Chapter 36: Her Gown

12 7 3
                                    

Sam's POV

Hanggang ngayon ay wala parin si Morioka mula nung nagpaalam ito. Ilang oras na ang nakalilipas para sa pagpunta niya sa bahay ni Maverick. Ano ba kasing ginawa niya doon?

"Sam." sabi nito saakin. Lumingon ako sa direksiyon nito saka lumapit saakin. Ano nanaman kayang kabalbalan ang gagawin nito?

"Ano?" tanong ko dito. Hindi ko alam kung mahahalata ba nitong naiinis ako o ano pero sana mahalata niya.

"May surprise ako sayo." wika nito saakin. Surprise can't make my mood change naman kaya nuh.

Ibinigay nito saakin ang isang makulay na lalagyan na hugis parihaba. Nagtataka naman ako kung anong nasa loob nito. Agad kong pinutol ang tali na nakapalibot sa lalagyan saka ko ito binuksan. Sa pagbukas ko ng lalagyan ay mayroon pang isang kahon.

Ano ba itong kalokohan na ito, Clyde? Puta.

Nang mabuksan ko ang kahon ay isang maliit na ahas ang nakita ko. Iba't iba ang kulay nito sa kanyang balat.

"Salamat ha." sarkastiko nitong sabi saakin. Tumingin naman ako sakanya ng masama bago ko ito nilapitan saka ko ito niyakap.

Ewan ko. Natutuwa ako sakanya ngayon.

"Thank you." sabi ko dito. Agad ko namang inalis ang mga braso ko na nakapulipot saakin ng makita kami ni Kevin.

"Oh, bakit parang gulat na gulat kayo?" tanong nito saamin. Napakamot naman ng ulo ang ugok.

Lumapit ako kay Kevin saka ko ito sinuntok.

"What was that for?" tanong nito saakin.

Hindi ko sinagot ito. Nangulangot lamang ako sa harap niya saka ko ipinunas sa braso jiya. Kadiri ba? Hahahha. Okay lang yan.

"Wala lang. Trip ko lang." sabi ko dito.

Humarap ako sakanilang dalawa saka ako ngumiti.

"Pwede bang kayo ang mamili ng susuotin ko sa Academy Ball?" tanong ko sa mga ito. Tumango naman ang dalawa. Nakakatuwa naman kahit hindi ito nagkakasundo sa ibang bagay ngayon ay siguradong magkakasundo sila.

"Sino nga pala kapartner mo Sam?" tanong ni Kevin saakin. Agad namang lumapit si Clyde saakin saka ako inakbayan.

"Sino pa ba ang partner ng chikababes na ito, edi walang iba kundi ako." sabi nito kay Kevin.

Nag iba naman ang aura ni Kevin nang malaman nitong hindi siya ang makakapartner ko kaya agad kong inalis ang braso ni Clyde sa pagkakaakbay saaking balikat at agad na lumapit kay Kevin.

"Pwede mo naman akong isayaw nun." ani ko dito saka ko ito hinalikan sa pisngi dahilan upang mag iba ang aura rin ni Clyde.

Hindi ko alam. Ang hirap pala ng ganito kapag  parehas mo silang kasama sa iisang lugar. Hindi mo alam kong sino ba mas matimbang sakanilang dalawa.

Hindi ko na lamang pinansin ang mga ekspresyon ng kanilang mga mukha nila. Humarap na lamang ako sa mga ito bago ako magsimulang magsalita.

"Alam niyo, magbibihis na lang ako. Itatry ko yung mga shinopping namin ni Solomon." ani ko sa mga ito.

Tumakbo ako papunta saaking kwarto at inayos ang aking buhok at aking mukha. Syempre para maging maganda diba?

Gusto kong ako nalang mag aayos sa sarili ko sa Ball. Ayoko ng mabawasan ang kayamanan ng mga tumayong mga magulang ko dito sa lupa.

Pagkatapos kong ayusin ang aking buhok at saka mukha ay agad kong isinukat ang isa sa mga pinamili ko.

Bumaba ako mula sa aking kwarto at saka ako pumunta sa kinaroroonan nila Clyde at Kevin.

Pumwesto ako sa harapan nilang dalawa saka ako dahan dahang umikot.

"What you guys think?" tanong ko sakanilang dalawa.

"Ang ganda mo, Sam." sabi ni Kevin. I know right pero hindi yan yung gusto kong marinig.

"Ang pangit!" Wow ha! Ang galing mo magbigay ng komplemento, Clyde.

"Aba, ang ganda naman kaya!" sabi ni Kevin.

Hindi ko na lamang pinansin ang mga ito at bumalik muli ako sa kwarto ko upang magbihis. Nang makapagbihis ako ay agad akong tumakbo pababa saka ako muling humarap sa kanila.

"Eh ito?" tanong ko sakanila. Wala namang pinagbago ang reaksiyon ng mga ito katulad ng kanina.

Makalipas ang ilang oras ay hindi parin bumabalik ang kakambal ko. At sa nakalipas na oras ay hindi parin nagkakasundo ang dalawang iyon. Nakailang palit narin ako ng mga gown pero laging sinasabi ni Clyde na ang pangit. Eh baka naman kasi siya itong pangit. Bwisit!

Ang pinakahuling nasa loob ng lalagyan na ang isusuot ko ngayon. Sana naman ay sumang ayon na ito kasi kung hindi sisipain ko na siya. Bwisit siya, ang hirap kaya magpapalit palit ng gown.

Matapos kong maisuot ang gown ay agad akong bumaba at gaya ng dating gawi ay pumunta sa harap nilang dalawa at dahan dahang umikot ng makita nila ang bawat detalye ng gown na isusuot ko para sa Academy ball.

"Lalo kang gumaganda sa suot mo." wika ni Kevin saakin. Tinignan ko naman ang ekspresyon ng mukha ni Clyde na tila ba nanigas na ito noong nakita ako.

"Hoy!" sabi ko dito.

"Perfect." sabi nito habang tulala parin itong nakatitig saakin. Perfect? So, okay sakanya ito?

"Anong perfect?" tanong ko dito saka ko sinabayan ng pambabato ko ng kapangyarihan ko dito dahilan uoang magalit si Kevin at mapatakbo sa isang tabi.

"Maganda! Bagay na bagay!" sigaw nito saakin habang hinahaplos haplos nito ang balikat nito na natamaan ko ng bolang apoy ko.

"Sure ka?" Syempre, kailangan kong manigurado kong maganda ba talaga o hindi.

"Oo nga." sabi nito saakin.

"Pero mas maganda kung ganito." dagdag pa nito saka nito itinuro saakin ang hintuturo nito at naglabas ng kapangyarihan na tumama sa damit ko.

Agad namang nagbago ang anyo ng damit na suot suot ko at mas lalo itong naging mala pang prinsesa ang datingan ng gawin iyon ni Clyde.

"Perfect!" masigla nitong sabi sa harap ko. Pinalakpakan din naman ni Kevin ang pagkakagawa ni Clyde sa gown ko.

"Promise, ang ganda mo diyan Sam." wika nito saakin.

"Napakaganda nga naman talaga ng Prinsesa ko." ani ni Clyde bago lumapit saakin at halikan ako sa pisngi dahilan upang makaramdam ako ng init sa aking mga pisngi.

"See you tomorrow, love." wika nito saakin saka nito ihinawi ang kamay nito sa hangin saka biglang nawala.

"So ano kayo?" tanong ni Kevin.

"Mag jowa?" dagdag pa nito. Humarap ako dito at saka ako ngumiti.

"Selos ka?" nakakaloko kong tanong dito.

"Hindi!" sigaw nito saakin saka padabog na lumabas ng bahay ko.

So, kung hindi siya nagseselos. Eh anong problema?

Mga lalaki talaga.

Mahilig talaga magdeny hahaha!
































A/N: Hi everyone! Sana nag eenjoy kayong basahin ang story ko 💚 Promise, I'll do edit kapag natapos ko na ito. Love lots!

The Dieties Heiress(Completed but Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon