Morioka's POV
Ilang araw narin akong nasa kaharian ng Lavreska. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ng aking Ama. Binigyan ako nito ng panibagong buhay dahilan upang hindi ko na kailanganin ang kapangyarihan ng aking kakambal upang mabuhay.
Naglilibot libot ako sa dating hardin ng aming kaharian kung saan dito ko huling nakasama ang aking Ina nang bigla kong makita si Cassiopeia, ang bagong kasintahan ng aking ama.
"Napakasarap mamuhay bilang buhay, Prinsesa Morioka." pag uumpisa nito saka naupo sa pinakamalapit na mauupuan sa hardin. Tumingin ito saakin ng nakangisi.
"Anong nais mong iparating?" tanong ko rito. Sinamaan ko ito ng tingin ngunit agad rin naman nitong iniiwas saakin ang mga mata niya.
Lumingon ito sa bulaklak na kulay puti na malapit lamang sakanya. Pinitas niya ito at saka nito inamoy.
"Ang magandang bulaklak na tulad na ito kayang gawing kulay itim ng may kapangyarihan." ani nito saka ginawang kulay itim ang kaninang kulay puti na bulaklak. Lumapit ito saakin saka nito hinawakan ang mukha ko.
"Sa pagbabalik ng kakambal mo, isa sainyo ay kailangang mawala. Tama ba ako?" tanong nito saakin. Sa pagkakaalam ko, tama ito. Sapagkat kung mali ito sana ay hindi kinailangan ng katawan ni Reyna Fleariza ng mahika galing sa tagong manlilikha.
Ngumisi ito saakin saka umikot sa kinalalagyan ko.
"Huwag kang mag alala dahil ikaw ang Prinsesa na kilala ng lahat, papanig ako saiyo. Sa isang kondisyon." ani nito saakin. Napatingin naman ako sakanya sa sinabi niya. Anong kundisyon kaya iyon?
"Pakakasalan mo ang anak ko." pagtutuloy nito. Sinong anak niya? May anak pala ito.
"May anak ka?" tanong ko dito. Hinawakan ako nito sa balikat bago ako nito sagutin. Ngumiti ito saakin. Mukha namang totoo ang mga ngiting iyon.
"Mahabang kwento, Prinsesa Morioka. Nais ko ang makabubuti para sa kaharian kaya nais kong pakasalan mo siya." sagot nito saakin saka ito tumalikod saakin.
"Siya nga pala, lumaki siya sa mundo ng mga tao kung kaya't madali kayong magkakasundo kapag nagkakilala na kayo." dagdag pa nito bago naglakad papalabas ng hardin. Ha? Ang anak nito galing pa sa mundo ng mga tao? Paano?
"Mahal na Prinsesa, ipinatatawag po kayo ng Hari." wika ng isa sa mga tagapaglingkod sa kaharian na kapapasok lang sa Hardin.
"Pakisabi sa aking Ama na susunod ako." wika ko dito saka ako nagtungo sa aking silid. Nagpalit ako ng aking suot at nag ayos. Nais kong makita ako ng aking ama na Presentable sa katawan. Ayokong sa mata niya isa akong dugyot na Prinsesa sa kaharian.
Nagtungo agad ako sa silid ng aking ama nang mahuli ko sila ni Cassiopeia na naghahalikan. Ayoko kay Cassiopeia ngunit wala akong magagawa. Mas nanaisin ko namang siya ang maging Reyna kesa sa kakambal ng aking Ina.
"Nariyan ka na pala anak." pambungad saakin ng aking Ama. Tinignan ko naman si Cassiopeia na inayos ang kanyang sarili.
"Aalis muna ako." pagpapaalam nito saamin. Aba'y mabuti naman.
"Malamang ay nasabi na saiyo ni Cassiopeia ang nais niya." pagsisimula nito saakin habang papaupo ako sa upuan na nasa harapan nito.
"Opo ama." sagot ko.
"Nais kong ganun nga ang gawin mo ngunit-" pagputol ni Ama sa kanyang sasabihin. Si ama naman may paputol pang nalalaman.
Tumitig ito saakin ng seryoso."Ngunit anak wala ka bang iniirog o napupusuan man lang?" tanong nito saakin. Nakaramdam ako ng init sa aking pisngi dahil sa tanong nito saakin.
"Po?" ani ko na para bang gulat sa tanong saakin ni Ama kahit na hindi, nais ko lamang makapag isip ng tamang isasagot sakanya.
"Ang sabi ko anak wala ka bang napupusuan o iniirog?" tanong muli ni Ama saakin. Napakamot ako sa ulo ko sa tanong ng aking ama. Nais ko ngang sabihin sa kanya na nais ko si Maverick kaya lang anak ito ni Reyna Fleariza kaya sa tingin ko ay kapag sinabi ko panigurado akong ilalayo ito saakin.
"Ama, wala po." sagot ko dito. Ngumiti saakin si Ama at lumapit.
"Mabuti naman anak. Ngayon ay nasisiguro ko na ang tagumpay ng Lavreska dahil sa iyo." wika nito. Yun agad talaga ang inisip eh.
"Ama, paano si Shakira?" tanong ko rito.
"Alam mo naman ang patakaran sa Lavreska." wika nito saakin. So paano nga ang kakambal ko? Mamamatay siya? Paano?
"Mawawala ang kakambal mo. Gagawin namin ang lahat upang mawala siya." malamig na sabi ni Ama saakin.
Pero anak niya rin si Shakira pero bakit ganiyan siya?
"Ama, hindi mo ba pwedeng ibahin ang nakasanayan na ng mga nilalang sa Lavreska?" tanong ko rito. Alangan namang pabayaan ko ang kakambal ko.
Ayokong isa lang saamin ang matitira. Unfair yun para kay Shakira.
"Hindi." sabi nito sa maawtoridad nitong tono.
"Pero ama, kakambal ko si Shakira at alam niyo naman pong malapit ako dito mula noong bata pa kami." pagpapaliwanang ko.
"Anak, wala na akong magagawa doon." sabi nito. Tinignan ko ito bago ako magsalita ng kung ano.
"Naiintindihan ko, ama." wika ko.
"Ama mauna na po ako." pagpapaalam ko nang mapagtanto kong kailangan ko pang mag sanay at inaantay na ako ng tagapagturo saakin sa silid.
"Sige. Paghusayan mo." ani nito saakin. Batid kong alam nito na nahihirapan na ako sa mga ipinagagawa nito saakin ngunit kinakaya ko parin.
"Siya nga pala nais kong sumama ka sa pag lilibing sa alaala ng yumaong si Mizore." ani nito saakin. Kahit pa ayoko talaga sa babaeng yun wala akong magagawa kundi sumunod sa Mahal na Hari at saka siguro bilang pagpapasalamat na rin sa pagtuling saaking makabalik sa kaharian.
"Sige po ama."sabi ko bago ako tumakbo papalabas ng kanyang silid at tumakbo papunta sa silid kong saan nag aantay ang tagapagturo ko.
Nakita ko pa si Reyna Cassiopeia sa daan kaya napahinto pa ako rito.
"Mukha atang nagmamadali ka?" ani nito.
"Maaari po bang sa susunod na lamang, nagmamadali po kasi talaga ako." ani ko rito. Tumango naman ako dahilan upang mag umpisa ako muling tumakbo patungo sa kinaroroonan ng aking taga pagturo.
Pagkarating ko doon ay isang tagapagsilbi ang aking naabutan.
"Pinapasabi mo ni Hansel na sa susunod niya na lamang kayo tuturuan dahil may sakit po ito ngayon." ani nito.
"Sige." sagot ko rito bago ito umalis. Kita mo iyong tagapagturong iyon sana man lang sinabihan niya ako ng maaga nang hindi ako umasa hindi ba? Hays.
Madaling madali pa man din ako, yun pala wala naman.
BINABASA MO ANG
The Dieties Heiress(Completed but Editing)
FantasyEach one has its own secrets. A mystery that nobody wants to uncover. My name is Ivery Samantha Louise. Sam for short, a regular student that unable to accept that I has a strength. A strength that I can't quite picture at all.