Rings 31 – Her heart shattered into million pieces
Jenny was a coward.
Aminado na siya sa sariling kaduwagan at kagagahan niya. Imbes na mag diwang sa nangyari, eto siya umiwas! Kung di ba naman talaga ano. Ayun na yung pag-asa, umiwas pa!
Minsan di na rin niya maintindihan ang sarili. Ayun na talaga e. Nahalikan ka na! Bakit ka pa umiwas!?
Ngayon nakaupo parin siya sa loob ng sasakyan. Hinihintay siyang bumaba ng driver niya pero di siya makababa at nakasandal lang yung ulo niya sa likod nung upuan sa harap.
Gosh. Paano siya magpapakita sa loob ng opisina? She made it really awkward that time! Now, she knew she just couldn't look at him!
For sure, mamumula ang mukha niya!
Looking back at their last day, she really regretted the way she said goodbye.
Nasa labas na siya ng resort, inaayos nung bellboy yung mga maleta ni Jenny at nilalagay na sa likod ng itim na kotse na pinadala ni Kuya James. Naka handa na rin ang private jet at siya nalang hinihintay.
Gusto na niyang agad umalis kaso alam niya na kailangan pa niya magpa-alam kay Sir Angelo at Peter. Uminit na naman yung pisngi niya nung naisip yung nangyari kagabi! Di niya akalain na hahalikan siya ni Sir Angelo!
Di niya alam kung anong mangyayari kundi lang dumating yung captain para humingi na paumanhin sa nangyari sa pag yugyog ng yate. At dahil dun nagmadali si Jenny tumakbo papasok sa kwarto niya.
Di nga ata nakatulog si Jenny kaya nung nakabalik na sila sa pier ay agad ng umalis si Jenny at bumalik sa resort para ayusin ang mga gamit niya at ng makaalis na siya.
"Jen-Jen!"
Umikot siya at nakita ang tumatakbong si Peter. Masaya niyang sinalubong si Peter, binuhat ng nakarating ito sa harap niya.
"Good morning, did you eat your breakfast na?"
"Why did you leave early! You said we'd eat pancakes eh!"
Naramdaman niya ang pagtitig ni Sir Angelo sa kanya pero di niya ito pinansin at ngumiti lang kay Peter. "I needed to prepare for my flight."
Peter pouted, "When will I see you?"
"I'll visit you sa school when I get back in Manila, okay ba?"
Tumango naman si Peter at bago nagpababa ay hinalikan siya sa pisngi, "I had so much fun with you, Jen-Jen!"
Me too, kiddo.
Nang bumaba na si Peter, tinawag na rin siya ng driver dahil tapos na ilagay ng bellboy yung mga gamit niya. Binigyan niya ng tip yung bellboy at nagpasalamat.
Sa huli alam niyang kailangan na niyang magpaalam kay Sir Angelo at magpasalamat na rin. Kaya nilakasan niya ang loob niya at tsaka tinaas ang ulo at tinignan ng diretso si Sir Angelo na napansin niya na kanina pa nakangisi sa kanya.
"Sir." simula niya, "Thank you sir for allowing me to be with you guys. I had fun po sir!" pilit siyang ngumiti.
"Miss Matthias." she was surprised because his arms were wide opened as if waiting for an embrace. What? Gusto ba siyang yakapin ni Sir?
Talaga?
Kaya dahan dahan siyang lumapit at pumasok sa yakap ni Sir at pinalupot ang mga kamay sa baywang nito.
Shocks. Ang sarap sa pakiramdam ni Sir Angelo.
"Uhh.. Miss?"
Dahil dun ay agad niyang inangat ang ulo at nakita ang pagtatago ni Sir ng ngisi nito at ant pagtataka sa mga mata.
BINABASA MO ANG
The Wedding That Never Was
Fiksi UmumAngelo Chua's wife died in a horrific car accident that almost killed their son. He never loved her for he had loved another woman. A woman he never could forget and let go. She never gave his heart back when she broke his heart and stayed with her...