KEN'S POVPapunta ako sa caffeteria nung mapansin ko di kalayuan si Tata. Mukhang papasok din siya doon. Tatawagin ko sana siya nung mapansin ko ang isang lalaki na kasalubong niya. May kinuha iyong kutsilyo mula sa bulsa niya dahilan mapatakbo ko ng mabilis.
"Rita!!" sigaw ko dahilan para mapatigil siya.
Agad kong binato ng malakas yung bag ko dun sa lalaki dahilan para matumba siya at tumilamsik yung kutsilyong hawak niya.
Tumakbo ko para madaluhan yung lalaki. Agad ko siyang pinagsusuntok at kinuwelyuhan patayo.
Nagkagulo ang mga estudyante sa cafeteria at biglang naglabasan.
"Sino ang nag-utos sayo huh?! Sino?!!" galit kong tanong at sinuntok siya uli at sinipa bago muli siyang itinayo.
Gigil na gigil ako sa kaniya. Parang gusto kong paduguin ang buong mukha niya.
"Sino?!!" galit kong sigaw at kinuwelyuhan siya.
"S-si sir B-bryx... Bryx Iringan." may takot niyang banggit. "S-siya yung nag-utos sakin na patayin si Rita.." banggit niya na tila ikinatigil ng puso ko.
Bryx Iringan?? Ang tito ni Rita.. sabi ko na nga ba, siya ang may pakana ng lahat!!!
May mga guard na umawat samin at kinuha siya mula sakin.
"Si tito Bryx?"
Napatingin ako kay Rita. Gulat na gulat siya sa nalaman niya.
Agad ko siyang sinalo nung muntik na siyang matumba.
"Rita.." banggit ko pero parang bingi siya sa pagtawag ko.
"S-si tito Bryx ang gustong magpakidnap sakin?? Gusto niya kong ipapatay??" nanginginig ang boses niyang tanong sa sarili niya.
Nanginginig din ang katawan niya.
"Rita!!" tawag din nung pinsan niyang madalas niyang kasama.
Agad siyang lumapit samin.
"Anong nangyari??" tanong niya agad sakin.
"May binayarang tao ang tito Bryx niyo para ipapatay si Rita." banggit ko na ikinagulat niya.
"Si Tito Bryx???" gulat na gulat niyang tanong. "Tatawagan ko sila tito!" banggit niya at kinuha ang cellphone niya.
Nanginginig pa rin si Rita at parang bingi na siya sa mga nangyayari ngayon.
"Rita! Rita!" yugyog ko sa kaniya dahilan para bigla siyang magulat at tumingin sakin.
"Ken, gusto akong ipapatay ng tito ko." nanginginig niyang sabi.
Niyakap ko siya at hinagod ang likod niya.
BINABASA MO ANG
Lost In Your Eyes
RomancePaano kung yung taong minahal mo ay may itinatagong madilim na nakaraan?? Isang nakaraang kahit ilang beses niyang kalimutan ay hindi niya magawa.. Nakaraang kahit ibaon sa limot ay tila multong bumabalik sa kaniyang alaala?.. Matatanggap mo ba iyon...