Chapter 10

407 31 17
                                    

RITA'S POV


Isang linggo na mula nung nangyari yung insidenteng yun. Buong linggong yun ay nandito lang ako sa bahay.



Ni hindi ako pinapalabas ni daddy kahit sa garden namin. Para kong preso sa sarili naming bahay. Alam kong pinangangalagaan lang din nila ko, pero napapayag ko na rin sila nung sinabi kong kailangan ko nang pumasok.









Hindi ko dapat pabayaan ang pag-aaral ko. Nahinto na ko noon nung pinagbubuntis ko si Rayven.. Hindi na ko papayag na mauulit pa yun.












Tutal at sabi nila.. meron naman akong kasamang bodyguard kapag lalabas ako. May magbabantay sakin pagpapasok at pag-uuwi na ko.




"Sigurado ka na talaga sa desisyon mong yan iha?" tanong ni daddy.






Tumango ako at ngumiti sa kaniya.








"Gusto ko na pong pumasok daddy.. Mas mag-iingat na po ako ngayon. Saka gusto ko pong magpasalamat sa ginawa ni Ken sakin last week." banggit ko.







"Buti at nabanggit mo siya.. gusto ko siyang makilala, anak. Gusto kong mag thank you din sa kaniya. Gusto kong pasalamatan siya sa lahat ng mga ginawa niya para sayo. Kung hindi dahil sa kaniya, baka nakuha ka na nung mga gustong kumidnap sayo." banggit ni daddy.









"Bakit hindi mo siya imbitahan dito mamayang dinner, iha?" suhestiyon ni tita. "Para naman makausap din siya ng daddy mo. Marami silang mapag-uusapan tungkol sayo." banggit niya dahilan para tignan siya ni daddy.









"What do you mean hon?" tanong ni daddy kay tita na ngumiti lang sa kaniya.



Tumingin si tita sakin dahilan para tignan din ako ni daddy.






"May hindi ka ba sinasabi sakin? May namamagitan ba sa inyo nung lalaking yun?" biglang tanong ni daddy.








"Wala po daddy.." banggit ko at umiling-iling pa.








"Pero mabait siyang bata, hon." banggit ni tita kay daddy at tumingin sakin. "Tiyak kong matutuwa ka sa kaniya." malahulugang banggit niya at kumindat pa sakin.






Napatungo na lang ako dahil don.




----------------------------------

Pagkarating ko sa school ay agad akong pumunta sa rooftop sa madalas na kinaroroonan niya.








Agad ko siyang nakitang nakaupo habang nakasandal.sa pader. Nakapikit at tila natutulog.







Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at pinagmasdan ang maamo niyang mukha.



Napaatras ako nung bigla siyang magmulat ng mata at ngumiti.





"Nananaginip pa rin ba ko?" tanong niya na ikinagulat ko.






Mas nagulat ako nung hilahin niya ko at yakapin.





Damang-dama ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil don.





"Hindi ako nananaginip di ba?" banggit niya.






Hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako at niyakap din siya.







Lost In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon