Chapter 50: Dragon's Power

5 2 0
                                    

Sam’s POV

Sa tinagal tagal naming naglalakad papuntang Lavreska kahit may putang ina pa akong dragon na kasama ay nakaramdam ako at ang mga kasama ko ng pagod. Kaya naman, nagpahinga muna kami sa isang tabi kung saan kami ay may masisilungan.

“Sam, gutom ka na ba?” tanong nito saakin. Tanga ata ito eh, malamang gutom na ako. Ilang oras narin kami naglalakad papuntang Lavreska ano.

“Alam mo kung si Maverick ang nandito, hindi na kailangan pang itanong yan.” ani ko dito saka ako tumayo at nilapitan si Kera na mukhang nauuhaw na. Hinaplos ko ito at kitang kita ko sa balat nito na ang pagkauhaw nito. Maya maya pa’y bumuga. Sa pag aakalang apoy ang lalabas sa bunganga ng dragon ay agad akong inilayo ni Kevin sa kanya dahilan upang mapatawa si Clyde nang makarating ito sa kinaroroonan namin.

“Anong akala niyo? Apoy ang lalabas sa dragon?” tanong nito saka tumawa ng pagkalakas lakas. Pumulot ako ng isang malaking bato saka ko ito ibinato sakanya. Tarantado eh! Malamang ang alam kong lalabas sa bunganga ni Kera eh apoy. Ganoon naman diba? Saka sa mundo ng mga tao, yaon talaga ang paniniwala nila, kaya huwag siyang ano. Nakakabwisit eh!

Agad naman nitong naiwasan ang batong inihagis ko sakanya.

“Anong problema mo?” tanong nito saakin. Tinitigan ko muna ito ng masama bago ko ito sagutin.

“Shit ka ba? Bobo! Malamang ang alam namin na lalabas kay Kera eh apoy, dragon siya diba?” Tinalikuran ko ito saka ako naglakad papunta sa katawan ng matabang puno. Naupo ako doon at pumikit upang makapagpahinga. Maya maya pa’y nakaramdam ako ng daliri sa aking balat. Pakiramdam ko ay may inilalagay sa aking balat na kung ano. Idinilat ko ang aking mga mata at nakita ko si Kevin na nangungulangot sa tabi ko. Agad ko naman itong sinuntok.

“Tang ina mo.” mura ko sakanya. Tinitigan ko ito habang pinupunasan nito ang dugo sa kaniyang ilong bunga ng pagkakasuntok ko dito.

“Sam, pagkain nga pala.” sabi saakin ni Clyde na kalalapit lamang sa kinauupuan ko ngayon.

“Alam kong pagkain yan, hindi naman ako tanga.” ani ko sakanya. Hindi ko alam kung papaano nagagawang kumain ni Clyde ng sariwang karne ng isang Oso, nakakadiri. Sigurado ba siyang sa mundo siya ng mga tao lumaki?

“Eh bakit hindi kayo kumakain?” tanong nito saamin saka ito sinabayan ng pagsubo sa kinakain nito.

“Pre, bampira kami. Hindi aswang. Mas mabubusog siguro kami ni Sam kong dugo ang ibibgay mo saamin.” sabi ni Kevin. Kaya nga naman. Yak kaya!

“Edi dugo ko na lang ibibigay ko kay Babe.” sabi nito habang nakatitig saakin. Inirapan ko ito saka tumingin kay Kera. Naglalabas kasi siya ng tubig kaya mas makabubuti siguro kung lapitan ko ito para sakanya ako kumuha ng papawi ng uhaw sa lalamunan ko ngayon.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Kevin sa akin ng tumayo ako. Nilingon ko ito saka ko ito sinagot.

“Kay Kera.” Lumakad ako sa direksiyon ni Kera at nang makarating na ako doon ay agad ko itong hinaplos haplos.

“Hays, ang baby ko.” bulong ko rito habang patuloy ko parin itong hinahaplos. Nagulat naman ako ng bigla ko na lamang nakita si Kevin sa harap ko. Dahil sa kapangyarihan nito ngayon kaya na nitong kumilos ng mabilis kesa sa ordinaryong tao. Thanks to my sister.

“Pwede namang ako nalang ang baby mo.” sabi nito saakin. Agad kong itinaas ang hintuturo ko saka ako nagpalabas ng kaunting kapangyarihan upang ipantira ko sakanya.

“Aray! Para saan yun?” sabi nito. Minsa, nakakaputang ina rin talaga ano? Lalo kapag ang common sense na yung reason bakit mo ginawa yun eh hindi niya pa rin alam. Anong klaseng kabobohan yun? Tang ina!

“Ewan ko sayo.” sabi ko sakanya saka ko pinaso si Kera dahilan upang magbuga ito saakin ng tubig.

Pinagmasdan lamang ako nila Kevin at Clyde sa ginagawa ko at wala ni isa sa kanila ang lumapit para manghingi ng tubig na iniinom ko.

“Ayaw niyo ba?” tanong ko sa mga ito.

“Sam, hindi ka ba nadidiri?” tanong saakin ni Kevin. Sa kulangot nga na kinakain, hindi ako nadidiri dito pa kaya.

“Nope.” sagot ko dito saka ko ipinagpatuloy ang pag inom ko sa napakasarap nitong tubig.

“Hindi yan nakakadiri kasi si Kera ay nagbibigay lakas gamit ang kanyang tubig.” dinig ko sabi ni Clyde.

“Talaga?” tanong naman ni Kevin kay Clyde na mukha namang nagkaroon ng interes para subukan ang tubig na iyon. Ang cute nilang tignan kapag ganyan sila mag usap. Sana ay bumalik na ang dati nilang samahan katulad nung mga bata pa sila.

Lumapit saakin si Kevin saka humingi ng tubig galing sa bunganga ni Kera. Naku si Clyde talaga magaling manlinlang ng kahit na sino. Uminom si Kevin ng tubig at saka naman humalakhak ng humalakhak si Clyde.

“Tanga ka parin kahit kelan, Kev.” sabi nito sakanya. Naibuga naman ni Kevin ang tubig na kanyang ininom.

“Bakit ang pait?” tanong nito saakin. Matamis naman ang tubig nito ha, paanong naging mapait? May problema na ata ito sa panlasa.

“Tanga, sino bang may ari kay Kera, diba si Sam? Kaya kay Sam lang gagana yung sinabi ko. Isa pa hindi yan mapait kung ikaw ang may ari kay Kera.” pagpapaliwanag nito kay Kevin. Nakakaloka, kaya naman pala.

“Bwisit.” inis na sabi ni Kevin saka naman nag walk out. Walk out King na bwisit.

“Bakit yun?” tanong ni Clyde saakin. Tumayo ako saka ko ito nilapitan at binatukan.

“Alam mo minsan makiramdam ka naman.” sabi ko dito bago ko sundan si Kevin sa kung saang lupalop ito pumunta. Ayoko naman na baka mamaya dahil saakin may mangyari sakanyang masama.

“Sam, sorry.” sabi nito saakin bago ako tuluyang makaalis. Hindi ko na ito pinakinggan pa dahil nagmamadali narin ako. Mabilis ang bampira kaya naman ginamit ko ang taenga ko para marinig ko ito sa kung nasaan ito.

Hindi ka pwedeng lumayo, Kevin. Mali, hindi pala tayo dapat lumayo kasi hindi ito mundo ng mga tao. Please, huwag mo akong pahirapan. Huwag kang lumayo saakin. Ayokong may mangyaring masama sa iyo, Kev.

The Dieties Heiress(Completed but Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon