Chapter 4: Snake

72 39 44
                                    

Kevin's POV

Sa buhay natin marami talaga tayong rant na hindi natin maiiwasan. Alam ko at alam niyo rin naman mapunta sa sitwasyong ganun.

"Lagi ka nalang palpak sa mga ginagawa mo! Alam mo kung laging ganyan tayo, mahihirapan talaga ang kumpanya nating umangat sa ginagawa mo!"dinig ko kay Mama sa harap ng hapagkainan.

Hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami rami naman ng araw at ng timing dito pa talaga sa hapag kainan naisipan mag usap ng dalawang ito para sa trabaho.

Tinitigan ko si Papa. Hindi naman ito umiimik at patuloy parin itong sumusubo ng pagkain, para nga siyang walang narinig kaya minsan idol ko siya eh.

"Ikaw? Kamusta mga grades mo? Baka naman napapabayaan mo na ha!"tanong ng nanay ko. Agad naman akong nangulangot.

Hays! Wala na ata siyang ibang mapagbabalingan ng sama ng loob kundi ako sa ngayon. Bakit ba ganito ang buhay ko?

At oo, ugali talaga namin ni Sam mula bata pa yang pangungulangot kapag naiirita kami sa mga kaharap namin kaya wala kayong magagawa, kami ang pabebe girls, joke!

"Kevin, I'm asking you!"galit na sabi saakin ni mama. Tignan mo itong si mama, sabi niya igalang ang nasa hapagkainan pero bakit parang kinain niya narin ata yung mga pangaral niya sa akin noon bata pa ako? Sorry ma ha, ganito lang po kasi talaga yung anak niyo.

Tumayo lang ako at hindi ko pinansin si mama. Aba, bahala na siya sa buhay niya kumuda ng kumuda, malaki na siya. Alam niya na kung saang lupalop siya dapat masanay.

Stress na ako sa Acads ko, masstress pa ako sakanya. Ano gusto ba niya double dead mangyari saakin? Triple kill ganun, sa ml nga lang, joke ulit.

Agad akong pumunta sa kwarto upang humiga sa aking kama tutal wala namang klase ngayon. Hindi ko na talaga binalikan pa doon si mama. Ayokong makarining ng puro kuda niya.

Kung siya napapagod sa kakakuda, ako napapagod sa kakasink in ng mga sinasabi niya. Ang hirap pa man din iluwa pag ganun sa utak, buti sana kung madali lang.

Unti unti na akong nilalamon ng aking antok ng biglang tumunog ang aking Cellphone.

Fucking shit!

Sino nanaman ba itong nang iistorbo sa akin? Anong karapatan niya para tawagan ako?

Talaga bang ayaw nila akong magpahinga? Kahit isang araw lang?

Agad kong sinagot ang tawag. Nagulat na lamang ako nang biglang pagsagot ko ay pasigaw na pagbati ang bumungad sa akin.

"Putang ina mo, Kevin! I'm gonna kill you! Asaan ka na?! Hindi ba sabi mo sasamahan mo ako today? Punyeta ka talaga!"galit na sabi ni Sam. Bigla kong naalala yung mga sinabi ko sa kanya.

Ah. Oo nga pala. May lakad nga pala kami ngayon dapat. Eh paano ba yan, tinatamad ako.

"Pwede bang humanap ka na lang ng kasama mo?"tanong ko dito. Alam kong hindi ito papayag, siyempre sa gwapo kong ito, ayaw niya akong kasama? Duh! Pinaglalawayan kaya ako ng mga babae diyan sa tabi tabi.

"Ikaw gusto kong kasama."sabi nito sa malamig na tono. Ayiiieeehhh! Kinikilig ako. Putang ina!

Anong kalokohan ba itong pinagsasasabi niya ngayon? Nakakadiri kaya.

The Dieties Heiress(Completed but Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon