Chapter 28

503 32 10
                                    

RITA'S POV



Lumipat kami ng bahay dahil ayaw na rin ni daddy na maalala pa si tita Rhian. Alam kong minahal niya talaga si tita.. pero nasusuklam din siya dahil pinatay niya ang mommy ko... ang sarili niyang kapatid.









Lumipat kami sa ibang Subdivision at sinikap na magmove on sa mga buhay namin. Halos dalawang buwan na rin ang nakalipas mula nung malaman namin ang lahat ng kademonyohan ni tita.














Kinausap ni daddy si tito Bryx at humingi ng tawad sa mga nasambit at nagawa niya noon. Akala ko ay magmamatigas pa si tito, pero niyakap niya lang ang daddy ko at pinatawad siya sa pagkakamali niya.











Naging katulong namin sila tito at tita para makatakas sa masamang pangyayaring yun ng buhay namin.







Ilang beses nagsorry sakin si daddy dahil sa mga nangyari sakin.. pero sinabi kong wala siyang kasalanan sa lahat ng mga nangyari. Minahal niya ng totoo si tita at hindi niya kasalanan kung nabaliw na siya.










Pare-pareho kaming nag-a-undergo ng session sa isang Psychiatrist para malabanan namin ang trauma na inabot namin kay tita.










Buti na lang at bata pa rin naman si Rayven kaya hindi siya masyadong naapektuhan ng mga nangyari, maliban na lang sa mga panaginip niya nung mga unang linggo. Nakakapahtaka man pero ang mas napapanaginipan niya noon ay yung pagkakabaril kay Ken kaya madalas din niyang hanapin si Ken noon.









Pero ngayon ay bumabalik na uli ang sigla niya. Nagiging bibo na uli ang anak ko... Sa kaniya kami humuhugot ng lakas ngayon ni daddy para ituloy ang buhay namin.





"Iha."








Napatingin ako sa likod ko dahil narinig ko ang pagtawag ng mommy ni Ken.







Haaaay... Nandito na naman si tita.








Hindi ko alam kung bakit pinili ni daddy na lumipat kami sa kalapit bahay ng mga Chan pero mukhang napag-usapan na nila to ng mga magulang ni Ken.













"Nasa taas po si Rayven, tita." banggit ko at tinuloy na ang paghihiwa ko ng gulay.












"Gusto ka niyang makita at makausap." banggit niya dahilan para matigilan ako.












"Wala po kaming dapat pag-usapan tita. Pakibalik na lang po agad si Rayven pagka-uwi ninyo." banggit ko at hinugasan na ang mga hiniwa kong gulay bago itiniktik ang mga yon.











"Iha.." banggit sakin ni daddy pagkapasok din dito sa kusina.











Tinignan ko siya at alam kong gusto niya rin akong umalis at sumama kay tita para makausap si Ken.













"Daddy, hindi ko pa talaga siya kayang makita." banggit ko at tinignan si tita. "Sorry po." banggit ko.














"Anak, matagal na naman nating napag-usapan to di ba?? Inamin naman ni Ken sa parents niya na ginusto niya yung ginawa niya sayo noon eh. Humingi na sila ng tawad sayo.. Kausapin mo na si Ken para magkaayos na rin kayo. Para na rin kay Rayven." banggit ni daddy.











Lost In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon