Rings 19 – She’s not my wife, miss
Hindi gusto ni Jenny ang kanyang dagdag trabaho. Sino ba naman ang magugustuhan tulungan sa paghahanda sa kasal ng minamahal niya sa ibang babae? Pero wala naman magagawa si Jenny kundi ang sumunod at gawin ang mga inuutos ng marchioness. Kaya kahit labag man sa loob niya na maging part time assistant ng marchioness ay ginawa parin niya.
Alam din niya na pinapahirapan din siya ng marchioness. Paano maipapaliwanag ang napaka hirap na mga utos nito? Isang halimbawa nito ay ang paghahanap ng disenyo ng paper napkins na gagamitin sa engagement party at sa mismong wedding reception. Noong una ay gusto ng marchioness na ivory ang kulay ng napkin at naka engraved ang initials nila ni Sir Angelo at nang dumating ang mahigit isang libong napkins ay nagbago ang isip nito at sinabing mas maganda ang kulay na champagne dahil ng tema ng engagement party ay ginto.
Nagreklamo ba siya nung sinubukan niyang ibalik ang mga napkins? Nagreklamo ba siya ng sinigawan siya ng inorderan niya ng napkins? Hindi. Dahil wala naman siyang magagawa kung magreklamo siya. Kaya ngayon sa opisina ni Sir Angelo ang napkin ay ang napkin na dapat kay sa engagement party nila.
Una ay nakita niya na gustong magslita ni Sir Angelo pero pinigilan nito ang sarili at pinagsawalang bahala ito.
Nakaupo si Jenny sa kanyang desk at inaayos ang wedding blinder. Ang laman ng blinder ay mga disenyo o di kaya ang seating arrangement sa engagement at kasal ni Sir Angelo at ng marchioness. Bukas ay ipapadala na ni Jenny ang mga invitations sa mga address na nahagilap niya kung saan saan. Di niya akalain na siya rin pala ang maghahanap kung saan ipapadala ang mga invitations. Buti nalang ay halos lahat ng imbitado ay mga elites kaya madaling hanapin lalo’t na ay may mga kompanya ang mga ito.
“What are you up to?”
Napa-angat siya ng tingin at nakita si Chuck na nakahilig sa may partition wall. Ngumuti siya sa binata, “Checking if I have all the names correct.” Dahil binalaan na siya ng marchioness na ayaw sa lahat ng mga tao ay yung maling mga panaglan o di kaya titilo ng mga ito.
Nakita niya ang pag-igting ng panga ni Chuck. Di maintindihan ni Chuck kung bakit niya ito ginagawa. Dahil alam ng binata na nasasaktan siya sa mga ginagawa niya. “She’s such as ruthless btch” ulit nitong insulto sa marchioness.
Dahil alam nilang parehas na alam ng marchioness ang nararamdaman ni Jenny para kay Sir Angelo. At ito ang paraan ng marchioness para sabihin kay Jenny na ang marchioness ang nanalo sa puso ni Sir Angelo.
“Chuck!” pag saway niya sa binata dahil baka marinig ni Sir Angelo.
Magsasalita pa sana si Chuck kaso biglang tumunog ang telepono kaya sinagot niya ito, “Good afternoon, this is Jennifer, Mr. Chua’s assistant, how may I help you?”
“Hi, this is Miss Agnes and I’m Peter’s teacher, there’s been an incident and we need his parents to see us.”
Napa-ayos ng upo si Jenny. Nagulat sa narinig, kinakabahan din na baka may nangyari kay Peter. “We’re on our way po.” Sabi niya.
“Hey, what’s wrong?” tanong ni Chuck sa kanya.
Di niya ito muna pinansin at tumayo siya para puntahan sa loob ng opisina si Sir Angelo pero naalala niua na wala pala si Sir Angelo at nasa labas ito ng building at may meeting.
