Cassiopeia's POV
Nakatulog ako sa hardin. Sa sobrang pagod ko sa laban namin ni Fleariza ay hindi ko na namalayang dito na pala ako nakatulog. Tumayo ako sa kinahihigaan ko nang maaninag ko si Mizore na papalapit saakin.
Ang lakas din naman ng loob ng babaeng ito na ako ang oagbintangan nito sa lahat; samantalang siya ang may pakana ng lahat ng ito, ako ay kasabwat lamang sa nais nitong gawin.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko dito nang sa wakas ay nakalapit na ito saakin ng sobra. Ngumiti ito saakin na tila ba wala itong kasalanan sa kahit na sino.
"Kinakamusta ang aking kaibigan, masama ba?" tanong nito saakin. Napataas ang kilay ko dito. At kelan pa kami naging magkaibigan nito? Talaga ba, Mizore?
"Tst. Kahit kelan hindi tayo magkaibigan. Kaibigan ako ni Kamatayan pero hindi ako kasing sama ni Satanas." sabi ko rito. Humalakhak naman ito ng malakas ngunit agad rin naman itong tumigil at tumitig saakin ng napakaseryoso.
"Talaga ba?" tanong nito saakin saka taas baba ako nitong tinignan. Umikot ito sa akin habang tinitignan parin ako sa ganoong paraan.
"Sa tingin mo ba, ang kapatid kong si Zerxes ganun ang tingin sayo?" tanong muli nito. Napakuyom na lamang ang aking kamao. Alam ko naman eh, dahil sa mga inaasta ko ay maituturing nila akong kaaway o masama.
Nakita ko namang papalapit si Zerxes sa likuran nito dahilan upang lumapit ako lalo kay Mizore at bulungan ko ito nang 'Hindi ka karapat dapat na ituring o mapabilang sa mga manlilikha'.
Dahil sa mga katagang sinabi ko ay naitulak ako nito at saka ako nagkunwaring natumba.
"Aray! Ang sakit." pag iinarte kong sabi habang papalapit si Zerxes.
"Mizore! Anong ginawa mo?" agarang tanong ni Zerxes sa kanyang kapatid. Lumapit ito saakin at saka ako nito tinulungang tumayo.
"Kuya, wala akong ginagawa." sabi nito kay Zerxes. Ngumiti ako sa kanya. Kahit kailan talaga madaling linlangin ang nilalang na may mabuting puso.
"Anong wala? Kitang kita ng dalawa kong mga mata na itinulak mo siya!" galit na sabi ni Zerxes. Hahahaha! Iba naman pala talaga ang karisma mo, Cassiopeia.
"Kuya, wala nga akong ginagawang masama!" sigaw ni Mizore dito dahilan upang mahampas ni Zerxes ang mukha nito.
Lalo akong natutuwa sa mga nangyayari. Talaga bang ako ang masama sa mata ni Zerxes ngayon? O kahit papaano ay nag iisip parin ito bilang Hari na itrato niya ang kanyang Reyna ng maayos? O mahal pa ako nito?
"Mizore, hindi tayo pinalaki ng ating ama't ina na sinungaling!" pagtataas ng boses ni Zerxes dito. Sinamaan ako ng tingin ni Mizore at nang mapansin ito ni Zerxes ay agad niya itong pinagalitan. Sa puso ni Zerxes, ako parin talaga ang panalo.
Padabog na umalis si Mizore sa kinatatayuan namin. Agad naman akong tinanong ni Zerxes kung kamusta ako .
"Okay nga lang ako." ani ko dito na kanina pa sumusunod saakin. Ito naman ang nakakainis kay Zerxes, sa sibrang pag alala nito saakin ay minsa'y nakukulitan na ako sa kanya.
"Hindi ka okay." sabi nito saka nito hinila ang kamay ko dahilan uoang maisubsob ang mukha ko sa dibdib nito. Ang lakas ng pintig ng dibdib ko dahil sa posisyon namin ngayon. Agad ko namang itinulak ito.
