RHIAN'S POVHahahaha. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ng dalawang taong yon.. lalo na sa mga mata ni Rita. Malamang na hindi niya inakalang sa lahat ng taong nakapaligid sa kaniya ay ako pa ang makagagawa ng mga kahayupang iyon sa kaniya, hahahaha.
"Ibaba mo ang baril na hawak mo Ken kung ayaw mong pasabugin muna namin ang ulo ng mga magulang mo." mahinahon kong banggit at tumingin sa gilid dahilan para mapatingin din siya doon.
Parehong nakatali ang mga magulang nila sa gilid nitong bodega. Sinenyasan ko ang mga tauhan ko dahilan para tutukan nila sila ng baril sa ulo.
"Huwag!!" banggit niya at itinaas ang kamay niya bago ibinaba ang baril niya.
"Hahahaha.. hanggang ngayon, bubwit ka pa rin bata!! Hahaha." banggit ni Marco at sinuntok si Ken.
"Huwag!!" sigaw ni Rita at aawat sana buti at nahawakan agad siya ni Bruno.
Binugbog ng todo ni Marco si Ken hanggang sa sumuka na siya ng dugo.
"Tama na!! Tigilan mo na siya!!" walang humpay ang pag-iyak ni Rita kay Marco na parang bingi at patuloy lang sa pambubugbog kay Ken.
Hahahaha!! Ang saya niyang pagmasdan! Bawat pasakit na nararamdaman niya ay parang ikinagagaan ng loob ko. Dapat lang sa kaniya yan!! Dapat lang na maghinagpis siya!!!
"Tama na!!" sigaw niya at nagpumilit na makawala kay Bruno at pinuntahan si Ken.
"Marco, gisingin mo na ang mga bisita." utos ko dahilan para utusan niya ang mga bata niya na sabuyan ng tubig ang mga magulang nila sa gilid.
"KEN!!!" tawag nila Steven at Veron.
Tumingin sila sakin at galit na nagpupumiglas sa pagkakatali sa kanila.
"Hayop ka Rhian!! Anong ginawa mo sa anak ko?!!" galit na galit na sabi ni Steven.
"Hahahaha.. Masakit ba? Masakit bang makita na nagkakaganyan ang anak niyo ngayon huh?? Hahahahaha."
"Hayop ka!! Kung may galit ka sakin, ako ang pagbayarin mo!! Huwag mong idamay ang anak ko!!" galit na galit niyang sabi at pilit pa ring nagpupumiglas sa tali niya.
"Rhian... ano bang ginawa naming masama sayo para gawin mo to??" umiiyak na tanong na rin ni Veron.
"Hindi mo ba natatandaan??" tanong ko at tumawa. "Pinaglaruan niyo ko noon. Pinagpustahan ako ng asawa mo at ng mga kabarkada niya." banggit ko na ikinagulat niya't napatingin kay Steven.
"Steven??" aniya dahilan para mas tignan ako ng masama ng asawa niya.
"Pinagpustahan nila na mapapasagot ako ni Jaymark." banggit ko habang nakatingin din sa matalim na tingin ni Steven sakin.
BINABASA MO ANG
Lost In Your Eyes
RomancePaano kung yung taong minahal mo ay may itinatagong madilim na nakaraan?? Isang nakaraang kahit ilang beses niyang kalimutan ay hindi niya magawa.. Nakaraang kahit ibaon sa limot ay tila multong bumabalik sa kaniyang alaala?.. Matatanggap mo ba iyon...