KEN'S POVPapasok na sana ako sa school nung matigilan ako dahil dumating ang sasakyan nila Rita. Agad akong nagtago sa isang malaking puno at tinignan siya.
Nakabuntot sa kaniya ang mga babaeng body guards niya hanggang makapasok siya sa loob ng University. Tinignan ko ang paglakad niya papunta sa building nila.
Parang bigla ko siyang namiss ng sobra-sobra.. Gusto kong tumakbo sa kaniya para yakapin siya pero wala akong lakas ng loob. Wala akong karapatan na lapitan pa siya uli.
Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin uli. Gusto kong magsorry sa kaniya.. Gusto kong sabihin na ako yung lalaking kasama niya noon.. pero natatakot akong makita ang reaksyon niya.. Natatakot akong magalit siya sakin at layuan niya ko nang tuluyan.
Agad kong pinunasan ang luha ko at pumasok na rin sa loob habang pinagmamasdan ko ang paglalakad niya.
Pitong taon.. ngayon lang uli kami nagkita sa loob ng pitong taon pero parang feeling ko nangungulila pa rin ako sa kaniya.
Akala ko magiging masaya ko kapag nakita ko na siya... pero nagkamali pala ko. Hindi ko pala kakayaning makita yung trauma niya dahil sa ginawa ko noon.
Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang pagmasdan hanggang hindi ko na uli makakalimutan ang mukha niya.. pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita ang mga mata niya.
-----------------------------------
Nandito ako sa rooftop nang makatanggap ako ng tawag kay daddy.
"Daddy." sagot ko agad sa tawag niya.
(Mag-usap tayo mamaya. Nakalap ko na ang impormasyon tungkol sa mga kamag-anak niya. May tatlong taong lumalabas na may galit sa daddy niya)
Huminga ako.
"Sige po daddy.. Uuwi po ako agad pagkatapos ng klase ko mamaya." banggit ko. "Kailangan nating mapag-aralan dad kung sino ang gustong kumi-"
"Ken?"
Natigilan ako nung marinig ko ang boses na yun. Napatingin ako sa pinto ng rooftop at nakita siya.
Para kong biglang nanigas. Para kong hindi makahinga ngayong malapit siya sakin.
"Ahh.. d-daddy.. maya na lang uli tayo mag-usap." banggit ko at pinatay ang call na yun.
Tinignan ko siya at napaatras nung lumapit siya sakin.
Kita ko ang gulat sa mga mata niya nung nagawa ko yon. Bigla siyang napatungo.
"S-sorry.." banggit niya na ikinatigil ng puso ko.
Sorry?? Para saan??
Tumingin siya sakin uli at kita ko sa mga mata niya ang lungkot doon. Parang mas nasasaktan akong makita ang lungkot sa mga mata niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Lost In Your Eyes
RomancePaano kung yung taong minahal mo ay may itinatagong madilim na nakaraan?? Isang nakaraang kahit ilang beses niyang kalimutan ay hindi niya magawa.. Nakaraang kahit ibaon sa limot ay tila multong bumabalik sa kaniyang alaala?.. Matatanggap mo ba iyon...