Morioka's POV
Nagising na lamang ako sa paghaplos ng isang nilalang. Unti unti kong iminulat ang mga mata ko at nasilayan ko ang isang madilim na paligid sa loob ng isang kulungan.
"Mabuti at nagising ka." napatingin ako dito habang nakangiti ito saaking tinititigan ako. Ibinaling ko ang tingin ko sa dibdib nito na para bang may nakatusok rito. Bumangon ako at saka ko hinila ang kung anong klaseng crystal na nakatusok dito.
"Salamat." wika nito saakin. Ngumiti naman ako sakanya ng mapait. Alam ko kung nasaan ako. Alam ko kung nasaan kami.
"Hindi ka ba natutuwa na nakabalik ka na ng Lavreska?" tanong nito saakin. Sino ba naman ang matutuwa sa ganito? Makakabalik ka ng Lavreska bilang isang bilanggo at hindi isang bilang Prinsesa. Isa pa, ang katawang ito ay mawawala makalipas ng ilang araw kung sakaling hindi ako mahanap agad ni Shakira.
Lumapit si Maverick saakin saka ako niyakap. Ano ba itong ginagawa niya?
"Itatakas kita dito." ani nito saakin dahilan upang mapayakap din ako dito saka ko isinubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib.
"Maraming salamat." at lalo ko pang hinigpitan ang mga yakap ko dito. Natatakot ako. Nasanay na akong kasama sila. Kahit napaka mainitin ng ulo ng aking kapatid ay sobrang nais ko itong kasama.
Kumalas ako sa yakap naming dalawa at saka ko sinubukang buksan ang pintuan ng kulungan. Ngunit kahit anong lakas ng aking mahika at ang lakas ng kapangyarihan ko bilang isang kalahating bampira ay wala parin itong silbi.
"Tigilan mo na, mapapagod ka lang." ani nito saakin. Tinitigan ko ito at saka ako lumapit sakanya.
Maya maya ay pumasok ang Reyna sa loob ng kulungan at binuksan ang pinto nito.
"Hindi ko alam kong paano ka nabuhay ni Mizore pero ito lang ang sasabihin ko sayo mahal kong anak, magsisisi kang nabuhay kang muli." wika nito habang diretso itong nakatitig kay Maverick. Teka, anak nito si Maverick? Paano? Akala ko ay nag iisa lamang si Martha na anak ng kakambal ng aking ina.
"Kung ano mang binabalak mo aking inak, hindi ko hahayaang magtagumpay ka." matigas na sabi ni Maverick sa Reyna dahilan upang batuhin ni Mizore si Maverick ng bolang apoy na kulay lila.
"Magaling, Mizore." wika ng Reyna dito matapos mapuruhan si Maverick.
Sa kabilang banda ay nakita ko ang isang malawak na butas sa gilid nang babaeng nag ngangalang Mizore.
"Sisiguraduhin kong hindi kayo magtatagumpay!" sigaw ko sakanila saka ako tumakbo papalapit kay Maverick na ngayon ay iniinda ang sakit na gawa ng apoy ni Mizore.
Hinawakan ko ito atsaka ko ihinawi ang aking kamay. Alam kong sa laban na ito ay mamamatay kami kapag sinubukan namin silang banggain kaya naman sinubukan kong tumakas. Sinubukan ko kasama si Maverick.
Gamit ang lakas ng isang bampira at bilis nito maging ang kapangyarihan ng isang sorceress ay nakatakas kami ni Maverick.
"Magtago kayo hangga't gusto niyo pero tandaan niyo, ako ang Reyna ng Lavreska! Matutunton ko kayo kahit asaan pa kayo!" dinig kong sigaw nito bago kami tuluyang makalabas ng kaharian.
Nang makalabas kami ay agad kaming nagtungo sa isang madilin na kagubatan kong saan alam kong hindi na kami agad matutunton ng Reyna.
Hinawakan ko si Maverick upang bigyan siya ng lunas sa nadarama niyang sakit.
"Maraming Salamat." ani nito saakin.
"Bakit hindi mo sinabi saaking anak ka niya? Na kapatid kita?" tanong ko dito sa seryoso kong tono. Sinubukan nitong umiwas sa tanong ko ngunit hindi ko ito pinalampas.
"Anong dahilan?" humarap ito saakin ng diretso.
"Hindi tayo magkapatid, mag kadugo, Oo." sagot nito saakin. Totoo naman. Ewan ko ba, hanggang dito ay nakuha parin nito ang pagiging sarkastiko at dahil doon ay natawa nalang kaming dalawa.
"Magkadugo pala tayo tapos nais po pa akong ligawan." sabi ko dito.
"Sa Lavreska, hindi naman importante kong magkadugo tayo o hindi eh." sagot nito saakin saka ngumiti. Yung ngiti niya, hindi ko maipaliwanag. Nakakatuwa siya.
🌺🌺🌺
Kevin's POV
"Asaan nga si Morioka?!" galit kong sabi sakanya dahil ilang araw na itong nawawala at wala man lang itong ginagawa upang hanapin ang kakambal nito.
Tinitigan ko lamang ito at tila ba wala itong pakialam at patuloy parin itong kumakain ng pop corn habang nanunuod. Linapitan ko ito saka ko inihampas sakanya ang unan na hawak hawak ko.
"Tang ina naman nito! Sumagot ka! Asaan si Morioka?" ani ko dito. Tinitigan naman ako nito bago ako sinipa.
"Ako? Tang ina? Talaga lang ha? Sino bang mas puta saatin ngayon? Ako yung napakatagal mo ng nakasama pero yang kakambal ko ang hinahanap mo. Tang ina lang, Kevin!" sigaw nito saakin saka ako muling sinuntok dahilan upang magdugo ang ilong ko. Kasabay nun ay hinampas nito saakin ang unan na inihampas ko dito kanina.
"Ang unfair mo, Kev. Hindi mo man lang naiisip yung nararamdaman ko kapag yang kakambal ko yang lagi mong hinahanap. Kung ganyan rin pala sana, ako nalang ang nawalan!" sabi nito saakin habang diretso itong nakatingin saakin. Bakas sa mukha nito ang lungkot na dinaramdam nito.
Ano ba itong ginawa mo, Kevin. May point naman talaga siya eh. Simula nung nakalabas at nagkaroon na nang sariling katawan yung mabait na Sam ay hinahanap hanap ko na ito.
"Ang unfair mo, Kev-" hindi na nito naituloy ang sinabi niya ng bigla kong ilagay sa bunganga nito ang isang tinapay.
Oo na. Alam ko na may kasalanan naman talaga ako pero syempre kapatid niya parin iyon na kailangan niyang hanapin.
"Tigilan mo na ako sa drama mo." sabi ko sakanya saka nito ibinato saakin ang tinapay na inilagay ko sa bunganga niya.
"Tang ina nito, mukha ba akong nagdradrama?" tanong nito saakin. At heto nga, nagtataratay na ito saakin. Malamang, alam kong nagdradrama nanaman ito. Best actress naman kaya ito sa buong Academy.
"Oo kaya magtigil ka na diyan." sabi ko dito.
Nagulat na lamang ako ng makita kong biglang naglalaho ang kamay ko.
"Anong nangyayari saakin?" takot na tanong ko kay Sam. Hindi naman ako inimikan nito.
"Malay ko kung anong nangyayari sayo." wika nito saakin bago ito tuluyang umakyat sa taas.
"Sam!" bulyaw ko dito bago ako tuluyang nawala.
Sam, alam kong ililigtas mo ako.
Aantayin ko yan, Sam.
A/N: A morning update everyone! Hope you'll like it. 💚
BINABASA MO ANG
The Dieties Heiress(Completed but Editing)
FantasyEach one has its own secrets. A mystery that nobody wants to uncover. My name is Ivery Samantha Louise. Sam for short, a regular student that unable to accept that I has a strength. A strength that I can't quite picture at all.