Chapter 32: The List

13 8 11
                                    

Sam's POV

Lahat ay nagkakagulo dahil sa lumabas na list na ngayon ay nakapaskil na sa pader ng Announcement board. Hindi ko ito nakita noong isang araw kaya naman balak ko itong tignan ngayon.

Gusto ko narin makita kong sino ang kapartner ko sa gaganaping ball.

"Excuse me." sabi ko sa mga nagkukumpulang mga babae sa harap ko. Naku, naiirita lang ako sakanila dahil naririnig ko nanaman ang pangalan ni Kevin.

"Panigurado akong si Kevin at Sam ang magkapartner." dinig kong sabi ng iba habang sila rin ay nasa loob ng nagkukumpulang mga estudyante. Maya maya ay narinig ko ang isang babaeng humiyaw.

"Yes! Kapartner ko si Kevin!" sigaw nito dahilan upang magbulong bulungan nanaman ang mga estudyante na nasa harap ko. Si Kevin kapartner niya? So sino ang kapartner ko?

Don't tell me....

Oh nooo!

Dali dali kong tinignan ang Announcement board at nakita ko naman agad ang pangalan ko pero puta; hindi ako natutuwa sa kung sin man ang namilo ng mga partner para sa ball.

Ang aga aga putek!


"Ivery Samantha Louise Dela Freud and Clyde Zedxikiel Sawadenquer"


Agad akong napaatras dahil sa nakita kong masakit sa mata. Bakit hindi na lang si Kevin. Tang ina! I know I hate my friend so much kaya lang ngayon naman unti unti naman ng nawawala yung inis ko sakaniya eh.

"Babe!" dinig kong tawag niya saakin pagkalabas ko sa mga nagkukumpulang mga estudyante. Ang aga aga ay naaasar ako dito sa lalaking ito lalo na sa listahan ng magpartner. Ano kaya kung huwag na lang akong pumunta nuh?

Tinitigan ko ito. Kumukuway naman ito sa direksiyon ko nang mapansin ko ang kasama nito. Kevin? Nah. I know its not Kevin.
From that smirk. Tst! I'm not that stupid para hindi makilala ang kaibigan kong kasabayan ko lang lumaki. He also have different aura unlike from the Kevin, I know.

Papalapit na ito ng bigla kong inilagay sa ilong ko ang daliri ko. I love kulangot talaga and seeing those person  na nadidikitan ng kulangot ko, it makes me so very happy.

Nang tuluyan na itong makalapit saakin ay agad kong ipinunas sa kanyang school uniform ang kulangot na aking nadukot sa aking ilong.

Ano ka ngayon. Tst! Kitang kita ko sa mukha nito ang inis na nararamdaman nito matapos kong magtagumpay sa pag punas ko sa kanya nang kulangot ko.

"I love yah." sabi ko dito saka ako kumindat. Gusto mo ng lukuhan ah. Sige magiging girlfriend mo ako pero sisiguraduhin kong pagsisisihan mo iyan ha.

Lumapit ako dito saka ko siya niyakap at hinalikan. Agad ko rin namang binawi ang aking sarili sakanya. Asa Academy kasi kami.

Dinuraan ko ito sa mukha dahilan upang magulat ito.

"I love you, Speziell." ani ko.

"Speziell? What you mean?" tanong nito saakin.

"Always know that you are so damn special. Speziell means special." pagpapaliwanag ko dito bago ako tumalikod at naglakad papalayo sakanya.































🌺🌺🌺

Clyde's POV

"Always know that you are so damn special. Speziell means special." pagpapaliwanag niya saakin bago ito tumalikod at naglakad papalayo. Agad ko namang pinunasan ang likido na sanhi ng pagdura niya saakin.

Ibang klase talaga ang babaeng yun. Prinsesa pa man ding naturingan pero puro kadugyutan ang nalalaman.

"Tinamaan ka ba talaga sakanya?" tanong ni Kevin este ni Solomon na nagpapanggap na si Kevin sa ngayon.

Matagal ko ng kaibigan si Kevin pero nang makita ko ulit siyang kasama sa Bar ang girlfriend ko nung araw na iyon. Putang ina lang! Walang kaibigan saakin.

Babae lang yun, oo. Pero gusto ko yung babaeng yun. At ngayon, hindi ko alam kong magiging sapat na ba para saakin kung makukuha ko itong kaibigan niya sakanya.

"Mukha ba akong tinamaan na sakanya?" sarkastiko kong tanong dito saka ko inayos ang aking uniporme.

"Oo." ani nito saakin. Tila ba parang gusto ng aking mga taenga na pumalakpak dahil sa aking nadinig.

"Kaya sana huwag mong kalimutan ang misyon mo dito sa mundo nila." wika nito saakin.

Bata pa lamang ay sinusubaybayan na ni Solomon ang Kambal na Prinsesa, naging kaibigan niya pa nga ang mga ito lalo na ang Prinsesa Morioka.

Lagi itong naghahatid ng balita sa aking Ina na dating Reyna ng Damnivia kapalit nun ay ang hindi pagparusa sa mga magulang nito na nakakulong sa mga manika ng aking Ina. Hindi ako anak ni Zerxes ngunit isa rin akong anak ng isang itim na manlilikha kung kaya't maituturing pa rin akong may dugong pagkamaharlika.

Nang magkagulo ang kambal na Reyna ay agad narin akong pinapunta ng aking Ina sa mundo nila upang kapag dumating ang araw na kailangan na ng Damnivia ang Prinsesa ay mahanap ko ito kaagad. Hindi nga nagkamali ang aking Ina.

Sa liit ng mundo ay naging kaibigan ko si Kevin na siyang malapit kay Sam. Pinasusubaybayan ko ito parati kay Solomon upang sa gayun ay malaman ko kung gaano ba talaga kakaiba ang Prinsesa. Hindi naman ako nagkamali, sa sobrang kakaiba nito ay naisip ko narin na may pagkaweirdo ito.

Tumingin ako kay Solomon ng diretso at saka ko hinawakan ang kanyang kwelyo.

"Huwag kang mag alala, hindi ko kailanman binabalak biguin ang aking Ina." marahan kong sabi dito saka ako ngumiti.

"Mabuti."matipid nitong sabi saka ito naglakad na nauuna saakin papunta sa direksiyon kong nasaan ang aming silid.

Pagkapasok namin sa silid namin ay agad akong napatingin kay Sam na ngayon rin ay nakatingin narin sa direksiyon ko.

Ngumiti ito saakin saka ako kinindatan.

Ano itong nararamdaman ko? Bakit bigla na lamang bumilis ang tibok ng aking puso?

"Okay ka lang?" tanong saakin ni Kevin este ni Solomon. Tumango naman ako bilang tugon dito dahilan upang hawakan ako nito sa balikat saka ito ngumiti.

Ano bang nangyayari saakin? Tama ba ito?
Tandaan mo Zedxikiel, kalaban ng iyong Ina ang babaeng iyan.

Tuluyan na akong pumasok sa loob ng silid at naupo sa tabi nito.

"My speziell, what took you so long?" malambing nitong sabi saakin. Kunti na lang maniniwala na ako eh ngunit ayon nga kay Solomon, ang babaeng ito ay napakamapanganib.

"Why you miss me, love?" tanong ko rin dito sa malambing kong tuno. Ngumiti ito ng nakakaloko ng bigla anitong sipain ang upuan kung saan ako nakaupo.

Tatayo na sana ako ng mapagtanto kong may idinikit ito sa upuan ko upang dumikit ang uniporme ko dito.

Malakas na tawanan na lamang ang nadinig ko ng maramdaman ko ang pagbagsak ko sa sahig.

"Love hurts, right?" sabi nito.

"I love you." dagdag pa nito saka kumindat.

Ngayon, masasabi ko na nga talagang nakakaputang ina nga itong babaeng ito. Paano ba ito natagalan ni Kevin?

Shet!




























A/N: Hi everyone! This is an early update again. Hope you guys like it!
@myaurelle_jn, thank you so much sa support 💚

The Dieties Heiress(Completed but Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon