Rings 25 – Cannot give you a whole heart
Nagmamadaling pumasok si Jenny sa loob ng bahay ni Sir Angelo, kakabalik lang niya galing New York para sa isang interview. Pinaalam lang niya kay Sir Angelo na pinapatawag siya ng Ate Cassandra niya pero ang totoo ay nagpunta siya doon para sa isang job interview. Hindi rin nagustuhan ng Kuya niya na nagpunta siya sa New York para sa interview pero hinayaan siya nito.
Naging maayos naman ang interview, nagustuhan din niya yunh trabaho dun. Fast paced yung mga kilos ng tao dahil nga kailangan laging alam nila ang mga balita. Sinabi rin sa kanya kung ano ba ang kanyang magiging trabaho kung sakaling makuha siya.
Isang linggo siya sa New York at parang nakapagpahinga din siya. Kaso kailangan na niyang bumalik sa Manila dahil bukas na ang rehearsal dinner at ngayon din dapat ang dating ng marchioness. At kailangan niyang ipakita ang mga nagawa na niya para sa kasal.
Nang nakapasok na siya sa loob ay tinuro siya ng isang kasambahay sa sala at naglakad na siya papunta sa sala. Nakarating siya at nakita si Peter na masayang nanonood at kumakain dun. Napangiti siya dahil unti unting sumisigla si Peter, di na siya yung batang walang kaibigan at di masyado pala ngiti.
Nilapitan niya si Peter at umupo sa tabi nito, "Where's Sir Angelo?" tanong niya dito.
Nagkibit balikat si Peter, "In his office?"
Tumango naman siya, "The marchioness?"
"She's not here."
Nagtaka siya dun dahil dapat ngayon ang uwi ng marchioness galing London. Wala siyang balita tungkol sa marchioness pero alam niya na ngayon dahil bukas na yung rehearsal dinner at kinabukan nun ay ang kasal na.
Ang kasal na sobrang pinaghandaan ni Jenny.
Tumayo ulit siya, hinawi ang buhok ni Peter, "I'll go see Sir Angelo then we'll play?" aya niya kay Peter.
Tumango lang si Peter kaya nag tungo na siya sa office ni Sir Angelo. Kumatok muna siya bago pumasok sa loob. "Sir?" bati niya dito.
Nilingon siya ni Sir Angelo na may ginagawa sa may desk nito, pati pala sa bahay trabaho parin ang ginagawa ni Sir. "Miss Matthias, how's New York?"
Ngumiti lang siya, hindi niya kayang sabihin na nagpunta siya dun para sa interview. Eh hindi pa nga siya nag re-resign tas sasabihin niya na naghanap na siya ng bagong trabaho? "Sir, where's the marchioness po?" tanong niya. Dahil kaya nga siya nagmadali pumunta dito sa bahay ni Sir Angelo ay dahil kailangan niyang makita ang marchioness.
"Bukas pa darating si Bryony. May emergency kasi daw." Sagot ni Sir Angelo.
Tumango siya, "Sir, naayos ko na rin po yung reservation niyo at bale ang alis niyo po ay gabi po ng kasal po. Ayos po ba yun o imove ko po ng kinabukasan?"
"Okay na yun, Miss Matthias." Sagot nito habang may binabasang papel.
"Sir, kung pwede lang din po, since wala po kayo ng two weeks, baka pwede din po mag leave din po ako ng two weeks?" And when they get back, Jenny would be gone. Habang wala si Sir Angelo ay magpapasa na siya sa HR ng two weeks notice niya kahit wala pang kasiguraduhan kung may trabaho na siya. Basta alam lang niya na tama si Chuck at di niya kakayanin na makita pa si Sir Angelo pag kasal na ito.
Tinaas ni Sir Angelo ang tingin niya tas may ginawad na maliit na ngiti sa kanya, "Kakabalik mo lang galing sa one week leave mo, gusto mo ulit mag leave?"
Nahiya siya dahil oo nga naman kakabalik lang niya. Yumuko siya sa hiya. Oo nga, baliw ba siya at mag leave ulit siya? Wala naman si Sir Angelo nun? Pero nagplano na siyang bumisita kay Ate Cassandra sa London.
BINABASA MO ANG
The Wedding That Never Was
Ficção GeralAngelo Chua's wife died in a horrific car accident that almost killed their son. He never loved her for he had loved another woman. A woman he never could forget and let go. She never gave his heart back when she broke his heart and stayed with her...