Chapter 30

584 36 4
                                    


KEN'S POV




Ang totoo... kinabahan din ako habang naghihintay kami nung magiging resulta ng pregnancy test niya. Kahit malakas ang kutob ko, syempre hindi ko pa rin magawang maging sigurado. Kaya kahit kabado, tinaya ko na sa kapalaran yung mangyayari samin ni Tata.








Out of desperation na lang yung nasabi ko kanina para lang magtest siya dahil gusto kong magkaroon ng dahilan para hindi na siya magmatigas sakin. Sa totoo lang, hindi ko rin alam ang gagawin ko kung biglang nag negative yun. Parang hindi ko yata kakayanin kung sakali.. kaya sobrang saya ko talaga na nagpositive ang test niya! Hahaha.. Ibig sabihin, pabor din ang taas na magsama kaming dalawa.










"Ano? Hindi ka pa ba uuwi??" inis niyang tanong sakin. Nandito kami sa sala nila. Nabanggit na namin kay tito yung balita at masaya siya na madadagdagan na naman ang apo niya.









Pinipilit niya rin si Tata na makipag-ayos na sakin, pero matigas talaga tong mahal ko eh. Mas bwisit pa sakin to ngayon haha.. Pinaglilihian ata ako haha.














"O nagkausap na tayo diyan ah.." nakangiti kong sabi at kinuha ang kamay niya pero agad din niyang binawi iyon.












"Umuwi ka na! Ayokong makita ka!!" inis niyang sabi.











"Mommy.." banggit ni Rayven.









Napangiti naman ako lalo sa pag-awat ni Rayven sa kaniya. Tinignan niya ko at itinulak ako.









"Umuwi ka na sabi eh!!" inis niyang sabi kaya niyakap ko siya.











"Hindi mo na ko mapagtatabuyan uli Tata. Hindi kita tatantanan hanggang sa mapatawad mo na ko." banggit ko at mas niyakap siya.










"Ano ba!! Bitawan mo nga ako!" bwisit na bwisit niyang banggit sakin.










"Mommy, bakit mo lagi inaaway si daddy??" malungkot na tanong ni Rayven kaya napatingin kami sa kaniya.












Napabitaw ako sa kaniya at seryosong tinignan si Rayven. Mukhang paiyak na siya.











"Rayven, hindi kami nag-aaway ng mommy mo." nakangiting banggit ko at kinuha siya.







"Lagi ka po kasing sinisigawan ni mommy.." banggit niya.










Niyakap ko si Rayven at tumingin kay Tata. Napatingin din siya sakin at umirap.









"Anak, pinaglilihian kasi ata ako ng mommy mo." paliwanag ko at tinignan siya.








"Ano yun daddy?"










"Malapit ka na kasing maging kuya. Magkakaroon ka na ng kapatid." nakangiting banggit ko.











"Ayoko pong magkaroon ng kapatid." banggit niya na ikinatingin namin ni Tata sa isa't-isa. "Ayoko pong magkaroon ng bagong baby si mommy." banggit niya at agad bumaba sakin para pumunta kay Tata at yumakap sa kaniya.





"Bakit anak??" maayos na tanong ni Tata sa kaniya at inayos ang pagkakaupo ni Rayven sa lap niya.








"Ayoko ko pong magkaroon ka ng bagong baby, mommy.." pag-uulit niya at mas sumiksik sa dibdib ng mommy niya habang nakayakap sa kaniya.






Lost In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon