Rings 48 - Untold secrets can still hurt

148 1 2
                                    

Rings 48 - Untold secrets can still hurt

Hindi naging madali ang pagpapaalam nila Jenny sa kanilang ama. Nakita niya paano nanghina ang inay nang inilibing na ang itay. Ganun din ang kambal. Hindi din naging madali para sa inay at kambal ang magpaalam sa buhay na kinalakihan na nila. Napapayag ang inay na sumama na sa kanila pero hindi ito pumayag na sumama sa London kasama ang pamilya ng Ate Cassandra.

Hindi pa daw sila handa mapaalam sa Pilipinas. Kaya inayos muna ng tauhan ni Kuya James ang pag enroll sa kambal sa LAU. Hindi din muna titira sa mansyon ang tatlo dahil di pa daw kaya din ng ina.

Kaya sa condo muna ni Jenny sila uuwi at ang pamilya naman ng ate ay dun sa mansyon. Bibisita pa din naman sila inay sa mansyon pero di pa daw handa na dun tumira. Madaming alaala daw ang inay sa mansyon. Mga salitang hindi na niya mababawi.

Dumating sila sa Maynila at hinatid naman sila ni Angelo sa condo. Kasama din nila si Peter dahil nung huling gabi ng itay ay sinundo ni Angelo si Peter dahil namiss na daw siya ng bata. Dala ni Angelo ang dalawang maleta at si Jenny naman ay buhat ang natutulog na Peter.

Naglalakad na sila patungo sa elevator nang nagsalita ang inay, "Gusto mo ba ako na ang magkarga sa kanya?"

Umiling nalabg si Jenny, "Kaya ko po, nay."

Lumapit ang inay at hinawakan ang ulo ni Peter, "Ang bait na bata."

Ngumiti siya sa inay at nang nasa may elevator banks na at bumakas ang elevator ay sumakay na silang lahat. Pinindot ni Angelo sa floor ni Jenny.

"Gusto niyo po bang magdala ako ng dinner mamaya po?" tanong ni Angelo kay Inay.

"Wag na, Angelo. Magpahinga ka din muna sa inyo. Pagod ka sa byahe din."

Sumang-ayon din si Jenny dahil pagod nga ang nobyo at kaya naman niya mag-asikaso sa dinner mamaya. Dumating sila sa floor ni Jenny at lumabas na sa elevator. Nilakad nila ang kunting hakbang at binuksan naman ni Jenny ang pinto ng condo.

Pumasok siya at pinanood ang pagpasok ng pamilya niya. Hiniga muna ni Jenny si Peter sa sofa. "Welcome home." nakangiti niyang sinabi. "May dalawa pong kwarto, tabi na muna po sa akin ang kambal."

Tumango ang inay at nilibot ang mga mata sa condo. Ang kambal naman ay dumiretso sa veranda. Nilingon si Jenny tila ba ay nagpapaalam kaya tumango siya at binuksan ng kambal ang pinto ng veranda at lumabas na muna dun.

"Jen." tawag ni Angelo, lumapit siya dito na nakarga na pala ulit si Peter, "Mauna na muna kami ah? Call me if you need anything."

"Please rest. Don't go to work muna tomorrow, pahinga ka muna."

"I'll be fine. I'll call you when we're home."

Tumango naman siya, "Nay, aalis na muna sila Angelo." paalam niya sa inay, "Hatid ko lang po sa may elevator."

Nilingon sila ni inay, "Maraming salamat, Angelo."

"Kung may kailangan po kayo, wag po kayong mahiyang tawagan ako."

Tumango naman ang inay at pinuntahan muna sa veranda ang kambal. Kaya naglakad na sila palabas. Pinindot ni Jenny ang elevator at naghintay bumukas ito.

"Sa Monday nalang ako papasok ah? I'll help out muna here and bisita din kayla Ate."

"That's fine. Please call me if you need me."

She nodded, she touched his arm and smiled at him. She leaned in and kiss his cheek, "I love you." she whispered.

"I love you too."

"Hey where's my kiss?" Jenny startled when Peter spoke and no longer asleep.

She chuckled at leaned in and gave him a kiss as well. "I love you, Peter."

The Wedding That Never WasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon