Sam's POV
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko kasabay nun ang pagkagulat ko nang makita ko ang gumulong na ulo sa harapan ko. Hindi ko batid kung papaano nagkaroon ng ganoong sinaryo ngayon rito.
Hindi ko na kaya ang mga susunod na mangyayari pa. Parang hindi ko kakayanin ang mga susunod pang lalabas mula sa dilim.
Gusto kong sumigaw.
Ngunit pagbuka ng bibig ko, tila walang tinig ang lumabas dito. Nakapagtataka naman. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung gawin. Ano ang susunod na mangyayari.
"Ano yan?"tanong saakin ni Christian na walang kamalay malay. Hindi ba halata na ulo ng tao yang asa harapan namin?
Gumilid ako upang makita niya ang nasa harap ko kanina. Sinulyapan ko rin naman itong mabuti para makita ko kung totoo nga ito.
Hindi naman ako nagkamali ng nakita. Ulo nga iyong totoong tao.
"Ano sa tingin mo iyan?" tanong ko sa kanya. Nasa loob ko parin ang takot dito ngunit patuloy ko parin ikinukubli iyon mula sa kanya.
"Si Honey! Anong nangyare?!"sigaw nito saakin. Nagtaka ako sa isinigaw nito. Anong mayroon? Anong nangyayari sa akin sa lugar na ito.
"Hindi ko alam! Hindi ko na alam kung anong nangyayari saatin! Una, si Charmaine. Sumunod si Francis. Tapos ito ngayon! Sinong susunod saatin? Ako? Ikaw?"ani ko sa tonong natatakot.
Nakakatakot naman talaga ang lugar na ito. Hindi ko nga lang alam kung papaano nila natiyaga magstay dito.
Inantay ko siyang sumagot ngunit hindi naman ito agad nakasagot.
Tila ba natulala nalang ito at iniangat ang daliri na ngayon ay nakaturo saakin.Anong mayroon? Bakit niya itinuturo sa akin ang isang bagay?
Tinitigan ko siyang mabuti. Hindi ako ang tinuturo niya kundi ang isang bagay.
"Hoy, Christian! Hindi nakakatuwa yang biro mo! Tang ina nito!"sigaw ko sakanya saka ako lumingon sa likod ko sa pag aakalang nagbibiro lang ito sa akin.
Fuck! Katawan ni Honey!
Lumingon ulit ako sakanya ng may halong takot sa aking mukha.
Paanong andun ang katawan ni Honey? Anong nangyari sa kanya? Sino ang may kakagawan nun?
Puno ng katanungan ang aking isipan ngayon dahil sa mga nangyayari.
"Takboooooo!"sigaw ko saka ako kumaripas ng takbo.
Alam kong matutuwa nanaman sila dahil sa mga nakakatawa ko nanamang larawan dahil dito. Mga unggoy talaga sila!
"Cut! Cut! Cut!" sigaw ng Direktor namin kaya naman ay naupo na ako sa pinakamalapit na upuan na nakita ko.
"Good job guys!"ani pa nito saka kumain ng hamburger na hawak hawak niya. Sana all talaga may pa meryenda eh ano? Sana all talaga nag memeryenda. My gosh!
"What's good in there? It's so nakakatakot kaya! Parang totoo!"ani ko sakanya. Actually, hindi lang rin talaga ako aware na ganun since hindi ko binasa ng maayos ang script. Alam ko naman na responsibilidad kong basahin yung script pero dzuh sa haba nun, need ko pa ba?
Need ko pa ba kung kaya namang mag on the spot?
"Ow, Sammy. It's so cool mo kaya doon. Ang cute cute mo!"ani naman saakin ng manyakis na Direktor namin. Kung pwede lang manipa ng Direktor papuntang Mars sigurado akong maraming maiinggit sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Dieties Heiress(Completed but Editing)
FantasiaEach one has its own secrets. A mystery that nobody wants to uncover. My name is Ivery Samantha Louise. Sam for short, a regular student that unable to accept that I has a strength. A strength that I can't quite picture at all.