Chapter 33

583 34 7
                                    

RITA'S POV







"Tito, huwag mong idamay dito yung anak ko, please.." umiiyak kong banggit habang nanginginig.












"Alam mo, dalawa sa kapatid ko ang namatay dahil sa pamilya niyo.. pinatay ni Rhian ang mommy mo dahil sa matinding pagkagusto sa daddy mo." banggit niya. "Nakagawa siya ng mga bagay na mali dahil sayo.. Dahil sayo kaya namatay ang kapatid ko.." banggit niya at lumapit-lapit sakin. "Kayo ang sumira ng pamilya namin!!" dagdag niya at naglakad papalapit sakin kaya umatras ako.










"Tito.. si tita po ang gumawa nun sa sarili niya. Ginawa niya pong miserable ang buhay ko. Siya po ang nagpakidnap sakin.." umiiyak kong sabi.











"Nagawa niya yun dahil sa inyo!!" umiiyak na rin niyang banggit. "Kayo ang nagtulak kung bakit naging ganun si Rhian! Dahil sa inyo!" umiiyak niyang sabi. "Kayong dalawa ng daddy mo ang dahilan kung bakit namatay yung dalawang kapatid ko! Kung hindi dumating sa buhay nila ang daddy mo, edi sana kasama ko pa rin ang mga kapatid ko!!" banggit niya at mabilis na naglakad papunta sakin.









Buti at nakuha ko agad yung kawali at napukpok siya sa ulo.











Mabilis akong lumabas ng kusina.











"Rayven! Lumabas ka na dito! Bilis!!" sigaw ko.










"Rita!!!" sigaw ni tito.











"Mommy??" tanong ni Rayven at tumakbo papunta sakin.









Agad kaming pumunta sa pinto para buksan iyon pero agad niyang nahigit ang buhok ko.









"Rayven, lumabas ka na!! Bilis!!" banggit ko at naabot ang vase sa tabi ko kaya inihampas ko yon sa ulo ni tito.











Binuksan ko ang pinto at mabilis na naitulak palabas si Rayven. Palabas na rin sana ako nang muli kong maramdaman ang paghigit ni tito sa buhok ko.










"Mommy!!" tawag ni Rayven.











"Alis na!!" sigaw ko at hinawakan ang kamay ni tito nung kukunin niya ang anak ko.









Itinulak niya ko dahilan para mapahiga ako sa sahig pero buti na lang at nakalabas na ng gate ang anak ko.










Sinampal niya ko at tinutukan ako ng kutsilyo sa leeg ko.












"Sige.. hintayin nating dumating ang daddy mo para makita niya kung paano kita papatayin sa harap niya!" banggit niya at muling hinigit ang buhok ko patayo.













---------------------------------

KEN'S POV









Busy kami sa panonood sa cctv footages nung magulat ako sa pag-ring ng cellphone ko.









Agad ko iyong kinuha at nakitang si Thalia iyon.











"Hello, Thalia.." banggit ko.








Lost In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon