Chapter 24: Help

20 12 11
                                    

Kevin's POV

Ilang araw na naming hindi nakikita si Sam dito sa bahay niya. Napakaimpossible namang naglayas siya dahil sa ginawa niya sa kapatid niya. Kilala ko yung babaeng yun, lalo niya lang kaming iinisin ni Morioka.

"Cutie, may problema ba?" tanong nito habang nasa harap kami ng hapagkainan. Umiling lang naman ako saka ko itinuon ang pansin ko sa mga alaga ni Sam.

Nakakamiss naman pala talagang wala akong nakikitang tigre diyan sa kulungan nung tigre ni Sam.

Maya maya pa ay nakarinig kami ng malakas na kalabog ng pintuan sa itaas at pagkatapos ay tunog ng yabag ng paglalakad sa hagdan.

"Anong tinitingin tingin niyo?" tanong ni Sam habang nangungulangot talaga sa harap namin.

"Kapatid hindi naman ata tamang gina-" hindi na naituloy ni Morioka ang sasabihin nito nang biglang ihawi ni Sam sa hangin ang kamay nito at saka lumitaw ang dahong may iba't ibang kulay at itinapal sa labi ni Morioka.

"You guys should need to shut your mouth. Kilala niyo ako. Mangungulangot ako kung kelan ko gusto." sabi nito saka kami inirapan at nagdabog papalabas ng pinto.

Nagulat na lamang kami ng biglang mabasag ni Manang ang dala dala nito nang makita niya ang ginawa ni Sam.

"Diyos na mahabagin, anong engkanto ang mayroon sa pamamahay ng aking alaga." pagdarasal nito sa harapan namin.

Agad naman siyang nilapitan ni Morioka. Inalis nito muna ang nakatakip sa kanyang mga labi bago ito nag umpisang maglabas ng mahika.

"Tumingin ka saakin." sabi nito at saka naman si Manang dumilat. Hinawakan ni Morioka ang magkabilang balikat nito at saka tinitigan itong mabuti.

Kitang kita ko ang pag gamit nito sa kapangyarihan niya. Berde at pula ang kulay ng mga mata niya dahil sa ginagawa niya.

"Wala kang maaalala sa nakita mo at mula ngayon hindi ka na nagtratrabaho saamin." sabi nito kay Manang.

"Teka, Morioka!" sigaw ko sakanya.

"Bakit cutie?" tanong nito. Ang cute niya talaga.

"Baka magalit si Sam." wika ko dito. Hindi naman kaya biro ang magalit yaong babaeng iyon. Mabuti sana kong ordinaryong tao silang dalawa, eh hindi naman.

"Hindi yan. Mas makakabuti narin pati saating lahat na wala ang katulong niya dito nang sa gayun ay hindi na ito madamay pa sa mga susunod na mangyayari sa buhay natin." sagot nito saakin saka muling ipinagpatuloy ang ginagawa nito.

Maya maya pa ay kusa ng naglakad si Manang papalabas ng pinto ng bahay ni Sam.

"Okay na cutie!" masigla nitong sabi saakin. Binilisan ko na lamang ang pagkain ko upang makapag ayos na kami rito at makapasok na sa eskwelahan.


































🌺🌺🌺

Habang nagsasalita sa harapan namin ang Professor na iyon ay tinititigan ko siya. Napakacute nga naman talaga pala ni Morioka na tila ba ang sarap niyang alagaan.

"You may start your exam!" wika ng Professor namin, senyales na maaari ng umpisahan ang exam namin.

Tang ina! Anong sagot dito?


It is a social science that deals with how a nation efficiently allocates scarce or limited resources to satisfy unlimited wants and needs of its people.
a. demography
b. microeconomics
c. macroeconomics
d. ethnography


The Dieties Heiress(Completed but Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon