Morioka's POV
Tinititigan ko nanaman ito habang nangungulangot sa harap ng salamin. Alam kong parehas kami ng mukha at alam kong parehas kaming Prinsesa pero maging ako na kapatid niya ay naiirita sa ginagawa niyang kadugyutan.
"Sam, maaari bang ihinto mo iyang ginagawa mo." ani ko dito. Tinignan naman nito ang repleksyon ko sa salamin saka inalis ang daliri nito na asa loob ng kanyang ilong.
"Masanay ka na. Madalas akong ganito kahit pa tanungin mo si Kevin." ani nito saakin. Napabuntong hininga na lamang ako dahil kahit anong sabihin ko ay alam kong hindi ito makikinig saakin. Sino ba naman ako para siya'y diktahan, eh kapangyarihan lamang nito ang bumubuhay saakin.
Kung kelan naman ako nahiga sa kanyang kama ay saka naman biglang pumasok si Solomon.
"Solomon." ani ko na dahan dahang tumayo sa aking kinahihigaan. Batid kong wala itong naaalala tungkol sa akin dahil sa mga ekspresyon na kanyang ipinapakita.
"Sam, tinatawag ka ni Clyde sa baba." sabi nito kay Sam na diretso lang nakatitig dito. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay umiiwas ito saakin. Bakit, solomon? Anong nangyari saiyo?
Agad rin namang umalis si Solomon sa kuwarto ng aking kakambal.
"Bakit ganyan itsura mo?" tanong saakin nito bago ito lumabas. Tumingin ako sakanya atsaka ngumiti ng pilit. Hindi ko alam kong dapat ko bang sabihin sakanya ang nararamdaman ko o hindi nalang tutal naman hindi naman kami ganoon pa kakomportable sa isa't isa gaya ng inaakala ng mga nakakakita saamin.
Nakaramdam naman ako ng hapdi sa aking katawan nang batuhin ako nito ng kanyang kapangyarihan. Para saan yun?
"Hoy! Huwag tanga. Lalaki lang yan." matapang na tono nitong sabi saakin. Wow ha! Kaya ba hindi rin siya nag alala kay Kevin nung nawala ito sa mundo nila dahil sa panghihina ng katawan ko?
Hays, mahal kong kapatid, kailan ka ba magbabago?
"Hindi ako tanga huwag kang mag alala." sagot ko sakanya saka ko siya nginitian. Nginitian rin naman ako nito bago umalis ng kanyang silid.
Maya maya pa ay nakarinig ako ng isang malakas na sigaw at palakpakan. Ano nanaman kaya iyon? Dali dali akong pumunta sa baba upang tignan kong anong pinag gagagawa nila Solomon at Clyde sa kakambal ko.
Kitang kita ko ang bawat pag ngiti ni Solomon kay Sam. Sigurado bang si Clyde lang ang may gusto kay Sam? o parehas silang dalawa? Paano si Kevin?
"Bakit para atang malungkot ka?" tanong saakin ni Maverick ng maabutan ako nitong nakatitig sa tatlo. Humarap ako dito saka ako lumapit at yumakap ng mahigpit.
"Nalulungkot ako." ani ko dito saka nito hinaplos ang buhok ko at tumugon din ng yakap.
"Huwag ka ng malungkot, andito naman ako." wika nito dahilan upang lalo akong mapayakap dito ng sobrang higpit. Hindi ko alam, pero napakaswerte kong nandito si Maverick kahit na alam kong hindi pwede.
"Gusto mo bang makihalubilo na tayo sakanila?" tanong nito saakin. Paanong makikihalubilo? Yung Solomon na matagal ko ng hinahanap dahil siya ang sinasabing taga pangalaga namin ng kakambal ko at nakapangako saakin noon ay masayang nakikihalubilo sa kakambal ko.
*Flashback*
"Solomon!" tawag ko dito pagkapasok na pagkapasok nito sa hardin ng palasyo. Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at saka ko niyakap ito.
"Kamusta na ang Prinsesa ko?" tanong nito saakin habang nakayakap ako sakanya. Bago ko ito sagutin ay kinalas ko muna ang aking mga braso mula sa pagkakayakap ko.
Tinignan ko ito sa mata sa mata saka ko ito nginitian.
"Ayos lang naman ang Prinsesa mo, Prinsepe ko." wika ko. Alam kong hindi Prinsepe si Solomon pero nakikita ko sa kanya ang isang hulma ng isang magiting na Prinsepe.
Ngumiti ito saakin saka ako hinalikan sa noo dahilan upang mag umpisang mamula ang aking mga pisngi.
"Para ka ng kamatis sa pula mo ngayon Prinsesa ko." wika nito saka ako nito inakbayan. Naupo kami sa fountain ng palasyo at doon nito ibinigay saakin ang isang singsing na may desinyong puso.
"Pangako, kapag dumating na ang tamang panahon at nasa tamang edad na tayo mahal na Prinsesa, aayain kitang magpasakal este magpakasal." Hindi ko alam ngunit ang araw na iyon ay isa sa mga araw na gusto kong balik balikan kahit na natapos na ito.
Maya maya pa ay dumating na si Shakira at saka kami tinuksong dalawa dahil sa nadatnan nitong hawak kamay naming dalawa.
*End of Flashback*
Bumalik ako sa realidad at tinitigan ko naman si Maverick na kanina pa ako tinititigan.
"Hindi na siguro." Bakit pa? Eh mukha namang masaya na sila doon.
"Ah, alam ko na. Mag ice cream nalang tayo." sabi nito saakin. Napangiti naman ako sa sinabi nito. Mukha atang nakuha narin nito ang kiliti ko.
"Sige." matipid kong sagot dito saka ko ito hinila pababa.
"Saan kayo pupunta?" tanong ng kakambal ko bago kami makalabas ng pinto ni Maverick.
"Sa bahay ni Maverick." wika ko. Dahil sa katabi lamang ng bahay ni Sam, ang bahay ni Maverick ay mas makabubuti na lamang siguro na doon na lamang kami kumain ng Ice cream.
Ngumiti naman ito saakin ng nakakaloko. Mukhang iba ang iniisip ng kakambal ko dah dito. Pero bahala na. Bakit? Gusto ko nga kasing mag ice cream.
"Iba naman pala, mag lalabing labing naman pala sila Sam." pabirong sabi nung Clyde bago umakbay kay Sam. Agad namang hinampas ni Sam ang tiyan nito dahilan upang maramdaman nito ang sakit na gawa ng kapatid ko.
"Close na ba tayo?" tinitigan niya ang lalaking iyon matapos niya itong tanungin.
"Loves naman." ani nito. Akmang susuntukin na ni Sam ang lalakiing iyon ng bigla na lamang akong sumingit sa mga ito.
"Alis na muna kami." Alam k namang hindi tama ang ginawa ko pero syempre natatakam narin ako sa Ice cream.
"Sige." matipid na sabi ng aking kapatid.
"Pasalubong na baby." pagbibiro naman nung lalaking iyon saamin. Nginitian na lamang namin ni Maverick silang tatlo bago kami tuluyang lumabas ng bahay at saka nagtungo sa pinakamalapit na bilihan ng Ice cream at dumiretso sa bahay ni Maverick.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ngayon ay sapat na saaking kasama ko ito.
BINABASA MO ANG
The Dieties Heiress(Completed but Editing)
FantasyEach one has its own secrets. A mystery that nobody wants to uncover. My name is Ivery Samantha Louise. Sam for short, a regular student that unable to accept that I has a strength. A strength that I can't quite picture at all.