Sam's POV
Isinukat ni Morioka saakin ang gown. Hala?Bakit para atang nanikip? Anong mayroon? Naku, napasobra ba ako sa pagkain?
"Lumaki ka ata." ani nito na dahilan ng pagkainis ko. Alam ko. Huwag mo ng ipagduldulan saakin, naiinis lang ako. Ang sarap kaya magkakain.
Hindi ako umimik dito. Hinayaan ko lang itong pagkasyahin ang gown saakin. Ilang sandali pa ay natapos rin ang paghihirap nito.
"Ayan!" masaya nitong sabi nang napagkasya nito saakin ang gown ko. Ngumiti ito saakin.
"Sam, ang ganda ganda mo." sabi nito saakin habang tinititigan ako na tila ba malulusaw ako sa tingin nito.
"Maganda talaga ako. Kung pangit ako edi pangit ka rin." sabi ko rito. Tumawa naman ito sa harap ko ng sabihin ko ang katagang iyon. Akala ba niya nagbibiro ako? Shunga ata siya eh. Malamang ganun na nga eh halos iisang mukha lang ginagamit namin nuh? Tanga tsu.
Tinitigan ko ito ng seryoso dahilan upang mapatigil ito sa pagtawa.
"Anong tinitingin tingin mo diyan?" pag susungit ko dito nang tinitigan ako nito ng matagal. Ano nanaman bang nasa isip nito ngayon?
"Wala naman kapatid." malungkot nitong sabi. Minsan naiinis narin ako sa kapwa ko babae. Paiba iba ang mood swings eh. Kanina lang sobrang saya, ngayon naman sobrang lungkot. Yung totoo?
"Ano nga iyon?" pangungulit ko dito. Ako kasi yung tipo ng tao na kapag hindi ko nalaman ang isang bagay, macucurious talaga ako.
Pero depende naman yan saakin. Umiling lang ito bilang tugon.
Hinawakan ko ang mga kamay nito saka kami naupo saaking kama.
"Morioka, kahit na gaano kasama ang trato ko sayo, lagi mo sanang isipin na ganun na ako kahit noong wala ka pa." sabi ko dito. Aba, baka kasi dahil iyon sa ugali ko nuh? You know people out there, hates me because of my bitchy shitty stupid badass attitude. Mwah! And I love it!
"Hindi naman iyon eh." sabi nito saakin. Huh? Kung hindi yun eh ano? Kaloka ha? Pwede bang sabihin niya nalang ng diretsuhan? Mas maganda yun kesa nanghuhula ako. Wala naman akong kapangyarihan mind reader nuh.
Binitawan ko ang kamay nito saka ko hinayaan ang aking katawan na bumagsak sa aking malambot na kama.
Hays, I am so relaxed when I start laying down my self here.
"Kung hindi iyon, edi ano?" tanong ko dito sakanya habang tinitignan ko siya. Tumingin din naman ito sa gawi ko at niyakap ako.
Ew ha! Yak! Hindi kami talo ha! Ano ba ito? Ang weird.
"Teka teka nga." sabi ko dito habang pinipilit kong alisin ang mga braso nitong nakayakap. Ang awkward kasi ng posisyon namin. Nakapatong ito saakin and to be honest hindi ako komportable sa posisyon namin ngayon. Like duh? Hahahaha. Ew!
"Sam, gusto kong makita si Ina." wika nito saakin. Paano naman namin makikita si Ina ano kung matagal na nga itong patay.
"Eh wala na si Ina eh." sabi ko dito. Tuluyan na nitong inalis ang mga braso nito sa pagkakayakap saakin nang sabihin ko ang mga katagang iyon.
"Wala ka na bang magagawa?" ani nito. Aba, kung may magagawa ako edi sana matagal ko ng binuhay si Ina nuh? Lalo na ang mga taong nagpalaki saakin. Hindi naman ako bumubuhay ng patay.
"Wala." matipid kong sabi dito. Napatayo ito sa kama na kanina lang ay inuupuan nito.
"Eh bakit saakin may nagawa ka?" tanong nito. Hindi ko alam kung papano ko ba talaga ito napanatiling ganito pero ang alam ko lang ay ginamit ko ang kapangyarihan ko dito upang mapanatili ko ang katawan nito.
"Hindi ko alam." sabi ko dito habang nakatingin na ako sa itaas. Hays, gusto ko na lamang ma-relax at huwag ng mag isip isip ng kung ano ano pang mga bagay. I don't deserve so much stress nuh.
"Eh baka may magawa ka pa." ani nito saakin.
Napatayo ako sa aking pagkakahiga saka ko dahan dahang inalis ang korona na inilagay nito saaking ulo.
"Mahal kong kapatid, kung may magagawa ako para sa ating Ina, iyon ay ang bawiin ang Lavreska mula kay Fleariza at hindi ang bubuhay ng patay." sabi ko dito. Bakas naman sa mukha nito ang lungkot nito dahil sa aking mga sinabi.
Kung sabagay, marapat lamang na sabihin ko ang totoo sakanya. Hindi ang magsasabi ako ng mga mabulaklaking mga salita para lamang mapasaya siya.
Hindi na baleng masaktan siya sa katotohanan, huwag lang sa kasinungalingan dahil mas masakit iyon para sa isang nilalang.
Ngumiti ako sakanya at tinitigan parin ako nito ng napakalungkot.
"Maaari nating makausap si Ina pero hindi ang buhayin siya." ani ko dito dahilan upang mapangiti ito saakin.
"Talaga ba?" tanong nito nang may halong saya sa kanyang mukha. Tumango naman ako dito dahilan upang yakapin ako nito saka ito nagtatatalon habang yakap yakap ako nito.
Ngayon naman ay naiinis ako sa pinag gagagawa nito saakin. She didn't know that she's too heavy for me ha. Kaloka!
"Ah, Morioka." pang aawat ko sa kasayahan niya. Alam ko panira ako pero syempre nakakainis narin at saka kailangan ko ng tanggalin itong gown na suot suot ko ngayon. Naaalibadbaran na kasi ako dito. Para bang anumang oras at mag aalllergy ako.
"Patulong naman tanggalin yung gown ko." ani ko dito. Tumango naman ito saakin saka nito inumpisahang alisin ang mga tali tali na nasa aking likuran.
Maya maya pa ay natanggal na namin ito at saka ako kumuha sa aparador ng mas komportableng damit.
"Sam ang laki ng suso mo." sabi nito saakin habang tinititigan nito ang hubad kong katawan. Lumapit ito saakin saka nito hinawak ang dalawang bundok ko saaking katawan dahilan upang sipain ko ito.
Tang ina naman kasi eh! May ganito din naman siya, bakit kailangan may paghawak factor pa?
"Aray ate ah. Ang galing ang titigas nung mga utong." ani nito. Hayop din talaga itong kapatid ko eh. Yung totoo? Babae ka ba o lalaki?
"Lumabas ka na nga ng kwarto!" sigaw ko dito. Nakakawala ng mood. Hindi ito agad na tumayo sa kung saan ito tumilapon dahilan upang lapitan ko ito. Hinawakan muli nito ang isa sa maselang katawan ko.
"Sam, gusto mo ba tulungan kitang alisin yung buhok niyan, malago nasyado eh." Apaka ano eh, apaka bastos eh akala mo hindi babae, akala mo wala ring ganito eh, naku.
Kinaladkad ko ito papunta sa may pinto saka ko ito itinulak palabas. Agad ko namang isinara ang pinto nang mapalabas ko ito.
"Sam, sorry na."wika nito saakin habang kumakatok sa pinto.
Ah bahala ka diyan. Kamanyakan mo.
Kainis!
A/N: Salamat po sa patuloy na sumusupporta sa story na ito 😊
BINABASA MO ANG
The Dieties Heiress(Completed but Editing)
FantasyEach one has its own secrets. A mystery that nobody wants to uncover. My name is Ivery Samantha Louise. Sam for short, a regular student that unable to accept that I has a strength. A strength that I can't quite picture at all.