Chapte 48: She was killed

6 2 1
                                    

Percivus POV

Pinagmamasdan ko ang mahal ko habang nakangiti ito sa lalaking iyon. Ano ito balimbing na ang Reyna? Hindi ba dapat ay pinapaalis na nito sa trono ang hari para ako na ang pumalit dito. Hindi ba dapat naghahasik na ito ng kasamaan sa mundong iyan upang katakutan na siya ng lahat? Hindi ba dapat tinatapos niya na ang mga buhay ng anak ng Hari nang sa gayun ay ang aming anak ang papalit sakaniyang puwesto? Wala ka talagang kwenta, Cassiopeia. Kahit kailan ay hindi ka man lang maasahan. Ibinaba ko ang bola ng buhay atsaka ko pinuntahan ang babaeng iyon.

“Sino ka?” tanong nito saakin nang lapitan ko ito. Ngumiti ako sakanya ng wagas dahilan upang duraan ako nito sa mukha. Bakas sa mukha nito ang takot at ramdam na ramdam ko iyon.

“Hindi ko naman batid na ganyan pala kabastos ang anak ng Hari.” wika ko dito saka ko pinunasan ang dura nito saaking mukha.

“Pakawalan mo ako dito!” sigaw nito. Agad akong lumikha sa kamay ko ng isang matulis na bagay saka ko ginamit sakanya. Isinaksak ko ito sa kanya at saka dahan dahan ko itong hinihila pababa at pataas sa iba’t ibang direksiyon ng kanyang katawan.

Sumisigaw ito at nakakaramdam ng takot dahilan upang lalo akong matuwa sakanya. Napansin naman nitong kahit pa isa siyang maharlika ay hindi agad gumagaling ang sugat niya, iyon ay dahil manlilikha ang nasa harap niya sa ngayon.

“Shhh! Gusto mo bang pumunta na tayo sa palasyo?” tanong ko sakanya. Tumango naman ito saakin bilang tugon. Maya maya pa ay dumating na si Mizore kasama ang dragon nito. Ang babaeng ito ay kakaiba, lalong gumaganda ngunit lalong hindi dapat pinagkakatiwalaan.

“Anong balak mo ngayon?” bungad nito saakin. Ni hindi man lang ako nito binati. Wala talagang mudo, kung sabagay hindi magtatagal ang kinang nito ay mapapalitan ng dilim kapag siya ang piniling malaglag sa kinatatayuan niya.

“Sa ngayon ay wala pa.” ani ko dito saka ako tumalikod sakanya. Naglakad lakad ako sa aking madilim na hardin bago ko ito balikan muli. Malaki ang tiwala ko kay Mizore na hindi ako nito tratraydurin ngunit sa pagbalik ko ay bigla na lamang nawala ang batang babae at si Mizore. Umalis ako sa lugar kong saan ako nagtatago at saka ko hinabol si Mizore. Sa bilis na taglay ng aking pakpak ay agad ko naman itong nahabol.

“At saan mo dadalhin ang batang iyan?” tanong ko sakaniya. Ngumisi ito saakin saka ako binugaan ng kanyang dragon. Sa kabutihang palad ay nasangga ko ang apoy na inilalabas nito at ibinalik sakanila ito dahilan upang malaglag sila mula sa kalangitan.

Agad naman akong bumaba sa lupa at nilapitan si Mizore. Nagulat na lamang ito nang sa kanyang pagdilat ay nakita niya akong nakatitig sa kanya. Agad kong hiwalkan ang kanyang leeg dahilan upang matuwa ako dito.

“Mizore, matagal na akong nagtitimpi saiyo. Matagal ka ng may sariling plano para sa lahat at ngayong maging ako ay trinatraydor mo na. Kinakalimutan ko ng magkaibigan tayo.” pang gigigil kong sabi dito habang hawak hawak ko ang kanyang leeg at pinapaliyab ito ng aking kapangyarihan. Ang manlilikha ay kayang patayin ang kanyang kauri.

Lumaban ito sa akin. Gumawa ito ng mga kristal sa kanyang katawan at saka nito sabay sabay na ibinato saakin ang mga iyon. Hinarang ko lamang ang mga iyon ng aking pakpak ko na dahilan ng pagkatunaw ng mga ito nang madikitan nito ang pakpak ko.

“Hindi ko akalaing ganyan kahina ang isa sa pitong puting manlilikha, Mizore.” ani ko saka ako ngumiti. Lumabas ang mga sungay at pangil ko saka ko ito sinugod at ipinasok ang aking kanang kamay sa kanyang dibdib at pilit kong hinugot ang kanyang puso.

Kitang kita sa mukha nito ang pagkagulat ng gawin ko ang bagay na iyon. Paano ba iyan, Iris? Ang isa sa mga pitong pinili mo ngayo’y wala na’t nakakaawa pang makitang lumisan. Kinain ko ang puso nito. Napakasarap ng pusong may tinaatagong galit sa kung kanino man.

“Tapos na ang laban, Mizore. Sana ay napasaya kita.” wika ko sa malamig nitong bangkay. Lumingon naman ako sa direksiyon ng batang iyon ngunit sa sobrang bilis nito ay hindi ko na ito nahabol sa kalupaan. Lumipad ako sa kalangitan upang masabayan ko ang bilis nito at nagulat na lamang ako nang salubungin ako ng limang manlilikha.

“Saan mo balak pumunta, Percivus?” tanong ni Avchiles saakin. Ngumiti lamang ako sa mga ito bago ako bumaba sa kalupaan, ganoon din naman ang kanilang ginawa.
Napalibutan namin ang batang iyon nang makababa kami sa kalupaan.

“ Kung swineswerte ka nga naman.” ani ko sa mga ito.

“Morioka?” tanong ni Avchiles dito. Tumango ito sakanila saka ito nilapitan ni Avchiles at niyakap.

“Umuwi ka na sa iyong ama. Tiyak na matutuwa itong makita ka. Diretsuhin mo ang daan mula dito at makakarating ka sa palasyo.” dinig kong sabi ni Avchiles dito. Muli itong tumango at yumakap dito bago tuluyang umalis sa kinalalagyan namin ngayon.

Kung hindi dahil sayo Mizore, walang magaganap na ganito ngayon. Sabay sabay nilang ibinato saakin ang kapangyarihan nila kaya naman agad akong nag isip ng lugar kong saan ako maaaring mapadpad.

‘Cassiopeia.’

Sa pagdilat ko ay nasa harap na ako ng aking kasintahan.

“Anong ginagawa mo dito?” gulat na tanong nito saakin. Halatang nagsasaya na lamang ito sa lugar na ito dahil sa ipinakita nito.

“Hindi ka ba natutuwang nandito ako, mahal ko?” tanong ko sakanya. Hinila ako nito sa loob ng salamin nito saka nito hinarang ang buong paligid.

“Percivus, nag usap na tayo, hindi ba?” sambit nito saakin. Tinitigan ko ang aking mga kuko na puno pa pala ng mga dugo sa ngayon.

“Naninigurado lang ako, Cassiopeia. Siya nga pala ang Prinsesa Morioka ay pabalik na sa palasyo, ikaw ng bahala sa kanya.” pagbibilin ko dito. Tumango naman ito. Bago ako tuluyang umalis ay napansin nito ang mga dugo.

“Kanino yan?” tanong niya saakin. Ngumiti ako dito saka ko ito hinalikan sa pisngi.

“Malalaman mo rin, Mahal ko.” wika ko dito saka ako humalakhak bago ako tuluyang  umalis sa harap niya.

The Dieties Heiress(Completed but Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon