Chapter 17

398 32 7
                                    


RITA'S POV










Magkatabi kami ni Rayven na nakaupo dito sa kama ko. Nagrequest siya na dito matulog kaya nung makapag-ayos siya ng sarili ay pumunta na siya dito.








"Mommy, sana po makasama po natin uli sa Mall si kuya Ken. Ang saya po kasi niyang kasama." banggit ng anak ko kaya tinignan ko siya at tipid na ngumiti.







Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko yung kanina. Posible nga kaya na may kinalaman si Ken sa pangingidnap sakin?? Isa nga kaya siya sa mga nagplano nung mga nangyayari sakin??














Pero imposible naman kasi kita ko sa mga mata niya na gusto niya talaga kong mailigtas. Magaling lang ba siyang umakting para mapaniwala niya ko don? Para maniwala ako na siya yung gustong magligtas sakin?










Magagawa nga ba niya yun? Magagawa nga ba niya kong ipakidnap?? Pero bakit?? Anong rason niya?











"Mahal kita."








Biglang bumalik sa alaala ko ang mga katagang yun. Naramdaman kong totoo yung sinabi niyang yun. Alam kong mahal nga niya talaga ko..










Napahawak ako sa ulo ko dahil sa pagkalito. Kung anu-ano na rin ang naiisip ko dahil sa mga nangyayari sakin.












"Mommy?" tanong ni Rayven kaya muli akong napatingin sa kaniya. "Masakit po ang ulo niyo?"










"Hindi anak. May iniisip lang ako." banggit ko at ngumiti sa kaniya. "Tara, tulog na tayo." banggit ko at inayos na ang kumot sa bewang namin.













Kinuha ni Rayven ang teddy bear na binigay ni Ken at niyakap iyon bago humiga. Napangiti naman ako dahil parang naging instant favorite niya ang teddy bear na yun.












Mukhang kuhang-kuha na ni Ken ang loob ng anak ko. Pero hindi kaya part din to ng plano niya? Na para makuha ako ay kailangan din niyang mapalapit sa anak ko?? Para hindi namin siya paghinalaan??









Katok sa pinto ang nakapagpatingin samin doon. Napaupo uli si Rayven dahil don. Iniluwa non si tita. May dala siyang dalawang baso ng gatas para samin.









"Maggatas muna kayo para maging maayos ang mga tulog niyo." nakangiting banggit niya at dinala iyon samin.










"Thank you po tita." nakangiting banggit ko at kinuha yung mga gatas. Ibinigay ko kay Rayven yung sa kaniya na ininom naman agad ng anak ko.








Umupo siya sa kama ko habang tinitignan kami.








"Bakit po tita?" tanong ko.









"Wala naman. Masaya lang akong makita kayong dalawa." nakangiti niyang sabi. "Paniguradong masaya rin ang kapatid mo dahil nakikita niyang okay na kayo ng anak mo." banggit niya at tinignan si Rayven.










Oo, may kapatid sana ako. Nagbuntis si tita noon sa kapatid ko, pero nagkaroon ng aksidente noon dahilan para mawala ang kapatid ko.











Alam kong kapag nakikita niya si Rayven ay naaalala niya ang kapatid ko. Kaya nga masaya kong makita na napapasaya ni Rayven si tita.









Lost In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon