Sam's POV
Ilang oras pagkatapos naming lakarin ang papunta sa kaharian ay sawakas nakarating narin kami dito.
Agad na binuksan ni Kevin ang pinto ng bigla na lamang siyang harangin ng mga naglalakihang nilalang.
"Ano ang sadya niyo sa Hari?" agad na tanong nito saamin. Napatingin naman ang isa sa mga ito saakin. Tinitigan ako nitong mabuti habang ang isa naman ay abala makipagtalo kay Kevin.
"Mahal na Prinsesa." ani nito saka lumuhod sa harap ko. Binitawan ng nilalang na iyon si Kevin nang marinig ang sinabi ng kasama nito saka lumuhod rin sa harap ko.
"Tang ina, Sam! Bakit hindi mo agad sinabi, ang hirap kaya makipagtalo diyan sa bwisit na yan!" pagrereklamo ni Kevin habang inaayos nito ang kanyang damit.
"Anong kaguluhan ito?" isang maawtoridad na boses ang narinig ko mula sa lalaking nasa likod.
"Ang Mahal na Hari." dinig ko sa mga isa sa kawal.
Nang tuluyan itong makalapit saamin ay agad akong yumuko sa harapan nito.
"Paumanhin sa pangangambala ko." ani ko rito. Hindi ko sasayangin ang nawalang buhay ni Maverick para dito.
"Anak." dinig ko na lang na binigkas nito saka ako nito niyakap. Agad rin naman nitong binawi ang yakap na iyon saka nito hinaplos ang mukha ko at tinitigan ako ng taimtim.
"Magkamukhang magkamukha kayo ni Morioka." ani nito saakin.
"Ama, kambal po kami." dinig kong sabi ng isang babaeng nasa likuran ni Ama kasabay nun ay ang pagpapakita rin ng isang Reyna.
"Asaan si Fleariza?" pagtataka kong tanong sakanila ng makita kong hindi si Fleariza ang ngayong tumatayong Reyna ng kaharian.
"Ina." Napatingin naman ako kay Clyde nang bigla nitong banggitin ang katagang iyon. Ina? Ang Reyna ang kanyang Ina?
"Cassiopeia, siya ba ang tinutukoy mo?" tanong ng aking ama sa bagong Reyna.
"Oo, siya ang aking anak."ani nito sa Hari. Tinitigan ko si Clyde ng maigi ganun din naman ito saakin.
"At siya rin ang ikakasal sa kilalang Prinsesa." ani pa nito. Nanlaki ang mga mata ko ng sabihin iyon ng Reyna. Napatingin ako muli dito at saka ito yumuko. Ano ito? Alam niya? Bakit hindi niya sinabi?
"Ah, Ama. Mas makabubuting sa loob na tayo ng-" hindi na naituloy ng kakambal ko ang sasabihin nito nang bigla na lamang dumami ang tao sa paligid namin.
"Dalawa ang Prinsesa?"
"Bakit dalawa ang Prinsesa! Hindi pwede yan!"
"Mahal na Hari, patayin ang isa sa kanila!"
"Patayin! Patayin!" dinig kong sabi nila ng sabay sabay. Bwisit! Kung sila kaya ang patayin ko?
"Pumasok na kayo sa loob." utos ng Hari saamin. Agad namang nagsidatingan ang iba pang mga kawal at saka kami pinalibutan.
"Kayo na munang bahala sa kanila." dinig kong ibinilin ng aking Ama sa isang kawal iyon. Sabay sabay kaming pumasok sa loob ng kaharian at saka ako idiniretso ni Morioka sa loob ng kwarto nito habang sila Kevin at Clyde naman ay sumama sa Hari.
"Asaan si Maverick?" tanong nito. Yumuko na lamang ako sa harap nito nang ibungad niya saakin iyon. Mukha namang alam na nito ang ibig kong sabihin. Tumalikod ito saakin saka naglakad papalayo.
"Kahit kelan talaga wala kang silbi!" dinig kong sabi nito saakin habang nakatalikod. Humarap ito saakin pagkatapos niyang sabihin iyon at nakita ko ang mga luhang nang gagaling sa kanyang mga mata.
"Mas makapangyarihan ka pero bakit hinayaan mong may mangyari sakanya?"pasigaw nitong tanong saakin.
Pumasok ang Reyna sa silid na kinaroroonan namin sa ngayon at laking gulat ko ng bigla siyang ngumiti saamin.
"Ganyan nga, Morioka." wika nito. Nakita ko namang bumilis ang galaw ni Morioka dahilan upang hindi ko agad nalaman na nasa harap ko na siya.
