Ha? Ano uli yun?" tanong niya dahilan para tignan ko siya uli.







Nakangiti siya at okay na uli ang mga mata niya.





"S-sabi ko... Maswerte siya. Maswerte siya kasi.. kita naman na sobrang halaga niya sayo eh." banggit ko at tumingin sa lapag bago muling tumingin sa kaniya. "Na kahit ilang taon na yung lumipas hindi mo pa rin siya nakakalimutan.. na gusto mo pa rin siyang makita para maprotektahan siya.. kaya maswerte siya sayo, Ken." banggit ko at ngumiti sa kaniya. "Huwag kang mag-alala, mahahanap mo rin siya."






Lost In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon