Chapter 19

377 29 16
                                    


RED'S POV





Hindi ko mapapatawad si Bryx sa ginawa niyang yun sa anak ko. Paano niya nagawa ang mga yun sa sarili niyang pamangkin?!









Nandito kami ni Rhian ngayon sa police station dahil nakuha na nila si Bryx.












"Kuya, ano to?? Bakit nila ko kinuha??" tanong niya habang nakaposas ang mga kamay niya.










Hindi ko na napigil ang sarili ko at sinuntok ko siya ng malakas kaya natumba siya sa sahig. Agad naman akong inawat ni Rhian.












"Hayop ka! Kulang pa yan sa lahat ng mga ginawa mo sa anak ko Bryx! Kulang pa yan!! Hayop ka!!" galit na galit kong sigaw sa kaniya.














"Anong ibig mong sabihin kuya??" tanong niya dahilan para muli ko siyang sugurin at kwelyuhan siya.













"Hayop ka! Nagmamaang-maangan ka pa?!! Sinabi na nung inutusan mo ang lahat!! Binabalak mong patayin ang anak ko?? ANG SARILI MONG PAMANGKIN?!!" sigaw ko sa kaniya.












"Kuya, hindi kita maintindihan.." banggit niya nung inalis ako nung pulis sa pagkakahawak sa kwelyo niya. "Ano bang sinasabi mo? Ipapapatay si Rita?? Ako??" tanong niya.












"Oo! DEMONYO KA!! HINDING-HINDI KITA MAPAPATAWAD SA GINAWA MONG PAGPAPAKIDNAP AT PAGPAPAPATAY SA ANAK KO BRYX!! PAGBABAYARAN MO LAHAT NG MGA KASALANAN MO SA KANIYA!!" galit na galit na sabi ko.











Gusto ko siyang sakalin ngayon kahit kapatid ko siya dahil bumabalik sa alaala ko kung paano naghirap ang anak ko matapos niyang makaalis sa kinasasadlakan niyang lugar noon.











Naging miserable ang buhay niya dahil sa kaniya. Ilang gabi siyang madalas bangungutin noon at kinailangan pa namin siyang dalhin sa America para ipatingin sa isang magaling na espesyalista para gumaling siya sa trauma niya! Hindi ko siya mapapatawad! Hindi ko kailanman mapapalampas ang ginawa niya sa anak ko!!












"Kuya hindi! Bakit ko naman gagawin yun sa pamangkin ko? Hindi ko masasaktan ng ganun si Rita!" banggit niya dahilan para muli ko siyang puntahan at suntukin.











"Sir, tama na po.." awat nung mga pulis sakin.














"Sinisiguro ko sayo Bryx na mabubulok ka sa kulungan to!! Pagbabayaran mo lahat ng mga ginawa mo sa pamilya namin!!" sigaw ko.












"Honey.. huminahon ka naman kahit konti.. Yung puso mo." banggit ni Rhian at inawat na ko.










"Kuya, wala talaga akong alam sa sinasabi mo!! Hindi ko magagawang saktan ang pamangkin ko!" banggit niya. "Maniwala ka naman sakin oh!" sambit niya.
















"Matagal na kong walang tiwala sayo Bryx. Matagal mo nang sinira ang tiwala ko sayo!" banggit ko. "Kung galit ka sakin, sana hindi mo na dinamay ang anak ko!! Alam mo ba kung gaano nahing miserable ang buhay niya dahil sa paghihiganti mo ha?!! Hayop ka!! Mabubulok ka dito Bryx! Mabubulok ka!!" mariing banggit ko habang matalim na nakatingin sa kaniya.









"Kuya, wala talaga kong kasalanan.. Hindi ko alam kung ano ang ibinibintang nyo sakin!" aniya.












"Bryx, yung inutusan mo mismo ang nagsabi ng totoo, kaya please tama na.. Aminin mo na lang ang mga kasalanan mo." umiiyak nang sabi ni Rhian. "Patahimikin mo na ang pamilya namin." pagmamakaawa niya.












Lost In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon