Rings 11 - Someone she could never forget

262 6 0
                                    

Rings 11 - Someone she could never forget

Jenny stared at her reflection. Kakatapos lang niya mag ayos dahil mayroon siyang date ngayong gabi. Hindi parin siya makapaniwala na umoo siya sa pag-aya ni Chuck Price. Hindi niya alam kung anong sumagi sa isip niya at hinabol niya ang binata para lang pumayag.

Kinuha niya ang hikaw sa box nito at isusuot na sana nang biglang tumunog ang kanyang telepono. Bumuntong hininga siya nanag nakita kung sino ang tumatawag. Nagdalawang isip siyang sagutin pero dahil ate niya parin ang tumatawag ay sinagot parin niya.

"Hi ate." bati niya.

"Why am I hearing that you're going on a date with Charles Price?"

Of course, news travel fast. Especially when you are Cassandra Carmichael. Wala atang balita ang hindi alam ng ate niya.

"Because I am?"

"Why?" Ate Cassandra asked, "You can have any man you want and you want Charles Price?"

Not any man. The man she wanted would never be hers. He belonged to another. He was forbidden.

"What's wrong with him?"

"He's known for his gambling."

"He's a risk taker."

Tumawa si Ate Cassandra, "That's a nice way of saying he's a gambler. His father froze his accounts and he is stuck in Manila until he gets back to his father's good graces."

Alam na niya ito. Hindi nalang niya sinabi sa ate niya na kaya nga niya nakilala ang binata ay dahil sa utang nito. Lalong hindi magugustuhan ni Ate Cassandra ito. "Ate, it's just one date."

"I worry that he is using you."

Napangiwi siya. "Hindi ba ako kaaya-aya na sa tingin mo, ginagamit lang niya ako? Hindi ba pwede na nagustuhan niya ako? Sa tingin mo ba lahat ng lalaki ay magugustuhan lang ako dahil kapatid mo ako?"

"Jenny." umpisa ng ate, "Hindi ayan ang ibig kong sabihin. Ang akin lang ay ayokong masaktan ka. Madaming lalaki ang magkaka gusto sayo pero kunti lang ang magiging deserving sayo. And I don't think Charles Price is worthy of you."

She smiled. "Ate, isang date lang naman. Let me be the judge if he is worthy. I won't be marrying him. Just one date. If he creeps me out, I'll have my bodyguard beat him." she joked.

Tumawa ang ate niya, "Just be careful. Dating is fun but I don't want you to get hurt in the process."

"I won't."

Pagkatapos nun ay tinanong nalang siya ng ate niya kung saan siya dadalhin ni Chuck. Sinagot niyang hindi niya alam. Nagkwentuhan pa sila ng ate niya haggang tawagin siya ng katulong at sinabing nasa baba na si Chuck.

Hindi na niya nasuot pa ang hikaw na dapat ay susuotin niya at tumayo na siya. Kinuha niya ang kanyang bag at lumabas ng kwarto upang bumaba.

Sinabi ng katulong na pinaghintay nila sa Red Room si Chuck kaya pinuntahan niya ito. Naabutan niya itong umiinom sa isang baso na mukhang alak.

She frowned. She looked at her watch. It was too early for alcohol.

"Don't worry, it's only my second glass." binaba ni Chuck ang baso at ngumisi sa kanya, "Let's go?"

Hindi niya alam ang iisipin niya tungkol sa binata pero dahil may parte sa kanya na gustong sumama sa binata ay nagpasya siyang sumama nalang.

She said yes, after all. Carmichaels never break their word. Turo iyon ni Kuya James sa kanya. A Carmichael is always true to their words. Actions speak loud but words, they cement the world.

The Wedding That Never WasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon