Rings 34 – I waited for you
Maagang pumasok si Jenny sa opisina dahil mag half day lang siya ngayon para matapos na niya ang paglilipat ng gamit niya condo. Nag-paalam naman siya kay Sir Angelo kahapon, sinabi pa nga nito na kahit wag na siya pumasok ngayon pero dahil nakakahiya naman na hindi pumasok ay pumasok parin siya. Kahit half day lang.
At kailangan din niya puntahan sila Stephen at Chuck, baka mamaya ay takasan siya ng dalawa. Napilit lang naman niya ang dalawa dahil illibre niya ang dalawa sa isang buffet. Haggang ngayon kasi naka freeze parin daw ang mga cards ng dalawa kaya wala mga pera ang mga ito.
Hinanda ni Jenny ang mga dokumento na kailangan pirmahan ni Sir Angelo at nilagay niya ito sa taas ng desk nito. Nahagip ng mga mata niya ang isang papel sa ilalim ng desk ni Sir Angelo. Siguro ay di napansin ng naglinis ng papel kaya yumiko siya para kunin ito. Pagkakuha niya ng papel ay tinignan niya ito para malaman kung pwede bang ishred na ito o baka mahalaga ang papel.
Kumunot ang noo niya ng nabasa ang header ng papel. Carmichael Group of Companies
Bakit may ganitong dokumento dito sa opisina ni Sir Angelo? Siya ang sekretarya kaya alam niya ang mga napasok na dokumento kaya nagtataka siya bakit may ganitong papel.
Babasahin na niya sana ang nakasulat sa papel kaso biglang narinig niya na may papasok, kaya nilukot niya ang papel at naghanda ng isang ngiti para sa parating. "Good morning, Sir." Bati niya.
Tumango lang si Sir Angelo, hinubad ang coat nito, lumapit siya dito at nilahad ang kamay para makuha ang coat, "Thank you." Bulong nito.
"Coffee sir?"
"Sure, and please add some sandwich. I haven't had breakfast yet."
Ngumiti siya kay Sir Angelo, at tumalikod na para lumabas sa opisina, naglakad siya papunta sa kanyang desk, nagbukas ng isang drawer at siniksik ang papel na nakuha sa loob, mamaya na niya titignan iyon at pumunta na siya sa pantry pagkatapos. Habang hinahanda niya breakfast ni Sir Angelo ay nakangiti siya.
Pagkatapos niyang ihanda ang breakfast ni Sir Angelo ay nilagay niya ang mga ito sa tray at nagtungo na siya sa opisina ni Sir Angelo. Nilagay niya ang tray sa desk nito at pagkatapos ay nagpaalam na muna na aalis ng floor nila.
Pumunta siya sa floor nila Chuck at Stephen pero dahil maaga pa ay mukhang wala pa yung dalawa kaya nagpunta siya sa printing department at papasok na sana siya sa loob kaso napansin niya salamin ay masyadong busy ang mga ito.
Kaya bumalik nalang siya sa floor nila ni Sir Angelo at nagtrabaho na. Tinapos niya ang lahat ng kailangan tapusin para makapag half day siya. Nag mag alas-diyes na ay lumabas na si Sir Angelo sa kanyang opisina.
Lumapit ito sa kanyang desk, "I have meetings until three. I'll see you later then."
Napa-angat si Jenny ng tingin at nagtatakang tumingin kay Sir Angelo. "Sir?"
"Remember I'll help with your move."
Oo nga pala! Nakalimutan niya na nag offer pala si Sir Angelo na tutulong ito sa pag aayos ng condo ngayon. Kaya ngumiti siya kay Sir Angelo, "Thanks sir!"
Tumango si Sir Angelo at umalis na para sa meetings niya.
Bago siya umalis ng opisina ay inayos na muna ni Jenny ang lahat ng kailangan ayusin, pumasok siya sa loob ng opisina ni Sir para kunin ang tray at ibang dokumento na kailangan.
Pagkalabas niya ng opisina ay nakita niyang nakaupo si Chuck sa kanyang desk at nakangisi ito sa kanya. Napangiti naman siya sa pagdating nito, "I thought you're going AWOL on me."
![](https://img.wattpad.com/cover/35777832-288-k336240.jpg)
BINABASA MO ANG
The Wedding That Never Was
Fiksi UmumAngelo Chua's wife died in a horrific car accident that almost killed their son. He never loved her for he had loved another woman. A woman he never could forget and let go. She never gave his heart back when she broke his heart and stayed with her...