Chapter 1: Queen's Twin

194 46 88
                                    

Dianara's POV

Maraming bagay sa lugar na ito ang hindi mo maipapaliwanag kung papaano nangyari at kung papaano nag umpisa ang lahat ng bagay na ito. Ang talagang alam ko lang ay nandito at ang mga anak ko dahil sa isang misyon na mayroon kami.


Lahat naman ng ito ay may dahilan.


Naglalakad ako sa aming hardin. Nakita ko ang aking mga anak na naglalaro ng kanilang mga kapangyarihan. Taglay nila ang malalakas na kapangyarihan dahil dala ng mga ito ang dugong napakaespesyal.

Hindi naman maipagkakaila na namana ng dalawa ang aking natatanging kagandahan mula pa sa akin. Maaring may umangal sa sinabi kong iyon ngunit hindi naman ako magsasabi ng hindi totoo sapagkat ako ay isang Reyna at dala dala ko ang pangalan ng aming kaharian.

"Inang Reyna!" sabay nilang tawag saakin ng masilayan ako ng mga ito sa isang tabi. Kasabay noon ang pagtakbo ng dalawa saakin, napangiti naman ako dahil doon. Matagumpay ko nga ba silang napalaki? O hindi pa sapat ang mga turo ko sa kanila?

Niyakap ako ng mga ito na para bang matagal nila akong hindi nakita.

"Mama! Tignan mo napapagalaw na naming dalawa yung mga bagay na asa paligid namin." ani ng mga ito saakin at sabay nilang ipinakita kung paano nila galawin ang mga halaman, kung paano nila pabukain ang mga bulaklak sa aming hardin, kung paano nila kontrolin ang hangin at kung paano nila pagalawin ang tubig sa hangin.

"Ang gagaling naman ng mga anak ko." ani ko sakanila na manghang mangha. Noong bata pa ako ay hindi ko kaagad nakayanan ang mga bagay na iyon sapagkat hindi ako kaagad ginantimpalaan ng malakas na kapangyarihan na katulad ng sa kanila.

"Husayan niyo pa upang magamit niyo ang kapangyarihan niyo sa kahit ano at sana'y lagi niyong pakatatandaan na ang kapangyarihang nasa atin ay hindi dapat gamitin sa kasamaan." ani ko sa mga ito. Pinapangaralan ko sila nang sa gayun ay hindi sila matulad sa kilala kong makapangyarihang tao na nilamon ng galit dahil lang sa kapangyarihan.

"Opo mama!" sabi ng mga ito. Alam kong ang mga ito ay talagang masususnurin. Magaganda ang asal nang mga ito dahil sa akin.

Ngumiti ako sakanila at saka ako gumawa ng bahag hari sa kanilang harapan. Kung dati ay hindi ko nagagawa ang mga bagay na iyon, ngayon ay kayang kaya ko na. Nahasa ang kapangyarihan ko sa mga bagay na ganoon.

"Ang ganda mama!" sabi ng mga ito na halatang manghang mangha sa gawa ko.

"Syempre naman! Kasing ganda ng mga anak ko." ani ko sa mga ito sabay ngiti.

Niyakap ko ulit ang mga ito habang sama sama naming tinitignan ang bahag hari na asa harapan namin.

"Mahal na reyna! Andiyan po si Reyna Fleariza!" isang malakas na tinig mula sa katulong ng palasyo. Nakakapangilabot... Anong dahilan at naparito siya?

'Ang kakambal ko.'

Agad naman akong kumalas sa mga yakap ko na ibinibigay ko sa aking mga anak ngayon. Nakita ko ang lungkot ng mata ng aking mga anak. Alam nila ang dahilan kung bakit naparito siya. Hindi nito nais ang kabutihan at kapayapaan na mayroon ang palasyo.

"Mga anak, haharapin ko muna si Fleariza." pagpapaalam ko sa mga anak ko.

"Mama, kukunin niya po ba ang isa saamin?" tanong saakin ng isa sa mga kambal ko. Walang sinuman ang maaring gumalaw o kumuha o maglayo sa akin ng mga kambal ko. Hindi ko papayagan ang sinuman sa mga iyon na magtagumpay sa planong iyon.

"Hindi. Walang sinuman ang makakakuha sainyo mula saakin." matapang kong sabi sakanila.

"Mahal na mahal ko kayo mga anak." ani ko sakanilang dalawa bago ako tumalikod at tuluyan ng naglakad papalayo sakanila.

The Dieties Heiress(Completed but Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon