Chapter 55: End is just the Beginning

16 2 1
                                    

Epilogue

Sam's POV

Kanina pa kami nagtititigan dito ngunit ni minsan hindi ito umimik saakin. Hindi ko alam kung gusto pa ba ako nitong makausap dahil sa ginawa ko o gusto ako nitong isumpa.

Maya maya pa ay nagulat na lamang ako ng bigla itong magsalita.

"Paano mo iyon nagawa?" tanong nito saakin. Tinignan ko siya mata sa mata. Dahil ba sa nagawa kong iyon, hindi na ako nito mahal? Anong klaseng pagmamahal iyon kung ganoon rin lamang?

"Nagalit ako. Kahit na sino naman kapag nagalit ay mawawala sa sarili." malamig kong sambit sakanya.
Hinawakan naman nito ako sa kamay ko imbis na ganitham. Akala ko ay sasakalin ako nito o sasaktan man lang ngunit hindi nito iyon ginawa.

"Hindi maitatama ang mali ng isa pang pagkakamali, Sam." sabi nito saakin.

"Sana lamang ay natuto ka sa pagkakamaling iyong nagawa." dagdag pa nito saka ako nito hinalikan sa noo.

Bakit ganito pa rin siya saakin? Bakit ganito niya parin ako itrato? Linoloko niya ba ako? Pinatay ko na ang mga magulang niya pero bakit? Mahal niya ba talaga ako?

"Why are you acting like this? Why did you betrayed me?" tanong ko sakanya. Akala ko ay kakampi ko ito sa pagpunta ko sa Lavreska ngunit hindi pala. Pakiramdam ko nung humarang siya sa harap ko bago ko mapaslang ang kanyang Ina ay iniwan na ako nito sa ere.

"I never betrayed you. I will never betrayed you. I just want you to stay calm at hindi papairalin ang galit." ani nito saakin saka ngumiti.


Ngayong araw na ito ang pagpataw saamin ng kaparusahan. Hindi ko alam kung anong magiging kaparusahan ko dahil sa ginawa ko ngunit nasisigurado kong malala iyon. Ganun din ang sakanya.

"Clyde, totoong minahal kita." walang preno kong sabi sakanya.

"Alam ko." sabi nito saakin saka ito ngumiti.

"Mahal din kita." pagdagdag pa nito saka ako nito hinalikan sa labi. Ito na ba? Ito na ba ang huling halik na matatanggap ko mula sayo? Ito na ba?

"Mahal na Prinsesa, oras na." tawag saakin ng isang kawal kaya agad kaming lumabas ng silid upang ilagay sa gitna ng anim na manlilikha.

Sila ang magdedesisyon ngayon kung ano ang kaparusahang ipapataw saakin. Nakiusap na ako kay Ama pagkatapos ng pangyayaring iyon ngunit hindi ako nito pinakinggan.

"Ang parusang iyong matatanggap ay napagdesisyunan na ng anim na manlilikha." sabi nito sa lahat. Natatakot ako para sa sarili ko ngunit parang mas natatakot ako para kay Clyde.

Wala naman kasi itong kasalanan bukod sa kasabwat ito ng kanyang ama't ina sa pagsira sa Lavreska.

"Ang ipinapataw namin sainyo ay-" Hindi na naituloy ng Hari ang kanyang sasabihin ng biglang kumidlat ng napakalakas at saka yumanig ang lupa.

Nakita ko naman si Kera sa kabilang banda na natatakot. Nalulungkot ako para sa kanya dahil damay rin ito sa mga kaparusahang aming makukuha.

Sa kabilang banda, isang nilalang na may kagandahang maladiyosa ang nagpakita sa harap namin.

"Magpigay pugay kay Iris!" sigaw ng Hari kaya naman lahat sila ay lumuhod. Ginaya namin ang kanilang ginawa kahit pa hindi naman namin ito kilala.

"Ayun sa aking Ina, si Iris ang lumikha sa pitong manlilikha at kinikilala bilang Diyosa ng Bahag hari. Kaya nitong baguhin ang lahat maski ang buhay ng tao sa isang iglap." pabulong na sabi ni Clyde saakin.

"Eh anong ginagawa niya rito?" tanong ko sakanya.

"Hindi ko alam." Iniangat namin ang aming mga sarili at nasilayan ang Diyosang si Iris na papalapit sa aming dalawa ni Clyde.

Nang makalapit ito ay agad siyang humarap sa lahat ng mga manlilikha.

"Walang sinuman ang maaaring magbigay parusa sa aking anak!" sigaw nito sa harap ng mga manlilikha.

"Ipinadala ko si Irene sa sinapupunan ni Diannara sapagkat alam kong may kaguluhang magaganap dito." dagdag pa nito.

"Ngunit nakapatay ang batang iyan." pangangatwiran ng isa sa mga manlilikha.

"Ang pagpatay sa nilalang na may maitim na budhi ay hindi kasalanan sa mata namin bagkus ito ay isang magandang balita para saamin sapagkat ang isa sa mga nilikha ng kadiliman ay napuksa dahil sa isang may mabuting hangarin."

"Kaya naman, ikaw Samantha ay pinapayagan ko ng umuwi sa ating tahanan." sabi nito saka ako nilapitan at hinalikan sa pisngi.

"Natatandaan mo na ako?" tanong nito saakin. Tumango naman ako dito bilang tugon.

"At Ikaw Clyde ang pinipili kong kapalit ni Mizore bilang isa sa mga pitong manlilikha dito sa buong Damnivia." Medyo nalungkot ako sa sinabi ng aking Ina ngunit mas makabubuti narin siguro iyon kesa naman patawan kami ng parusang kamatayan.

"Bilang Diyosang lumikha sainyo, nais kong tanggapin niyo si Clyde bilang isa sa inyo ng walang pag aalinlangan." dinig kong sabi ng aking Ina sa kanila.

Lumuhod sila sa harap nito at saka binigyang puri si Clyde bilang manlilikha na pumalit kay Mizore.

"Handa ka na bang sumama sa akin, Irene?" tanong nito saakin. Alam kong mahal namin ang isa't isa ngunit kailangan muna naming gampanan ang aming mga tungkulin bilang mga makapangyarihang nilalang sa mundo.

Hindi ko muna sinagot si Ina bagkus ay lumapit ako kay Clyde saka ko ito niyakap ng mahigpit at hinalikan sa labi nito.

"Tandaan mo, babalik at babalik ako." wika ko dito. Hinaplos ko ang mukha nito saka ko ito muling niyakap.

"Mahal na mahal kita." wika ko. Hindi ko na ito inantay pang sumagot. Ayoko kasi na marinig ko pa ang sasabihin niya dahil baka lalo akong masaktan sa pag alis ko rito.

Tumakbo ako papunta kay Ina at hinawakan ko ito.

Hindi dito magtatapos ang istorya natin, Clyde. Babalik ako sa mundong nakagisnan mo, sa mundong pamamahalaan mo't pangangalagaan mo ng mahabang panahon.

"Shakira! Samantha! Irene! Kahit sino ka pa! Mahal na mahal kita!" dinig kong sigaw niya habang makahawak ako kay Ina. Napatingin naman sa akin si Ina at saka ngumiti.

"Talaga bang sasama ka saakin?" tanong muli nito.

"Opo." sagot ko dito.

"Kung gayun ay tayo na." sagot nito saakin. Hinawakan ko siya ng mabuti.

Hindi ito ang pagwawakas,

Bagkus ito ang ating panimula, Clyde.

Bagong panimula na magbibigay sa atin ng ginto sa umpisa ng bahag hari at kailangang magtapos din sa ginto ng dulo ng bahag hari.

'Babalik at babalik ako.' sabi ko sa aking isipan bago ako pumikit at tuluyang mawala sa paningin nila kasama ng aking Ina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Dieties Heiress(Completed but Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon