Chapter 15

418 31 13
                                    

KEN'S POV







"Kuya Ken!!!" sigaw ng isang bata dahilan para mapalingon ako sa likod ko.










Saan yun nanggaling??












"Kuya Ken!!" tawag niya uli at napatingin ako sa escalator. Hawak siya ng isang body guard niya.













Napangiti ako at sinalubong ang pagbaba niya.











"Rayven!" banggit ko at agad siyang binuhat nung makababa siya. "Kamusta ka na??" nakangiting tanong ko at hinalikan ang pisngi niya.










Ngumiti siya.











"Kasama ko po si ate-mommy." banggit niya dahilan para mapatingin ako uli sa escalator at nandun nga siya.







Ate-mommy?? Ang cute naman ng tawag niya sa ate niya.








Lumapit siya samin nung makababa siya kasunod ang mga body guards niya.








Hindi ko alam kung bakit pero bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Ang ganda-ganda niya lalo ngayon na hindi school uniform ang suot niya.











"Hi." tipid kong ngiti sa kaniya.












"Hi." nahihiyang banggit din niya at tumingin kay Rayven. "Rayven, halika na." banggit niya.











"Saan kayo papunta?" tanong ko.











Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko pa siyang makasama. Gusto ko pa silang kasama.











"Sa playground. Gusto niya kasing maglaro eh." banggit niya nung tinignan ako.











"Pwede akong sumama?" tanong ko na ikinagulat niya.











"Talaga po kuya?! Sige po!!" masayang banggit ni Rayven.










"Wala ka bang ibang gagawin??" tanong ni Rita.










Ngumiti ako at umiling.










"Sige." banggit niya at tumango na rin.









"Yehey!!" masayang banggit ni Rayven at nagpababa na.








Kinuha niya ang kamay namin ni Rita at naglakad na kami.








Nagkatinginan tuloy kami ni Rita. Mas lumawak ang ngiti ko kaya ngumiti na rin siya.







Nakakahiya man.. Pero naiisip ko tuloy na isang buong pamilya kami. Parang ang sarap ng ganitong feeling. Sana tumigil na lang ang oras habang kasama ko sila.








Pumunta kami sa Playground pero napansin ni Rayven ang ingay sa Arcade kaya hinila niya kami doon.









Kita ang mangha sa mukha niya nung makapasok doon.









"Gusto mong magtry tayo??" tanong ko nung yumukod ako sa kaniya.









"Sige po kuya!!" banggit niya at tumalon-talon pa.







Lost In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon