Rings 30 – Finally stopped chasing ghosts
Pinanood lang ni Jenny ang mahimbing na pagtulog ng mag-ama sa tapat niya. Di ata siya magsasawang panoorin ang dalawa. Kanina pa siya kuha ng kuha ng litrato, iniisip na lahat ng kuha niya ay napaka perpekto talaga.
He's not for you, Jenn. They're not yours.
May maliit na boses na bumulong sa kanya. Alam naman niya iyon pero wala naman sigurong masama kung ngayon linggo lang na to, mangarap siya. Masama ba talaga itong pangarap niya? Wala naman siyang nasasaktan.
Tumayo siya sa pagkaupo sa lounger ay lumapit sa may railings, umihip ang malamig na simoy ng hangin. Napayakap siya sa sarili niya at huminga ng malalim.
Bukas pagka-alis niya ng Turks and Caicos ay kailangan na rin niya tigilan ang kahibangan niya. Sana madali. Sana kayanin niya. Dahil di na niya alam anong gagawin. Gulong gulo na siya.
Her mind and heart were at war with each other. Her heart longed for him, for them, but her mind knew. Knew it cannot be.
Naramdam niya ang ang paghawak ng kamay sa may binti niya. Napababa ang lingon niya at nakita si Peter na nakahawak na sa may binti niya, isang kamay naman ay kinukusot ang mata.
Alam niya na ang gusto nito, kaya yumuko siya at binuhat ang bata. "Good sleep?"
Hindi siya sinagot nito at binaon lang ang ulo sa may leeg niya. Niyakap niya ng mahigpit. "Want me to tuck you to bed na?"
Umiling si Peter at lalong yumakap sa kanya.
Napangiti naman si Jenny. "Ang moody naman ng sir ko."
"Five minutes." Peter mumbled.
Tumango siya at habang karga si Peter ay tumingin lang siya sa dagat na sobrang tahimik.
Habang nakatingin sa dagat at karga si Peter ay naramdaman niya ang mainit na kamay sa may likod niya. She stilled as she felt it.
Kahit nasa likod parin ang kamay ni Sir Angelo ay tumabi na ito sa kanya. "You can give him to me."
"No! Want Jen-Jen!" pag protesta ni Peter.
Kaya umiling at ngumit lang siya kay Sir Angelo. Di niya alam kung anong mayroon at bigla naman pumulupot ang kamay ni Sir sa baywang niya at pinatong ang ulo nito sa balikat niya.
"Sorry, just for five minutes."
Kaya wala siyang imik, nanigas siya sa kitakatayuan niya. Pinagdasal na wag matumba dahil nararamdaman na niya ang paglambot ng binti niya.
It felt good. It felt like they were her family. That this father and son were hers. Hers alone.
Kung sana lang pwede din kuhanan ng litrato ang scene na ito ginawa na niya. Isa na naman ito na dadagdag sa kanyang memorya. One of her best days indeed.
"Daddy!" inilayo na ni Peter ang kanyang ulo at tinawag si Sir Angelo, "Mommy!" nagulat si Jenny sa pagtawag at parang may kung ano sa dibdib niya.
Pero nabigo din ito agad. Dahil nagpababa si Peter at tumakbo sa may bag nito. May kinuha dun at bumalik ulit. Pinakakita ang picture frame ba hawak hawak.
Si Ma'am Georgina.
She looked at the picture frame, Ma'am Georgina looked so beautiful.
Ngumiti si Sir Angelo kay Peter, kinuha ang frame at matagal na pinagmasdan ang larawan, "Hi George." bati nito.
BINABASA MO ANG
The Wedding That Never Was
Fiksi UmumAngelo Chua's wife died in a horrific car accident that almost killed their son. He never loved her for he had loved another woman. A woman he never could forget and let go. She never gave his heart back when she broke his heart and stayed with her...