Chapter 9

385 28 10
                                    

THALIA'S POV

"Sigurado ka bang hindi na natin magiging problema ang Ken Chan na yun?" tanong niya habang umiinom ng alak.











"Huwag kang mag-alala. Paniwalang-paniwala ang Ken na yun sa mga kwentong binanggit ko sa kaniya. Naniniwala siya na ako yung Tata na nakasama niya 7 years ago.. at alam ko na susundin niya yung sinabi ko." banggit ko at ininom ang wine ko.







Tumawa siya.










"Aasahan ko yan Thalia.. Kailangan mong ma-divert sayo ang atensyon ng Ken Chan na yun hangga't hindi ko nagagawa ang gusto ko sa Rita na yun." banggit niya habang nilalaro ang baso ng alak niya.








"Bangit mo nga ba to ginagawa?" tanong ko.













"Dahil malaki ang kasalanan nila sakin. Kulang pa ang buhay ng babaeng yun sa ginawa niya at ng pamilya niya sakin.. Gusto kong iparamdam sa kaniya yung takot... Matinding takot na hindi niya makakalimutan kahit kailan." banggit niya at tinignan ako.










Mukhang matindi talaga ang galit niya sa babaeng yun.. Maging sa pamilya nila..









"Gusto kong patuloy siyang mamuhay sa takot. Hindi ko hahayaang maging kampante uli ang kalooban niya." banggit niya at muling uminom.












"Pero bakit nadamay si Ken Chan?" tanong ko. "Nasa plano mo rin ba na ipakidnap siya noon?"









Natawa siya ng bahagya.








"Kasama talaga siya sa plano. May utang ding kailangang bayaran ang pamilya ng taong yun sakin. Sila ang nagpabagsak ng sa amin noon, kaya anak naman nila ang ginamit ko para makapaghiganti.." banggit niya at muling nagsalin ng alak.









"Ibig sabihin... may plano ka ring iba kay Ken?" tanong ko.









Tumawa lang siya at uminom uli. Tila ba sinagot na nung tawa niyang yun ang tanong ko.








"Kaya siguraduhin mong hindi na makakasagabal ang taong yun sa mga plano ko kay Rita. Siguraduhin mong hawak mo talaga siya sa leeg... Dahil kung hindi.. buhay mo, maging ng pamilya mo ang kapalit ng mga nalaman mo Thalia." banggit niya at muling tumawa.








Nakakatakot na animo para siyang baliw na tumatawa sa sarili niyang naiisip.





Kaya hindi dapat ako pumalpak.. kundi lagot ako sa kaniya.. Alam ko kung ano ang mga ginawa niya sa mga dating tauhan niya kaya hindi ko na aasaming pumalpak para makatanggap ng parusa sa kaniya.









--------------------------------------

RITA'S POV


Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagkukulong. Pangalawang beses nang muntik na kong makuha nung mga gustong kumidnap sakin.










Natatakot na kong lumabas uli.










"Mommy.." tawag ni Rayven at pumasok sa kwarto ko.








Sinenyasan ko siya na lumapit, na agad naman niyang sinunod.









Niyakap ko siya agad nung makaakyat siya dito sa kama. Naramdaman ko rin ang yakap niya.









Lost In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon