Rings 26 – He got left at the altar
Nagkagulo sa loob ng simbahan ng tumakbo paalis ang marchioness, hindi alam ni Jenny kung ano ang uunahin niyang gawin. Ang nanay ng marchioness na si Helena Mendez ay nahimatay at dinaluhan ito ng asawa at ng mga pamangkin. Habang ang ama naman ni Sir Angelo ay nagsisigaw kung paano ginawang kahihiyaan ng marchioness ang pamilya nila Sir Angelo.
Kaya ang unang ginawa ni Jenny ay nang napagtanto na di na babalik ang marchioness ay ang paghingi ng paumanhin sa mga bisita, inaya niya ang mga ito na pwede parin sila tumuloy sa reception para kumain. Dahil sayang naman ang mga handa sa reception kung walang kakain.
Pero siguro dahil malaking chismis ang nangyari ay di na rin tumuloy sa reception ang mga bisita. Di tuloy alam ni Jenny kung paano yung mga pagkain sa reception.
Nang nakaalis na ang mga bisita at ang pamilya ni Sir Angelo at ng marchioness, naiwan siya at si Sir Angelo. Hindi niya alam ang gagawin niya. Awang awa siya kay Sir Angelo at di niya maintindihan kung bakit ginawa iyon ng marchioness. Si Sir Angelo na yung sobrang perfect na magiging asawa kaya bakit iniwan siya ng marchioness? At talagang iniwan pa sa altar!
Di mawala yung inis niya sa marchioness. Di niya kasi talaga maintindihan. Kanina lang ay nakangiti ang marchioness. Kanina lang ayos ang lahat. Ilang ulit bang pinaramdam ng marchioness na siya ang pinili at hindi si Jenny? Anong nangyari at parang ang daling iwan si Sir Angelo sa altar?
Kung si Jenny iyon, di niya magagawa iyon. She shook her head, maling iniisip yun. Kahit wala na ang marchioness, wala parin pag-asa si Jenny kay Sir Angelo.
Pinagmasdan lang niya si Sir Angelo na sobrang bigo at nang umalis na ito sa simbahan ay kinuha niya ang mga singsing na iniwan ni Sir Angelo.
Pinagmasdan niya ang mga ito, naalala niya kung paano siya humanga sa singsing na suot suot ng marchioness. Gandang ganda siya dito, inggit din dahil ginusto niyang sana siya nalang ang binigyan ng napaka gandang engagement ring.
Tinignan din niya yung box ng wedding rings. Tanda niya kasama pa siya ni Sir Angelo para pumili ng singsing nila. Tanda niya kung ano ang pina-engraved dun ni Sir Angelo.
Tyily
Thank you. I love you. Sobrang simple pero ramdam ni Jenny nun kung gaano kamahal ni Sir ang marchioness.
Tumingin muli siya sa buong simbahan. Wala ng tao, pero lahat ng paghihirap ni Jenny bakas parin sa loob. Lahat ng arrangements para sa kasal na to nasayang lang.
Umiling ulit siya at naglakad na palabas ng simbahan. Pagkalabas niya ay nandun si Chuck naghihintay. Binuksan ni Chuck ang kotse para sa kanya. Binigyan niya ito ng maliit na ngiti at pumasok na sa loob, dala dala parin ang mga singsing.
"I don't know what to do first."
"He's not going to go to work so might as well take a vacation like you planned."
Umiling siya, "The gifts need to be returned, the foods." ang dami niyang kailangan gawin pero di niya alam kung ano ang sisimulan niya.
Nagulat siya ng naramdaman niya ang kamay ni Chuck sa kanyang binti. Napalingon siya sa nagmamanehong Chuck pero nakatingin ito sa daan. "Don't worry about it, Jenny. I'm here to help."
This man. She knew he told her to use him but she cannot do it. She cannot use another person to forget someone else. She cannot hurt him. But she also cannot tell him that right now.
Baka dahil isipin nito na kaya gusto na niyang itigil ay dahil wala na si Sir Angelo at ang marchioness. Na aasa ulit si Jenny. Pero di dahil dun yun. Napagtanto lang talaga niya na di niya kaya. Di niya kayang gumamit ng iba para makalimutan si Sir Angelo.
BINABASA MO ANG
The Wedding That Never Was
Fiksi UmumAngelo Chua's wife died in a horrific car accident that almost killed their son. He never loved her for he had loved another woman. A woman he never could forget and let go. She never gave his heart back when she broke his heart and stayed with her...