Morioka's POV
Nagising na lamang ako na asa katawan ako ng aking kakambal. Yung kapangyarihan na yun, galing iyon sa palasyo.
Tinitigan ko si Kevin na ngayon ay wala ng buhay sa tabi ko. Akala ba nung taong yun, mapapatay niya ang katawan ng kakambal ko? Isang malaking pagkakamali iyon.
Iniangat ko ang ulo ni Kevin. Napakagwapong nilalalang. Sayang naman at kailangan niya ng maging isang bampira dahil sa ginawa nang babaeng iyon.
Kinagat ko ang leeg nito at binigyan ko siya ng dugo ko. Andito ako sa katawan ni Shakira kaya naman alam kong gagana ito.
Matapos kong bigyan ito ng dugo ay agad kong pinunasan ang aking labi. Napansin ko naman ang purselas na paru-paro saaking kamay. Ramdan kong hindi ito ordinaryng purselas lamang.
Maya maya pa ay may isang paru-paro ang lumapit saakin at hindi naman nagtagal ay dumami ito at naghulma ng katawan ng isang nilalang.
"Morioka."ani nito. Boses ng aking ina ngayon ang naririnig ko.
"Ina."ani ko habang unti unting pumatak ang aking luha saaking mga mata.
"Ang purselas na yan ang magsisilbing daan upang lumabas ka sa katawan ni Sharika. Oras na hugutin o galawin iyan ng taong nagmamahal sakanya kusa kang mawawala sa katauhan niya at pwede itong maging kabaliktaran."pagpapaliwanag nito saakin.
"Opo ina."sagot ko dito bago maglaho ang hulma nito at nasilabasan ang mga paru-paro mula sa bahay ni Sharika.
Maya maya pa ay nakaramdan ako ng isang mabigat na hampas sa ulo ko.
"Panaginip ata yun."bungad saakin nito. Ito ang kaibigan ni Shakira mula nang bata pa ito.
Ramdam kong hindi ito si Solomon sa ikinikilos niya at maging sa nangyari sa kanya. Hindi mahina ang katawan ni Solomon, alam ko yan.
"Hoy! Bakit ba hindi ka nagsasalita diyan?"tanong nito saakin. Ngumiti ako dito atsaka ko siya tinignan ng diretso.
"Nice to meet you."pambungad ko din sakanya. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat ng sinabi ko ang mga katagang iyon.
"Sino ka?"tanong nito saakin na may halong takot kaya naman umatras ito at lumayo saakin kaagad.
"Ako ang totoong kakambal ni Sharika."wika ko dito. Bakas sa mukha nito na naguguluhan na siya.
"Yung babaeng kausap niyo kanina, isang nilalang iyon na nais paslangin ang katawang ito."pagpapaliwanag ko pa dito.
Tumayo ako at lumapit sakanya.
"Sa katawang ito, ako at si Sharika ay iisa."dagdag ko pa dito na naging dahilan kung bakit lalo itong natakot saakin.
Inilahad ko ang kamay ko sakanya upang magkaroon kami ng magandang pagpapakilala sa isa't isa ngunit ito ko inaasahang hinila ako nito atsaka ako niyakap ng mahigpit.
Maya maya pa ay nagliwanag ang paningin ko. Napansin ko din nagliliwanag ang purselas na suot ko.
Tama. Si Kevin. Si Kevin ang nagmamahal kay Sharika.
Sam's Pov
Nagising na lamang ang diwa ko ng makita kong yakap yakap ako ni Kevin.
"Ibalik mo na sa katawang ito si Sam."ani nito habang umiiyak. Anong iniiyak iyak nito? Jusko. Nasisiraan na ng bait.
Niyakap ko rin ito pabalik atsaka ako sumipa mula sa likod pataas upang tumama ang paa ko sa mukha niya.
"Aray!"pagrereklamo nito saakin dahilan upang mapabitaw ito sa pagkakayakap saakin.
Tumawa naman ako ng malakas dahil dito.
"Aray aray ka diyan gonggong! Bakit mo ako niyayakap? Itchosera ka ah! Nanananching ka!"sigaw ko dito.
Hindi ko alam kung bakit hindi ito nagsalit. Tumulo lang ng tumulo ang luha nito saka lumapit saakin. Ang arte ha. Ano bang nangyayari sa tangang kaibigan ko?
Lumapit ito saakin saka ako niyakap ng mahigpit.
"Sam. Huwag ka ng mawawala ha."ani nito saakin saka humigpit lalo ang yakap nito saakin.
"Tanga ka na ata, Kev. Ano bang nangyayari sayo?"tanong ko dito.
Maya maya pa ay ikinalas nito ang yakap nito saakin.
"Sam!"sigaw nito habang umiiyak na parang mga bata. Naku, kalalaking tao ganito itong isang ito. Ano ba ito? Joke? Ang lampa naman. He's now crying like a baby and it's kinda irritating.
"Ano ba kasing problema? Hindi ako manghuhula okay?"sarkastiko kong sabi dito.
"Sam, natatakot akong mawala ka, kaya huwag ka ng mawawala, please lang."sabi nito saakin habang patuloy na tumutulo ang mga luha nito.
I laughed at him and I crossed my arms.
"Umamin ka nga. Bakla ka ba?"tanong ko dito. Natatawa ako pero kailangan kong magpigil ng tawa baka kasi hindi ito magsabi ng totoo eh
"I'm not gay nuh! Syempre, you are a friend of mine kaya ayokong mawala ka. Paano ako kung wala ka, hindi ba?"wika nito saakin. Syempre, hindi talaga ito aamin.
Ikaw ba namang kilala bilang babaero tapos aamin kang bakla ka? Tapos sa kaibigan mo pa? Talaga ba? Walang ganun.
Binatukan ko ito saka hinalikan sa pisngi. Akala mo naman mawawala ako. Napansin ko namang namula ito dahil sa ginawa ko.
"Hoy! Huwag OA ha? Walang meaning yan! Kapag nag isip ka na may meaning yan ihahagis ko talaga si Mel sayo!"sigaw ko dito.
Why I feel so hot. Tang ina, namumula ba ako? Shit. This isn't funny at all.
"Hoy!"wika ko ulit kasabay ng batok. Natulala na kasi si Kevin, I don't know why?
Inikot ko ang buong paligid ko, ang kalat ng kwarto ko. I think I need some father saka espiritista. Nakakatakot yung nangyari saamin ni Kevin, my gosh!
Napansin ko naman ang purselas na nasa kamay ko ngayon. Sinubukan ko itong alisin ngunit hindi ko ito maalis.
"Kev, can you help me. Tigilan mo ako sa tulala mo kung ayaw mong ihagis kita sa labas."pananakot ko dito, dahilan upang makabalik na ito sa realidad.
"Okay."matipid nitong sagot saka ako tinulungan sa pag alis sa purselas na nasa kamay ko.
Ginawa na namin ang lahat upang maalis ito ngunit walang nangyari. Anong klaseng purselas ba ito? Hindi man lang maalis sa kamay ko.
"Huwag mo nalang kaya alisin. Bagay naman sayo eh."puri ni Kevin. Nakakatakot yang papuri na yan ha. Kaloka.
"Ahy naku, ewan ko sayo!"sigaw ko dito saka ako tumalikod at lumakad palabas ng kwarto ko.
How I wonder if was real?
Yung nangyari kanina with that magical girl. Oh my gosh! Siya siguro yung pumatay kay Martin atsaka Tera at sa iba pang mga estudyante.
Napapaisip na lamang ako sa mga nangyayari sa paligid ko.
Nakakaloka.
A/N: Thank you guys for reading :) Please do vote and comment. I love you all!
BINABASA MO ANG
The Dieties Heiress(Completed but Editing)
FantasyEach one has its own secrets. A mystery that nobody wants to uncover. My name is Ivery Samantha Louise. Sam for short, a regular student that unable to accept that I has a strength. A strength that I can't quite picture at all.