Kaya kinuha niya ang kanyang cellphone at sinubukan tawagan si Sir Angelo kaso di ito nasagot. Sinubukan niya ulit nguniy di talaga nasagot kaya nagpasya na siya na siya nalang ang pupunta sa school ni Peter.
Nagsulat siya ng note kay Sir Angelo na may problema sa school si Peter. Iniwan niya ito sa ibabaw ng desk ni Sir Angelo at nagdesisyon na itext din si Sir baka sakali na magbasa ito ng nga mensahe sa cellphone.
Kinuha niya sa coat rack ang kanyang jacket at sinuot na ito. Dala dala ang maliit na bag ay naglakad na siya, “Where are you going?” tanong ni Chuck habang nasunod sa kanya.
“To Peter’s school. The school called.” Sagot niya sa binata, pinindot niya ang elevator button at pagkatapos ay humarap kay Chuck, “Can you tell Sir Angelo that I went to check it and he needs to go when he gets back here?”
“Why do you have to go?”
“It’s my job.” Sagot niya.
Iritado siyang tinignan ni Chuck, “Your job does not include babysitting the boss' kid.”
Ngumiti siya kay Chuck, “I cannot just sit and wait for Sir Angelo.” Tumunog ang elevator at nagbukas ito, agad siyang pumasok sa loob, “Please tell Sir Angelo.” Sabi niya bago nagsara ulit ang elevator.
Nagmadali siyang sumakay sa kanyang kotse ang nag drive na patungo sa school ni Peter. Hindi niya alam kung anong mayroon at bakit pinatawag sa school ang magulang ni Peter pero kinakabahan parin si Jenny. Minsan ay isa lang ang dahilan kung bakit pinapatawag ang mga magulang sa eskwelahan ng mga anak at dahil ito ay may nakaaway o nabully ang bata.
Alam niyang di masyado pala kaibihan si Peter dahil na isolate din ito at lumaki na mag-isa lang at isa ito sa kinakatakutan ni Peter noon. Kaya kinakabahan din ngayon si Jenny.
Pagkadating niya sa school ay pumunta na agad siya sa principal’s office at tsaka pinakilala ang sarili bilang sekretarya ni Sir Angelo, niya sa principal na wala si Sir Angelo kaya siya ang nagpunta.
Pumayag namab ang principal kaya kinausap na siya nito.
Umupo siya at hinarap ang principal, “What happened po ba?” tanong niya dito.
Nag buntong hininga ang principal, “There’s been a fight between Peter and his classmate. We don’t know what happened but some of their classmates said that Trevor was teasing Peter about being his new stepmother.”
Tumango siya. Minsan talaga ang pagiging chismosa ng magulang ay nakukuha ng anak din. Wala naman masama na mag-usap usap sila tungkol sa mga ibang magulang o pamilya pero sana naman yung walang bata ang makakarinig. Dahil ang mga bata ay matalas ang pandinig at kahit di nila masyado naiintindihan ang mga ito, kaya nilang ipagsabi sa iba parin ang mga narinig.
“The marchioness is very good woman, Ma’am.” Kahit hirap sabihin alam naman ni Jenny na mabait ang marchioness kay Peter, “Hindi po magugustuhan ni Sir Angelo at ng marchioness kung makakarating po sa kanila ang nangyari.”
“Alam namin iyan, Miss Matthias. Her ladyship is a generous donor of this school. Di namin alam saan narinig ni Trevor ang usapan pero kahit pa man, we do not condone violence as the answer.” Sagot ng principal, “That said, since both students are in the wrong, we will be suspending both of them.”
Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat, “Suspension? Is that really necessary? That will go on their record!” pag protesta niya, “Di naman po siguro ganun kalala ang naging away ng dalawa. Bakit di nalang po kaya pagbatiin nalang ang dalawa at hihingi po sila ng tawad sa nangyari.”
“It’s the way this school works, Miss Matthias. Hindi naman gusto ang mga pag-aaway ng mga bata at kailangan sa edad palang nila alam na nila na ang mga consequences ng mga ginagawa nila.”
Hindi siya makakapayag sa mangyayari, dahil alam niya na kung si Sir Angelo ito, di rin ito papayag na malagay ito sa record ni Peter. Nag-isip siya ng solusyon para magawan ito ng paraan. Isa sa mga pinaka eksklusibong paraalan sa bansa. May programa ito na nakasali si Peter dahil para ito sa mga mamayamang pamilya na may anak na kailangan ng espesyal na tungon katulad ni Peter.
At bigla niyang naalala na isa ito sa mga paaralan na sinusuportahan din ng Carmichael Foundation. Dahil kahit mga mamayaman pa ang mga nag-aaral dito ay kailangan parin nila ng pondo.
Kaya ngumiti siya sa principal. Kahit kailan ayaw na ayaw niyang ginagamit ang kapangyarihan ng mga Carmichael kaso sa oras na ito kailangan niya talaga. Ayaw niyang ma suspend si Peter. “I haven’t properly introduced myself, have I?”
Nagtaka nag principal dahil nagpakilala naman siya kanina dito
Nilahad niya ang kanyang kanang kamay, “I’m Jennifer Matthias, my brother-in-law works at Carmichael Group.” Pagpapakilala niya, nag taas ng kilay ang principal at tila ay may sasabihin pero inunahan na niya ito, “Let me rephrase that, my brother-in-law owns Carmichael Group.”
Nanlaki ang mga mata ng principal, tinanggap ang kamay ni Jenny, “I didn’t know…” di na natapos ang principal.
“I would hate to tell my sister, the countess, who handles the Carmichael foundation about this incident. My sister adores Peter, you see.”
At nagpatuloy na sila sa pag-uusap. Napag pasyahan ng principal na dahil mga bata palang ang dalawa ay di na niya bibigyan ng suspension ang dalawa at kakausapin nalang ang dalawa at kailangan humingi lang ng paumanhin sila Peter sa mga kaklase at guro.
Because maybe they were right, money does buy everything.
Pagkatapos niya kausapin ang principal ay nagtungo na siya sa classroom kung nasaan si Peter. Hinatid siya ng isang TA.
Pumasok siya sa loob pagkatapos magpasalamat sa TA. Pinuntahan niya si Peter na nakaupo at nakadungaw sa bintana. Umupo siya sa harap ni Peter at binati ang bata, “Hello.”
Hindi siya nilingon ni Peter, “Where’s daddy?”
“Hmm... Sir Angelo had a meeting so I came instead.”
“Is he with the marchioness?” tanong ni Peter, “Trevor said when daddy marries her, I will be off to boarding school because she hates me.” Lumingon na si Peter sa kanya at nakita niya ang nagbabadyang mga luha, “He said daddy hates me too and wants me gone because I killed mommy.”
Agad siyang tumayo at lumapit kay Peter para yakapin ito, “That’s not true. Sir Angelo loves you very much. He doesn’t want to be away from you. Remember he didn’t even want you in school?”
“That’s because he’s ashamed of me!” pagsasagot nito. That was the thing with smart kids they’d have arguments to validate their claims.
“He’s not, Peter. Your illness does not make you. You are the smartest among all the little boys I know.” Inangat niya ang ulo ni Peter at gamit ang mga daliri ay pinunasan niya ang pisngi ni Peter, “Your father loves you very much. Your mommy too. And the marchioness? She loves you too. Don’t let that Trevor tell you otherwise.”
“Do you love me too?”
Her heart melted for this little guy, “I love you. Nobody can hate you.”
“But I don’t have friends!” he protested.
She smiled at him, “You have me. I’m your best friend.”
“What’s a best friend?”
“Someone who loves you no matter what. Someone you can share secrets. Your favorite person in the world.”
Peter smiled, “That’s me?” He asked, and she nodded, “You’re my best friend too. Can we have ice cream?”
She laughed and kissed him on his forehead, “Never let anyone tell you your worth. You are the world, Peter.” She told him, she rose and offered her hand to him, “Let’s go eat ice cream!”
He laughed at her but took her hand and rose too.
Palabas na sila ng classroom ng bigla silang napahinto dahil sa labas ng kwarto ay si Sir Angelo. “Sir, nauna ka pa, ay ayan na po pala sila Peter at si mommy.” Sabi nung TA na biglang dumating at nasa harap na rin nila.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi ng TA.
“She’s not my wife, miss.”
Bumaba ang ulo ni Jenny sa hiya.
“Daddy, Jen-Jen is going to take me to eat ice cream!”
Di na niya narinig ang mga pag uusap, dahil rinig na rinig parin niya ang mga salita ni Sir Angelo. She was on autopilot and when they were done talking, she followed the father and son out.
When they reached Sir Angelo’s car, she stopped and faced the two, “Sir, mauna na po ako bumalik sa opisina.”
Kumunot ang noo ng mag-ama, napangit siya sa nakitang similarities ng mag-ama, “You said ice cream, Jen-Jen.”
“Yes, let’s go, miss.”
Kaya sumakay na siya sa loob at nagpunta na sila sa isang ice cream parlor. Natandaan niya ang parlor na ito dahil dito rin sila unang nagpunta ni Peter noon.
Nasa counter sila at binibigay ang order sa cashier, “Mint chocolate chips po sa akin.” Pag-order niya.
“Eeww” sabi ni Peter. Natawa naman si Sir Angelo pero sinunod nito ang order niya.
Umupo na sila para kainin ang ice cream nila. Tahimik silang kumakain at nang medyo nangalahati na yung kay Peter ay tsaka ito nagpaalam kung pwede ba ay maglaro siya dun sa play area ng parlor. Pumayag naman si Sir Angelo kaya naiwan silang dalawa ni Sir nang tumakbo na paalis si Peter.
Ilang minuto bago nabasag ang katahimikan. "Thank you."
Nagulat siya sa sinabi ni Sir Angelo at napa-angat ang kanyang tingin dito.
"The principal told me. If I went there and asked for consideration, she wouldn't have accepted it."
"Di naman po siguro, Sir." pagtatanggi niya.
"That principal is known to have an iron fist. I would have offered donations but she wouldn't have accepted it." lumingon ito sa labas, "I didn't like that you had to use your sister's name to help but I appreciate your help. Kahit anong tanggi ko pa, alam ko naman na makapangyarihan banggitin ang apelyido ng kapatid mo." dagdag nito, "The Carmichael name opens door."
Wasn't that true.
*****
Nang napagod na si Peter sa kakalaro ay nagpasya na silang inuwi si Peter. Binuhat ni Sir Angelo si Peter at hiniga nito ang bata sa likod. Nagpasya si Jenny na sa likod uupo para may maging suporta kung sakali man na mahulog si Peter.
"I heard your Chuck's date sa engagement party."
Nagulat siya kay Sir Angelo, kahit pa naman sabihin na medyo naging ayos na ang pakikitungo ni Sir Angelo sa kanya ay kahit kailan di ito nagsimula ng small talk o kaya tanungin tungkol sa kanyang buhay.
"Yes po sir. Kung ayos lang naman po sainyo na dumalo ako."
Using the rearview mirror, he looked at her only briefly, "It's okay. You worked hard and you should see your hard work. Enjoy the night."
Tumango siya, "Thank you, Sir. Congratulations din po pala Sir. Parang di ko ata kayo nabati noon."
"Thank you. Peter's not happy with it. But I love her and Peter deserves to have a mother and siblings."
Sa kada salita na binibigkas ni Sir Angelo, lalong nadudurog ang kanyang puso. Alam naman niya na wala na siyang pag-asa. Kailanman ay di niya na naisip na magugustuhan siya nito. Pero masakit parin. Masakit parin na marinig na may mahal ng iba ang kanyang minamahal.
Nang nakarating na sila sa bahay ni Sir Angelo, at huminto na ang sasakyan ay agad niyang binuksan ang pinto at binuhat si Peter.
Nakaikot na si Sir Angelo, "Ako na."
Umiling siya, "Okay lang po, Sir. Baka magising lang po si Peter."
Tumango ito at hinayaan siyang buhat buhat si Peter. Nagulat naman siya nang naramdaman ang kamay ni Sir Angelo sa likod niya. Pero di niya ito pinahalata at hinayaan niyang gabayan siya ni Sir Angelo.
Nakapasok na sila sa loob ng bahay at nahinto sa foyer dahil nandun naghihintay ang marchioness. "Where have you been?"
Inalis ni Sir Angelo ang kanyang kamay sa likod ni Jenny ay agad na pinuntahan ang nobya. "Peter had some issues with school and then we took him to an ice cream parlor."
Hinayaan niya na muna ang dalawa at dinala na si Peter sa loob ng kwarto nito. Hiniga niya si Peter sa kama ay hinubad ang sapatos at medyas nito.
Pagkatapos ang tinanggal niya ang uniporme ni Peter. Buti nalang ay may sando na suot si Peter. Di na niya tinanggal ang sando. Bukas nalang siguro maliligo si Peter. Ayaw na niyang gisingin ito para mag-ayos.
Pagkatapos niya dun ay lumabas at sinara na niya ang silid ni Peter. Bumaba siya at nagpasyang magpa-alam na. Pero wala na sila Sir sa foyer. Nakita niya ang isang kasambahay at tinuro nito ang library.
Kaya naglakad siya patungo sa library. Naka awang ang pinto ng silid at rinig na rinig ang pagtatalo ng mag kasintahan.
Napatigil si Jenny dahil ayaw niyang gambalain ang dalawa. Hindi niya alam kung maghihintay siya sa labas ng silid o di kaya ay umuwi nalang ng di nagpapa-alam.
Pero ang mga sumunod na salita ang nagpasya kung ano ang dapat niyang gawin.
"She's just a secretary, Bry! I don't see her as anything but!"
Napatingin siya sa sahig, di niya alam kung anong mayroon sa araw na ito at puro sakit ang nadudulot ng mga salita. Tila ba may mga maliit na basag na salamin ang tumutusok sa kanyang puso.
"I love you, Bry. I do not feel anything for my secretary. She's nobody."
She smiled at herself. She turned around and walked away. She didn't need to hear more hurtful words. She walked out of the house and when she was outside the gate, she waited for a taxi. But minutes passed and none came, so she started walking.
No more than a minute of walking, she noticed headlights and cars stopped in front of her. Of course, she laughed at herself.
Bodyguards came out of the cars and one opened the door for her, "Miss."
She sighed and entered the car. At least she didn't have to walk alone. She didn't have to ask how long have they following her. She knew that the moment she left the building, they were already tailing her.
She was grateful. She didn't want to feel all alone.
"Can you take me here instead." and she provided the address.
Nang makarating siya sa address na binigay niya ay bumaba siya ng kotse at kumatok sa pinto. Hinintay niya ang pagbubukas nito.
"Can you really make me forget him?"A/N
Had no time to edit this, and just copied it from my phone, so, sorry about the spacing and some typos. Jenny's been on my mind so I had to write her even using my phone which is so difficult since Word keeps crashing. Anyway enough about my rant, thank you for still reading this. I will try to update this regularly but again no promises. Again, thanks. Stay safe and healthy! Love you all!
BINABASA MO ANG
The Wedding That Never Was
General FictionAngelo Chua's wife died in a horrific car accident that almost killed their son. He never loved her for he had loved another woman. A woman he never could forget and let go. She never gave his heart back when she broke his heart and stayed with her...