"Sinabi ko na ngang okay lang ako, hindi ka ba makaintindi?" tanong ko rito. Tumitig ito saakin ng hindi ko maintindihan. Anong klaseng titig yan? Para akong matutunaw. Ganito parin ako nito tignan kahit nagkaroon na ito ng bagong Reyna't mga anak.
"Cassiopeia." pagbanggit nito sa pangalan ko.
"Ano?" tanong ko dito na may halong pagkainis.
"Paano kung-" Anong paano kung? Bakit ba kasi paputol putol ito? Nakakairita kaya.
"Ano?!" pagtataas ko ng boses ko dito. Paanong hindi ko gagawin iyon eh naiirita na taklaga ako sakanya.
"Paano kung tayo parin hanggang ngayon?" tanobg nito saakin. Hanggang ngayon ba, Zerxes? Hanggang ngayon ba ay nasa ilalim ka pa ng pagmamahal ko? Kaya ba hindi niyo agad ako pinatalsik ngayon?
Zerxes, natatandaan mo bang ikaw mismo ang tunulak saakin papalayo? Na ikaw ang dahilan mismo ng pag alis ko sa Lavreska?
"Edi masaya." sabi ko dito. Hinawakan naman nito ang aking mga kamay at saka ako tinitigan. Yung titig na nakakatunaw ng tunay. Zerxes, huwag ganyan. Marupok ako.
"Paano nga?" pangungulit nito saakin. Minahal ko si Zerxes. Sobra sobrang minahal ko siya pero ewan ko ba sa sarili kung papaano iyon biglang nawala. Kahit na isipin mong walang humpay na pagpupursige ang ipinapakita nito saakin ay bigla na lamang nawala.
"Mahal kong Hari, pagod na ako." ani ko dito saka ko binawi ang aking mga kamay sa kanya. Ang kamay nito ay katulad parin ng dati. Ang lambot parin ng mga ito. Ang mga kuko nito ay napakalinis kumpara sa ibang mga manlilikha.
Tumalikod ako sa kanya ngunit bigla ako nitong hinila at sa pagkakataong iyon ay napaharap ako sakanya kasabay nun ay ang paglapit ng mga labi namin sa isa't isa. Agad ko naman itong itinulak at sinampal.
Ano ba ito, Zerxes? Matagal na tayong tapos. Huwag mo ng saktan yang sarili mo. Hindi na ako iyong Cassiopeia na minahal mo. Hindi na ako si Cassiopeia n minahal ka. Wala ng tayo.
"Cassiopeia, ikaw parin." sabi nito dahilan uoang pumatak ang luha ko. Bakit ganun? Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa sinabi nito. Bakit oarang gusto ko na lang umiyak dahil sa sinabi niya? Minahal kita, Zerxes Pero sana mahalin mo rin ang sarili mo.
"Zerxes, mahal kita pero noon yun. Nakaraan na iyon at hindi ko na dinala iyon sa kasalukuyan lalo pa noong nagkaroon na ako ng sarili kong anak." ani ko dito. Hinawakan nito ang mukha ko dahilan upang lumayo ako sa kanya.
"Zerxes parang awa mo na. Tama na. Matagal na tayong tapos, may kambal ka ng anak." ani ko dito bago ako tumalikod sakanya. Naglakad ako dito papalayo ngunit pinigilan ako nito gamit ang kapangyarihan nito.
"Zerxes. Respetuhin mo ang sarili mo." ani ko dito. Unti unti namang nawala ang mga nakaharang na bagay na gawa ng kapangyarihan ni Zerxes saka ako nagpatuloy maglakad.
Ang sakit ng istorya nating dalawa nuh? Pinagtagpo pero hindi itinadhana kahit ikaw pa ay isabg dugong manlilikha.
Wala tayong magagawa. Ganun talaga eh.
BINABASA MO ANG
The Dieties Heiress(Completed but Editing)
FantasyEach one has its own secrets. A mystery that nobody wants to uncover. My name is Ivery Samantha Louise. Sam for short, a regular student that unable to accept that I has a strength. A strength that I can't quite picture at all.