Maya maya pa ay lumabas ang isang lalaking may pakpak sa malaking salamin. Nakangiti rin ito saakin. Sinakal ako ni Morioka na para bang tinutupi lamang nito na parang bote ang aking leeg.
"Akin na ang kapangyarihan mo!" sigaw ng Reyna saka nito paunti unting hinihigop ang kapangyarihan ko.
Ano na bang nangyari sayo, Morioka? Bakit ganyan ka ngayon?
Nasira ang pinto dahil sa isang malakas na pagsabog gawa ng limang nilalang.
"Prinsesa Morioka! Bitawan mo ang kapatid mo!"
"Si Percivus at Cassiopeia ang kalaban dito, hindi ang kapatid mo!" dinig kong sigaw ng dalawang nilalang.
Nagmatigas parin si Morioka at hindi parin ako nito binitawan. Nagulat na lamang ako ng mabitawan ako nito saka tumalsik si Morioka sa malayo.
"Kevin." sambit ko ng makita si Kevin na nakatayo sa harapan ko.
"Hangal!" dinig kong sabi ni Morioka saka muling sumugod. Sa pagkakataong iyon ay sinamahan na siya ni Percivus dahilan upang mahugot ni Morioka ang puso ni Kevin.
"Buhay ang nawala kaya buhay din ang kapalit!" sigaw ulit nito saka nito pinagpira piraso ang puso ni Kevin. Nilapitan ko si Kevin. Akala ko ay wala na itong buhay ngunit laking gulat ko ng lapitan ko ito at hawakan ay ngumiti pa ito saakin.
"Sa...na sa su...sunod na bu...hay a...ko naman ang... pi...liin mo."Hirap na hirap nitong sabi saakin. Ang sakit. Ang sakit sa puso. Ang sakit ng mga katagang binitawan niya.
At lalo na lamang akong napaluha nang muli itong magsalita.
"Ma...hal ki...ta." sabi nito bago ito maubusan ng hininga. Nanigas ang katawan nito saka nabasag katulad ng mga bampira. Tumulo ng tumulo ang luha ko dahil sa nangyari dahilan upang magalit ako.
Napuno ako ng galit kasabay nun ay ang paglabas ng aking kapangyarihan. Ang bilis at lakas na aking taglay ay ginamit ko sa aking kapatid.
Saksi rin si Ama sa nangyayari sa akin ngayon ngunit wala itong ginawa upang mapigilan iyon.
Gaya ng ginawa ni Morioka sa aking kaibigan ay kinuha ko rin ang puso nito at dinurog ng pinong pinu dahilan upang magaya ito sa nangyari kay Kevin.
Isinunod ko si Percivus na inalisan ko ng pakpak matapos nitong aminin sa harap naming lahat na pakana nila ni Cassiopeia lahat ng ito. Lahat lahat ng nangyari saakin ay pakana nila.
Tadyak at suntok ang inabot saakin nito. Gumawa ako ng isang matulis na bagay gamit ang aking kapangyarihan saka ko ito itinusok sa kanya at pinaliyaban ng kapangyarihan ko saka ito naglaho.
"Handa ka na ba, Cassiopeia?" tanong ko sakanya. Humarang naman sa harap niya si Clyde.
"Sam, siya ang Ina ko." ani nito saakin saka lumuhod sa harap ko.
"Nakita mo naman diba kung gaano nito kagusto ang pagkuha sa kapangyarihan ko! Magtigil ka!" sigaw ko sakanya dahilan upang makagawa ako ng kidlat saka ito tinamaan. Sinipa ko ito papalayo saakin saka ko muling ibinalik sa pokus ang aking sarili sa pagpaslang kay Cassiopeia.
"Ang lahat ng ito kagagawan mo? Pati ang pagkamatay ng aking Ina? Pwes, magbabayad ka!" galit na galit kong sabi sakanya saka ko ito inumpisahang kalabanin.
Hinati ko ang katawan nito. Inuna ko muna ang mga kamay nito saka binti saka ko hinila ang dila nito at inalis ang mata.
"Prinsesa." dinig kong wika nila. Tinignan ko sila sandali saka ko muling ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Pinugutan ko siya ng ulo bago ko pinagsama sama ang apoy na taglay ko.
"Ngayon, magsisisi kang ginawa mo ito!" sigaw ko bago ko siya tinuluyan.
Tapos na. Dito na magtatapos ang lahat.
BINABASA MO ANG
The Dieties Heiress(Completed but Editing)
FantasíaEach one has its own secrets. A mystery that nobody wants to uncover. My name is Ivery Samantha Louise. Sam for short, a regular student that unable to accept that I has a strength. A strength that I can't quite picture at all.